P.N.L.T.F.G

2.2K 62 3
                                    

CHAPTER 29

Azikiel POV : "Teka nga nerd , mag usap nga tayo .. "

Hinila ko siya sa braso ,.

"Ano bang pinag sasabi mo sa mga yun , at sino ka ba para makisali sa problema ko , sa amin , bakit ka ba nakikisali ?! Pinatunayan mo lang na ang lahat ng sinabi nila totoo , na nag le- leave in tayo ?! Huh ,. "
napabuga ako ng hangin saka pinagpatuloy ang pagsasalita

"Hindi ka ba nag iisip ?! At saan ka naman pumulot ng mga pinagsasabi mo kanina ?! Kelan ka pa may mas alam sa buhay ko kesa sakin?! "

"Anong pinagsasabi mong condominium saka restaurant na well ni mom na napunta lahat kay maica .. alam mo hindi ka lang pala wierdo napaka misteryoso mo pa !"

Aalis na sana ako ng may maalala ako ..

"Isa pa nga pala , bukod sa sinabi mo kanina na nag le-leave in tayo , sinabi mo ring mag asawa tayo .. wow lang ha , as in wow .. bakit di ko alam yun ? Kelan pa tayo nag pakasal ? Asan ang engagement ring natin ??? Ganyan ka na ba ka interisado sakin kaya lahat ng alam mo ginawa mo nang paraan para matali ako sayo ?? At yung mission pa nga pala , muntik ko nang makalimutan .. hahah " (tawa ko ng mapakla) may mission ka pang nalalaman at private pa yun ??? Ano ka ba ?? (Tinitigan ko siya nang bigla niya nalang iiwas ang tingin niya at parang nauubusan narin ng pasensiya ) Alam mo nang gangster ako , hindi na ako mag papaligoy ligoy pa .. aaminin ko na sayo GANGSTER nga ako pero wag na wag mo ring sasabihing pareha tayo , kasi hindi ka marunong lumaban nakita ko sa dalawang mata ko na lampa ka , walang kwenta , at mamatay lang ng maaga sa kalampahan at katangahan .. kaya paano ka nag karoon ng mission ,. Ahh alam ko na pinunta mo ako sa hotel para sana ibugaw right ? Pero hindi ka nag tagumpay .. hahah oo nga pala may pag ka manyak ka rin ..(isang buntong hininga naman ang pinakawalan ko ) yung sinabi mo kaninang 3.60 million na nalipat sa pangalan ng stepmother ko .. totoo ba yun ? " nagpipigil ng luhang tanong ko , ewan ko ba kong bakit naiiyak ako ..

This time gusto niya akong lapitan pero umatras ako ..

Bumuntong hiniga siya saka tumago ..

Napakagat labi ako sa inis .. kuyom na rin ang dalawang kamao ko at tinalikuran siya ..

"Simula ngayon .. ayaw na kitang makita .. kaya plz lang plz lang lumayo kana ..umalis ka na sa buhay ko , kalimutan mo nang nakilala mo pa ako , nagmamakaawa ako sayo .. " tumakbo na ako palayo saka naman nag sipatakan ang luha ko .. hindi ko alam kong bakit ang sikip sikip ng dibdib ko at panay ang tulo ng luha ko na parang ayaw niyang tumigil sa tuwing pinapahid ko ng palad ko ..

Nang masiguradong malayo na ako kay nerd naupo ako sa sanga ng puno , nakaabot pala ako dito sa garden .. dito ko na ibinuhos ang mga luha ko ..

The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Where stories live. Discover now