P.N.L.T.F.G

3.1K 68 5
                                    

CHAPTER 5:

MAICA POV : Success ! Ngiting-ngiti ako dahil wala na si Azikiel dito , wala na akong kaagaw kay daddy at sa mga mamanahin ko sa kanya ..

Saan naman kaya pumunta yun ? Huh! Siguradong sa daan na natutulog yun ngayon .. ang yabang niya kasi ,.

Tinawagan ko naman agad ang isa sa mga alipores ko .. si shanta ang akala niya tinuturing ko siyang kaibigan eh ang pangit niya .. kinaibigan ko lang naman siya dahil isa siyang bully sa school at popular naman ako kaya naging close ko na siya at tuwing may kaaway ako tinutulongan niya ako , nalaman ko nga na sumali pala siya dati sa gang hanggang ngayon kaya marami rin siyang barkada na puro gangster ..

Tinawagan ko siya dahil may ipapatrabaho ako sa kanya .. *smirk*

"Hey, Sha , pwede bang mag request sayo .. plz .. umakting ako na umiiyak

"Ano ba yun ? sagot niya

" Kasi ang stepsister ko na si Azikiel sinabunutan ako at pinahiya sa maraming tao , gusto ko sanang maghigante ,. pwede mo ba akong tulungan ? Total pinalayas naman siya dito sa bahay at wala na siyang matitirahan kaya kung pwede bukas ang pag uumpisa na makabawi ako sa kanya at parati na natin siyang ibully .. sabi ko

"Alam mo namang hindi ako makakatangi sayo diba ? sagot nito

"So pumapayag ka na ?

"Ofcourse ,. Madali lang naman yang pinapagawa mo eh .. tuma-tawang sabi nito ..

"Omy, thank you so much Sha .. your the best friend ever ! sabay Patay ko ng phone ko at masukasuka ako sa sinabi kong friend kadiri ..

KINAUMAGAHAN !

AZIKIEL POV : nakatitig pa rin ako kay nerd habang nagluluto siya ng breakfast namin ..

Flashback nangyari kagabi :

"saan ba tayo pupunta ha ? Tanong ko rito pero parang wala man lang akong kausap.. kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero hindi naman niya ko sinasagot ..

Tumahimik nalang ako , hanggang sa makarating kami sa isang napakagara at napakagandang bahay ,! mas malaki pa to kesa sa bahay namin , malaki na yung bahay namin pero mas domoble pa ata ito, hindi ko rin namang matatawag na mansion to..

Bumaba na siya at sinenyasan niya ako na bumaba narin ..

Ano to? Bigla siyang naging pepe ganun ?! Nerd na nga , hindi pa gentleman.. para pag buksan lang ako eh,. bulong ko

Bumaba na ako , nakita ko namang may sumalubong sa kanyang mga nakaitim na mga lalaki , gabi na nga nakaitim pa sila hindi tuloy makita yung isa ..

Humarap naman si nerd sakin ..

Sinenyasan niya ulit ako na lumapit sa kanya ..

Pero imbis na sumunod ako tinaasan ko pa to ng kilay ..

Tumango naman ang mga lalaki na kausap niya kanina at umalis na ..

Lumapit si nerd sakin at hinila na ang bagahe ko at ako papasok ng bahay .

"Teka lang nerd! Bakit mo ba ako kinidnap ha ?! Tanong ko rito

"Hindi kita kinidnap .. sagot nito

Himala atang hindi na siya nabubulol at yumuyuko kapag kinakausap ko ..

"Kung hindi mo ako kinidnap ano tong ginagawa mo ? Bakit mo ako dinala rito ? Tanong ko

"Basta , tumahimik ka nalang .. naiirita niyang sagot ..

End of Flashback ..

"Ku-kumain ka na .. sabi ni nerd

Tingnan mo to , kagabi lang hindi na siya nauutal at yumuyuko pero ngayon bumalik na naman ..

Nakatitig pa rin ako sa kanya ..

"Sabi ko kumain ka na .. sabi niya ulit

O kita mo na , bumalik naman yung pagiging ma awtoridad niyang boses na kung hindi mo susundin siguradong mamatay ka ..

"Kung ayaw ko ? May magagawa ka ba ? ngumiti ako ng nakakaloko , masubukan nga tong si nerd ,. gusto kong makita kung paano siya magalit ..

Biglang may lumapit na lalaking naka damit ng itim ..

"Miss kumain na po kayo , dahil papasok pa kayo sa school at mukhang malalate na kayo .. sabi nito

Wala akong pakialam , pero naalala kong nangako pala ako kay wendy na papasok ako ngayon ..

"Tsk ! Hoy nerd ! Bakit mo ba ako dinala rito ha ?! pasigaw na tanong ko .. kagabi ko pa kasi to tinatanong pero hindi parin niya ko sinasagot sinong di maiinis ..

"Miss ginawa niya po yun para po may matuluyan kayo .. sagot ulit nung lalaki ..

"Hindi naman ikaw yung tinatanong ko , bakit sumasagot ka ?! sabi ko

"At saka di ko naman kailangan ng tulong niyo , kaya ko naman yung sarili ko .. tumayo na ako pero hinarangan ako ng lalaki ..

" Para raw po to sa utang na loob ng boss namin dahil iniligtas niyo raw siya sa lalaking nambato sa kanya ng papel .. sagot ng lalaki

Nagpipigil naman ako ng tawa " seriously yun lang ang dahilan kong bakit niya ko dinala rito ? Tanong ko

Tumango naman ito ..

Hindi ko na napigilang hindi tumawa kasi ang babaw naman pala nitong si nerd eh ..

"Ku-kumain ka na .. sabi nito at umalis na ..

"Ako na raw po ang maghahatid sa inyo .. sabi ulit ng lalaki ..

Nahiya siguro yun , pero salamat narin pala sa kanya wala rin naman talaga akong matutuluyan saka kina wendy wala nang bakante ang bahay nila doon kasi nakatira lahat ng kamag-anak nila .. nakakahiya naman kung dadagdag pa ako ..

Natapos na akong magkain at naubos ko lahat ng ito , grabe ang sarap palang mag luto ni nerd ..

Inihatid naman ako ng isa sa mga men in black niya sa school ..

Naglalakad na ako papunta sa classroom ng biglang may bumuhos sakin ng tubig galing sa itaas ..

Napapikit ako sa inis dahil basang-basa na ako , tumigala naman ako kung sinong may kagagawan nito ..

Nakita ko si shanta ito yung kaibigan ni maica ..

Anong problema nito ..

" Malamig ba o mainit ? Tanong nito

" Mabalian o mabawasan ? Sagot ko

Nagtaka naman ito ..

"Ano ?! Tanong nito habang bumababa at lumapit sakin ..

Habang binibigkas ko ang mga kataga na ito "Mabalian ka ng buto o mabawasan ka ng dugo .. mabilis ang mga galaw ko kaya namilipit agad siya sa di niya inaasahang paghila ko sa leeg niya at sinikmurahan siya .

May mga kasama pa pala ito at pinagtulungan akong batuhin ng itlog at harina ..

Tumayo naman si shanta at agad na sinipa ako saka pinagsusuntok ..

Hindi ako makalaban dahil pinalibutan nila akong lahat at pinagtatadyakan ..







The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Where stories live. Discover now