P.N.L.T.F.G

2.5K 72 2
                                    

CHAPTER 18:

Azikiel POV : kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman na may condo itong si nerd ay nung time na dinala niya ako sa bahay niya na malamansion .. narinig kong may kausap siya sa phone tapos sinabi niya yung address ng condo niya para dun nalang daw sila mag kikita ng kausap niya ..

Nung una naweirdohan ako , kasi may bahay na siya may condo pa .. sabagay ganyan din naman ako dati pero simula ng dumating ang dalawang demonyong mag inang yun , nawala nalang ang lahat sakin lalong lalo na ang attention at pag mamahal ni dad .. hayyss.. back to reality na nga ..

Nakaupo ako ngayon sa kama ni nerd ,habang siya nag aayos ng comforter sa sahig .. "dyan ka ba matutulog ? Tanong ko

"Dito ka sa comforter matulog , ako dyan sa kama .. walang ganang sabi niya ..

"Hoy, makakaya mo yun ? Babae ako at hindi ako sanay mahiga lalong lalo na sa malamig at matigas na sahig na yan .. Kalalaking tao mo tapos ako pa , patutulogin mo sa sahig ? Naningkit ang mata ko sa kanya ..

"Edi kong ayaw mo.. sa labas ka nalang matulog , total condo ko to at ako ang masusunod .. hinarap niya na ako ..

Hmmm .. napa ngisi ako ng may maalala . Lumapit ako sa kanya , yung sobrang lapit talaga na halos magdikit na ang katawan namin .. "diba sabi mo sakin , gusto mo ako .. hinalikan mo pa nga ako eh , tapos patutulogin mo lang ako sa sahig .. bulong ko ng nakangisi ..

Nung akala ko tatalab yung plano ko , dun ako nag kakamali .. mas lumapit pa siya sa akin at niyakap ang bewang ko .. at siya naman ngayon ang bumulong "sabi mo nga gusto kita at alam mo ba pwede naman tayong magtabi sa iisang kama kung ayaw mong matulog sa comforter ,. Ngumisi siya sakin at ramdam ko na ang init na ng mukha ko at naiimagine ko na kung gaano kapula ang mukha ko sa harapan niya ..

Tinulak ko siya .. "sige na panalo ka na , dito na lang ako matutulog sa comforter , humanda ka sakin bukas .. pasalamat ka kailangan ko lang talaga ng matutulog ngayon , kung hindi kanina pa kita binigay sa mga nagkalat na gang diyan sa tabi tabi .. sabi ko sabay talukbong ng kumot ..

Teka nga .. kung malapit lang ang condo niya sa mga gangster dito , bakit hindi niya naisipang lumipat kesa naman mapahamak siya dito at baka mapagtripan lang ng kung sino sino ,. Itatanong ko na sana sa kanya pero may naisip na naman ako bigla .

Baka mahalaga lang talaga sa kanya tong condo at baka ipinamana sa kanya ng magulang niya , kaya hindi niya maiwan iwan , saka may malaki na naman siyang bahay , baka minsan lang siya umuuwi dito ..

Pero asan na kaya ang mga magulang ni nerd .. Teka lang , bakit ba nagiging interisado ako sa buhay ni nerd .. napaka misteryoso niya kasi at saka ..

"Ahhhh!! Nakakainis !!! sigaw ko bakit ba andaming kong tanong ,.

"Hoy, problema mo ? Kung makasigaw ka dyan .. ayan na naman siya .. inis ko siyang tiningnan ..

"Alam mo bang antok na antok na ako kanina pero , nawala lahat ng antok ko dahil sa napaka misteryoso mo ?!

"Huh? Ayan lang ang sinabi niya

"Oh, kita mo na !! Nakakainis ka !! Alam mo ba , nagtataka ako sayo at andami kong tanong na dapat sagutin mo !! Una bakit hindi kana nauutal tuwing kaharap kita !! Pangalawa bakit hindi kana yumuyuko kapag kausap kita !! Pangatlo anong ginagawa mo dito sa lugar na to , alam mo bang teritoryo ito ng iba't ibang gang !! Pangapat nasaan ang mga magulang mo ?!! Panglima mayaman ka ba talaga ? Eh isa ka lang namang nerd , pero anlaki ng bahay mo ! Iba't iba ang mga sasakyan mo !! May condo kapa !! Panganim yung mga katulong mo sa bahay mo bakit lahat sila nakaitim ? Araw araw ba may lamay sa inyo ? At isa pa bakit lahat sila lalaki at malalaki ang katawan , para ba protektahan ka kasi lampa ka at hindi marunong lumaban kapag may magnanakaw na papasok sa bahay mo .. ???? Pero imbis na sagutin ako nginitian lang ako nito at sinagot ng "ahh ..

Alam niyo bang ang sarap niyang sapakin .. hindi na ako makapagtimpi ..

Lumapit ako sa kanya at nagtaka naman ito ..


The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Where stories live. Discover now