P.N.L.T.F.G

2.8K 71 3
                                    

CHAPTER 6:

Azikiel POV : halos manghina na ako sa ginagawa nila ..

Ng bigla nalang may yumakap sakin .. hinarap ko kung sino ito ..

Si nerd na naman ..

"Nerd.. nanghihinang sabi ko ..

Pinagsasapak at pinagtatadyakan narin kasi siya , pero hindi siya lumalaban, nakayakap lang siya sakin. Sinasalo niya bawat tadyak at suntok ng mga barkada ni shanta ..

Naiiyak na ako , bakit ba kasi siya nangingialam , pinakaayaw ko kasi sa lahat yung may nadadamay dahil sakin ..

Bigla silang tumigil ng sumigaw ang principal ang Papa ni wendy kasama niya ito na may hawak pa ng baril ..

Bumalik kayong lahat sa kanya kanyang classroom at kayong dalawa .. turo niya samin

Pumunta kayo sa clinic , samahan mo na sila wedy .. utos nito kay wendy ..

Sinamaan mo na ako ng tingin ni shanta bago umalis ..

Tinulongan kami ni wendy na tumayo at pumunta na sa clinic ..

Habang ginagamot kaming dalawa ..

Kanina pa dada ng dada si wendy ..

"Sino ba kasi ang may gawa nito sa inyo ? Tanong nito sakin

Napatingin naman sakin si Nerd ..

"Si shanta.. sagot ko

"At bakit niya naman ginawa to sayo ? sagot niya

"Hindi ko alam , pero sigurado akong may kinalaman dito si maica ..

"Yung stepsister mo na mukhang impakto ? Ang pangit na nga niya ang sama pa ng ugali niya .. saka sumikat lang naman yun dahil nalaman nilang stepsister mo siya .. kaya sobrang lumaki ang ulo na akala niya sumikat siya dahil maganda siya .. naiinis na sabi ni wendy ..

Matapos kaming gamutin , pinabalik na kami sa classroom , kahit masakit pa yung katawan ko at andami kong pasa ..

Umupo na ako sa upuan ko at tumabi naman sakin si Nerd ..

Napatingin tuloy ako sa kanya , mas marami siyang pasa kisa sakin .. nakonsensiya tuloy ako , hindi sana siya nadamay kong hindi siya nakialam..

"Nerd , pwede bang lumayo kana sakin.. wag kanang makialam sa buhay ko , pabayaan mo na ako , at hindi naman kita niligtas sa lalaking nambato sayo ng papel sadyang ako lang yung natamaan kaya kung pwede itigil mo na ang pagmamalasakit mo sakin .. pero imbis na sagutin niya ako nag iba lang to ng tingin ..

Napapikit naman ako ng may nambato naman sakin ng jellyball at sapol sa mukha ko ,. Tawanan naman ang mga ka klase ko ,.

Hinanap ko kung sino ang may gawa nito at nakita ko yung isa sa mga barkada ni shanta ..

Lalapitan ko na sana ng pinagbabato na nila akong lahat ng jellyball at itong si nerd hinarangan ako at siya ulit sumalo ng pinagbabato nila ..

Naiinis na ako ,! Hinila agad ako ni wendy at tumakbo kami palabas ..

Humanap siya ng mapagtataguan naming dalawa , ngunit na corner kami nila shanta ..

"Hindi pa kami tapos Azi .. sabi nito at hinila ng isa sa kasamahan niya si wendy saka tinali sa Puno ..

"Hindi ka dapat madamay dito , tumingin ka lang sa gagawin namin sa kaibigan mong si Azi .. ngumisi ito at nilambatan ako ng mga kasama niya sabay tinatadyakan ulit ako ..

Nawalan na ako ng malay .. hindi ko na alam kung ano nang nangyayari ..

Nagising nalang ako sa isang kwarto at ito yung kwarto na pinagamit sakin ni nerd ng sinama niya ako sa bahay niya .. andito pa rin yung mga gamit ko ..

Tiningnan ko yung mga pasa ko , nagamot na ito at maayos narin yung pakiramdam ko ..

Ano bang nangyari nung nawalan ako ng malay .. urghhhhh!!!!! nakakainis!!!!


The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Where stories live. Discover now