P.N.L.T.F.G

2.7K 72 2
                                    

CHAPTER 11:

AZIKIEL POV : Mabilis naming inasikaso ni wendy ang pag drop sa school .

Okey na naman ang lahat dahil lahat ng gusto ni wendy sinusunod ng ama niya ..

Papalabas na kami ng paaralan ng makita ko si nerd  ..

Lumapit to samin ..

"H-hi Azi . bati nito

Napatingin naman sakin si wendy ..

Nilampasan ko lang si nerd pero nagsalita ulit ito ..

"saan kayo pupunta ? Hindi pa nga nag uumpisa ang klase mag cu-cutting na kayo ?

Nanlaki ang mata ko sa narinig , first time ata na lumagpas sa Sampung salita ang nasabi ni nerd .. mabilis din naman akong nakabawi ..

"Pakialam mo ba ,. walang ganang sagot ko

"A-ano .. nauutal na naman na sagot nito ..

Napairap nalang ako ng yumuko na ulit ito ..

"Tara na wendy .. agaw pansin ko kay wendy habang nakatingin to kay nerd ..

Aalis na sana kami ng hinawakan nito ang braso ko at bumuntong hininga ..

"A-azi , gu-gusto kita ..

Nanlaki ang mata ni wendy ng marinig ang sinabi ni nerd ..

"Ano bang pinag sasabi mo ?! Naiiritang tanong ko ..

"Gusto kita .. ulit nito

Madaming estudyante na ang nakikinig samin , dahil oras na ng breaktime ..

Naiinis kong hinila ang braso ko sa kanya ..

"Nerd , umayos ka nga ! Wag kang gumawa ng show dito .. naiirita paring bulong ko ..

"Pero azi , gusto --------------

Hindi ko na siya pinatapos mag salita ..

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa salitang "HINDI KITA GUSTO ?" tanong ko sa lalaking Nerd na ito na parati nalang akong sinusundan at sinasabayan ..

Umiling lang ito at yumuko .. "PWEDE BA ?! SUMAGOT KA ! sigaw ko sa kanya ,. Pinagtitinginan na kami ng mga Estudyante na malapit samin ..

Hindi niya ako sinagot kaya lalo akong nainis ..

Aalis na sana ako ng hinila niya ang kamay ko at hinalikan ako ..

Pati si wendy natigilan ..

Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya , di ko magawang gumalaw , smack lang yun pero bakit ganito ang epekto sakin , dahil ba first kiss ko yun ..

Napalunok ako ng laway at hinarap siya ..

Nakatitig lang to sakin ..

"Ah a-azikiel Tara na , sabi ni wendy sabay hila sakin palabas ng school ..

Tulala pa rin ako habang papasok na kami sa teritoryo nila Kurt ..

"O-ok ka lang ba ? tanong ni wendy sakin ..

Dun na ako natauhan ..

" bakit mo naman ako hinila agad dun , alam mo bang sasampalin ko pa dapat yung lalaking yun ? Anong karapatan niyang halikan ako sa harap ng madaming estudyante ?! naiinis na hinarap ko si wendy

Pero ang nakuha ko lang na sagot sa kanya ay ang hagalpak niyang tawa , sabay palo pa ng tyan niya ..

Ano namang nakakatawa sa nasabi ko ? Tss, baliw na ata to ..

"Problema mo ? Tanong ko dito saka tinaasan ng kilay ..

"Eh , kasi naman azi , kanina parang naka kita ka ng multo, eh halos hindi ka na nga makagalaw eh , tapos ng makarating tayo dito , bigla bigla na lang babalik yung pagkain amazona mo .. hahah , tawa nito na akala mo naman natatawa ako ..

Sinamaan ko lang to ng tingin ..

Kaya naman tumahimik agad ..

Sinalubong na agad kami ng mga tauhan ni Kurt , para sa pag tra-training namin ...

The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon