CHAPTER 41

36.1K 532 6
                                    


Angeline POV

Pagkatapos ng meeting ay dumiretsyo naman kami ni Lance kumain ng miryenda sa may restaurant ng resort na nakaharap sa napakagandang dagat pero natigil kami sa pagkain ng may pumasok sa restaurant si Rebecca at may isang staff na nakabangga sa kanya at natapunan ng hawak na tray ng juice na dapat sa amin ibibigay pero pinagalin na siya agad ang staff at wala na lang ginawa ang staff at humingi ng tawag pero ang kinagulat ko ay sigawan niya ang empleyado na tanggal na siya pero tumayo si Lance at sumunod na lang ako sa kanya.


Kinausap ni Lance ang staff na umiiyak na ngayon at sinabi ni Lance na hindi pa siya tanggal.

"Sorry, Lance sa inasta ko, mainit lang ulo ko ngayon eh" sabi ni Rebecca na nakahawak pa sa kamay ng asawa ko na parang wala ako doon.


"That's okay, by the way my wife" sabi naman ni Lance tinggal ang kamay ni Rebecca pero parang wala siyang pakielam.


"Hi!, Angeline nga pala" sabi ko sabay ko na lang at sabay lahad ng kamay kasi baka hindi niya ako maalala.


"Rebecca Anderson" sabi niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa pwesto naming kanina at pinagpatuloy ang kinakain namin.
Marami akong iniisip dahil bakit parang hindi ako kilala ni Rebecca at parang ayaw niya sa akin dahil sa pinapakita niya sa akin na pag-irap at hindi ppagpansin sa akin. Hindi sa nagpapa-pansin ako sa kanya pero parang may kakaiba sa kinikilos niya at doon ako hindi ako makapakali.


Naputol na lang ang pag-iisip ko ng hinawakan ng asawa ko ang aking pisngi.

"May problema ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, wife"

"Wala to may naalala lang ako" sabi ko na lang sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa dalampasigan at naglakad-lakad habang magkahawak ng kamay hanggang sa magdidilim na at may ginawang salo-salo ang mga investor kasama ang mga pamilya nila kaya dumalo na rin kami ni Lance.

Naging masaya ang salo-salo at sa ngayon ay nasa gilid lang ako dahil may kinaki-usap si Lance na investor, nahihiya naman akong makisali pero habang tahimik akong naka-upo ay umupo sa katabing upuan si Rebecca.


"Nag-iisa ka yata ngayon, Angeline?" simpleng sabi niya pero sasagutin ko sana siya pero sinabat niya ako.


"Alam mo naman siguro na nahanap na ako ng family ko and all these year, simula ng mahanap ako ng pamilya ko ay nakukuha ko na ang lahat ng gusto" hindi ako nakaimik dahil sa naguguluhan ako sa pinagsasabi niya.


"Well may gusto akong makuha at alam kung magiging akin rin siya"

"Makukuha mo naman kung para sayo talaga"

"Paano kung sabihin kong gusto ko si Lance??" nakangising sabi niya sa akin at mataray na nakatingin.

Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya.

"Alam mo bang gusto ko na siya simula college pa lang tayo pero hindi ko magawa dahil sayo."

"Rebecca, asawa ko na siya at please lang ayaw ko ng gulo" sabi ko at aalis na sana ako pero may huli siya sinabi bago siya umalis sa pagkaka-upo sa tabi ko.


"Ano ngayon kung asawa mo siya, ang asawa naaagaw rin yan at paalala ko lang sayo ex bestfriend tsk" sabi niya na may mapaglarong ngiti at pumunta naman siya sa kung saan sina Lance kasama ang mga ibang investors.


Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin kaya naisipan ko na lang umalis doon at pumunta sa may dalampasigan para magpahangin. Naka tayo akong naka-tingin sa malayo habang malalim ang iniisip pero naputol ito ng may yumakap sa aking mula sa likod at nakapatong ang baba niya sa balikat ko tapos hinalikan niya rin ang leeg. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita.

"Ano ginagawa mo dito, wife hinanap kita doon pero wala ka??" sabi niya na nakayap pa rin sa akin.

"Wala lang nagpahangin lang ako"

Ilang sandal ay niyaya na niya akong umuwi sa villa niya.


Next day, maaga kaming nagising dahil ngayon ang araw ng opening ng resort kaya kahit may empleyado sina Lance ay gusto niyang na personally i-welcome ang mga customer nila at dahil na rin sa ribbon cutting ng bagong resort. Nakita ko rin si Rebecca pero inirapan niya lang ako.

Nang medyo maayos na ang operasyon ng resort at buti wala namang aberya na nangyari ay binalikan na ako ni Lance sa opisina niya dito sa resort.

Nagpasya na kaming bumalik sa villa at naisipan ng asawa ko na magluto ng iba't ibang klase ng seafood, nagluto kami ng tatlong putahe ang sinigang na hipon na paborito niya, grilled bangus at nagluto rin siya ng tahong.

Kinain rin naming agad ang mga niluto naming at syempre iniwasan ko yong sinigang na hipon dahil allergic ako doon at pagkatapos naming kumain ay sabay kaming naghugas tapos naligo kami ng sabay.



NEXT CHAPTER
Don't forget to Vote and Comments...

Happy Reading!!!!

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon