P.N.L.T.F.G

2.4K 71 2
                                    

CHAPTER 14 :

WENDY POV : matapos ang nangyaring laban kagabi ..

Tinawagan ako ni dad na kailangan naming bumalik sa school ..

Tinanong ko kung bakit , ilang pagsisinungaling na rin ang sinabi ko sa kanya at pinilit na hindi na kami papasok ni Azikiel ng school pero umiyak ito sakin at nagmamakaawang bumalik na kami sa pag-aaral ..

Napakunot nalang ang noo ko sa mga nangyayari , bakit ganun nalang ang pagpupumilit sakin ni dad na pumasok ulit ng school ..

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya , sinabihan ko na rin si azi at pumayag nalang rin ito, nung una ayaw na niya talaga , pero nung ikwento ko sa kanya kung paano mag makaawa sakin si dad sa phone , pumayag narin ito ..

---------------------------

Pag pasok namin ng room halos lahat ng kaklase namin nakatingin samin ..

Umirap lang ako sa kanila at walang pasabing umupo na ulit ako sa dati kong upuan ..

Ganun din si Azikiel sa tabi ni Nerd ..

Azikiel POV :

tahimik ako habang walang pakialam kung pinag-uusapan na kami ng mga kaklase namin..

"Bakit ngayon ka lang pumasok ?

Napalingon ako ng marinig kong kinakausap ako ni nerd ..

"Pakialam mo ba ? Tanong ko

"3weeks na kayong absent, alam mo ba yun .. tanong ulit nito ..

"Ano bang paki mo ?! Naiinis na sagot ko ulit dito ..

"May pakialam ako kasi gusto kita .. bumuntong hininga na sagot niya

Hindi na ata nauutal tong si nerd at hindi narin yumuyuko ..

Tumayo ako sa upuan ko at walang pasabing lumabas ng classroom ..

Kanina pa ako nag lalakad dito sa corridor .. ngayon ko lang din na pansin na may sumusunod sakin ..

Lumingon ako sa likuran at naningkit ang mga matang hinarap ko si nerd ..

"Bakit mo ba ako sinusundan ha ?! sigaw ko

"Kasi gusto kita .. sagot nito

"Pwes , hindi nga kita gusto kaya layuan mo na ako ! Naiinis na sagot ko

Pero nag iba lang to ng tingin sakin ..

Ng mag uumpisa na ulit akong maglakad .. susunod na sana ulit siya sakin pero nilingon ko agad ito ..

" Wag mo na nga akong susundan ! Kung ayaw mong mabalian ng buto ! sabi ko

Ngumiti lang to sakin na idinagdag yun ng inis ko ..

Lumapit ako sa kanya pero humakbang ito palayo ..

Lapit ..

Layo ..

Lapit .

Layo ..

Naiinis na talaga ako sa kanya , kung hahakbang ako papalapit sa kanya , hahakbang rin ito papalayo ..

Wala na akong ginawa kundi taasan siya ng kilay . 

Namulsa naman ito at nakangiting tinitigan ako ..

Hayyy, ano bang gagawin ko sa nerd na to ???????????

The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)Where stories live. Discover now