CHAPTER 28: B.E.S.T

41.6K 599 14
                                    

Angeline POV

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Lance sa bahay at baka maaga na naman pumasok simula last week naging busy na kasi siya at balita ko may new partnership at new project na naman ang MGC kaya fucos na naman siya dito.

Andito na naman ako sa garden, nagpapahangin at nag-iisip ng pwede mairegalo kay Lance sa nalalapit na wedding anniversary namin kahit ayaw i-celebrate ay binibigyan ko pa rin siya ng regalo.

Naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang cellphone na hudyat namay nag text. Pagbasa ko naman to ay si Marj lang pala at nag-aaya gumala at nagpapasama mag-shopping ng ireregalo niya daw kay Steve.

Pumayag na ako tutal wala naman akong ginagawa.

3 pm na noong nakarating ako sa mall kung saan kami magkikita habang naglalakad ako papasok ng mall ay may tumawag sa akin. Guess who???? Syempre, walang iba kundi si "Best".

Marj: " Kamusta ka na!?"

Me: " Okay naman, ikaw kamusta ang lovelife?"
(Sagot ko at biniro ka siya)

Marj: "Wow ha, ako talaga tinanong. Eh ikaw teh. Musta naman ang lovelife natin!!!"
(Pabirong sabi niya habang naglalakad kami at naghahanap ng pwede iregalo)

Me: "Ano ka ba syempre, ganon pa rin kami may away pa rin"

Marj: "Eto ha suggest ko lang, Bakit hindi muna lang kaya hiwalayan..."

Me: "Marj naman, alam mo naman hindi ko iyon magagawa. Mahal ko si Lance at hindi ko kayang mawala siya."

Marj: "God, Angeline. Oo mahal mo nga siya pero isipin mo naman ang sarili mo, sinasaktan ka na niya.
(Hindi niya namalayan na tumaas na pala ang pananalita niya kaya pinagtitinginan na kami kaya mabilis kong hinila si marj palabas ng boutique na yon.)

Hindi na ako umimik at naghanap na lang kami ng pang ireregalo niya.

Marj: " Best!, Kung kailangan mo ng tulong ko. Huwag kang mag-aatubiling magsabi sa akin ha."

Me "Salamat talaga, best!"

Marj "Syempre B.E.S.T. kaya kita. Halika na nga mag-shopping na lang tayo...."
(Magiliw niyang sabi at hinatak akong papasok ng boutique)

After ng ilang oras nakabili na rin kami sa wakas ng regalo para kay Steve. Bakit kaya sa mga lalaki ang hirap hanapin ng pwedeng ipang regalo sa kanila???

Kaya ng makabili na kami ay kumain muna kami sa favorite fastfood na pinagkakainan namin dati and then pagkatapos naming kumain ay nagyaya na naman si Marj mag shopping daw kami ulit.

Narito kami ngayon ng bilihan ng mga mamahaling bags.

Habang naghahanap si Marj ng bag ay napadako ang tingin ko sa isang black bag na simple ang design pero maganda ang pagkakagawa, lumapit ako roon at kinuha ang bag at pagtingin ko sa price tag ay ibabalik ko na sana ng biglang sumulpot si Marj.

Marj: "Ang ganda naman ng napili mo best, simple lang pero maganda."

Me: "Ah, hindi tinignan ko lang"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Me: "Ah, hindi tinignan ko lang"

Marj: "Hindi mo kukunin!?"
(Takang tanong niya sa akin)

Me: "Hindi na tinignan ko lang talaga, hahaha. So, ano nakapili kana tara na"
(Sabi ko at naunang naglakad)

Andito na ako ngayon sa labas ng boutique kung saan ngayon bumibili ngayon si Marj ng bag. Actually gusto ko talaga yong bag pero pagtingin ko ng price tag ay eight thousand mahigit ang price kaya binalik ko na lang sa lalagyanan.

Nang nakalabas na si Marj ng boutique ay nagtungo naman kami sa bilihan ng mga damit.

Marj: "Alam mo best kanina pa tayo nagshopping at marami narin ako nabili pero ikaw wala man lang binili"

Me: "Best, alam mo naman na nagtitipid ako at isa wala naman akong pera eh.Mas gugustuhin ko pang isave sa savings ko kaysa ipangbili ng mga ito"

Marj: "Ang yaman niyo kaya. Saan nilalagay ni Lance ang milyong-milyong kikikita ng MGC kung ganyan tinitipid ka niya"

Me: " Si Lance lang naman ang mayaman,best at isa pa ako ang may gusto nito na hindi masyadong mag gastos tutal sa bahay lang naman ako namamalagi"

Marj: "Yong na nga tayo, simula noong nag-asawa kayo madami na siya pinagbawal sa iyo at dati hindi ka niya tinitipid, siya pa nga yong grabe mag eeffort para sa iyo"

Himdi ko siya sinagot at nag tingin na lang ng mga damit.

Marj: " Best, pili ka na lang ng damit na magustuhan mo my treat"

Me: "Ano hindi na ako na lang ang bibili, kakahiya na man sayo baka sabihin ng iba, inagamit lang kita"

Marj: "Sa tagal na nating magkaibigan ganyan ka pa rin. Wala silang pakielam ha. Kaya pumili ka na diyan at maghahanap pa ako ng dress ko para sa birthday ni Steve my love"

Nang natapos na kaming magshopping hinatid ako ni Marj sa bahay namin gamit ang kotse. Pagdating namin ay naabutan ko yong kotse ni Lance na ka-park sa may garahe ng bahay, bago ako bumaba ay may inabot si Marj na paper bag at pagbukas ko ay yon yong bag na gusto ko.

Me: "Best, thank you pero sana hindi mo binili ang mahal kaya nito."

Marj: " Syempre bibilihun ko yan noh, alam kong nagustuhan mo kasi kaya yan. Friendly gift ko na lang yan hahaha."

Me: "Thanks talaga dito. Ang bait mo talaga..."

Marj: "Osige alis na ako. Bye best and see you again hahaha"

Me: "Okay sige ingat ka ha sa pagdridrive"

Pagkalabas ko ay kumaway lang ako at umalis na siya at ako naman nakatayo rito sa labas ng gate namin.















NEXT CHAPTER
Don't forget to Vote and Comment...

Happy Reading!!!!

😃😃😃😃😃😃

😘😘😘😘

Sorry ngayon lang nakapag update.Later na yong Next Chapter.... 😃😃😘

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon