Angeline POVKinaumagahan nag text si Marj, magkita daw kami. Missed na niya siguro ako hahaha, nag ayos lang ako saglit ng higaan at inayos na rin yong kwarto ni hubby. Naglibot ako ng may napansing kong picture frame na naka taob at pagkatingin ko ay yong pictures namin dati noong magboyfriend and girlfriend pa lang kami. Napangiti na lang ako ng maalala ko ang nakaraan.
Eto yong pictures:
Pagkatapos kong makita ay tinaob ko ulit, mahirap na baka magalit na naman siya sa akin.
Naligo, nagbihis at naglagay din ng unting makeup yong light lang. Nagtext na kasi si Marj, na papunta na daw siya sa mall kung saan kami magmemeet. Nagpaalam na rin ako kila mama at sumakay na ng taxi, wala naman akong kotse at hindi naman ako marunong magdrive.
Habang nasa byahe ako papuntang mall, nagtext si Marj na baka malate siya dahil biglang nagpameeting yong boss nila na boss ko dati rin. Miss ko na mag trabaho sa fashion industry, ayaw kasi ni Lance na magtrabaho ako. Nakarating ako sa mall, pagkababa ko ng taxi ay naglibot libot muna ako sa loob ng may lalaki akong nakabangga kaya nahulog ko yong sling bag ko at pupulutin ko na sa ng naunahan akong kunin niya iyon at ibigay niya sa akin.
Lalaki: "Sorry girl, nagmamadali kasi ako. Sorry talaga..."
(Nagulat ako ng magsalita na siya dahil di ko makapaniwalang bakla pala siya)Me: "okay lang, sige..."
Lalaki: "sige. Hmmm! , by the way I'm Ian but you can call me Ianna ..."
(Paalis na sana siya ng magiliw siyang nagpakilala sa akin)
(Pronunciation ng name ng Ianna ay: "I-ya-nah")Me: "I'm Angeline, nice to meet you!"
Lalaki: "Nice to meet you rin, Angeline. Sige una na ako...:"
Me: "sige. Bye..!!"
Umalis na siya, ako heto nahahanap ng pagtatambayan. Teka nga ba't ang tagal na ni marj, pagcheck ko ng phone. May tumawag sa akin, hulaan niyo kung sino..???
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)
RomanceBillionaire Series #1: Masaya kami dati, mahal namin ang isa't isa PERO Dahil lang sa maling akala at maling paratang nila sa akin. Nagkagugulo gulo at nasira ang relationship namin. PERO What if ikinasal ka nga sa kanya pero araw-araw ka...