CHAPTER 32

39.4K 557 12
                                    

Otaku_Attack

Kinaumagahan tumawag sa akin si Marj at sinabing magkita daw kami ngayong umaga dahil may sasabihin daw siyang importanteng kaya, heto ako ngayon nakaligo na at nag-aayos kahit lipstick, pressed powder lang okay na ako.

Nag-jeep na lang ako para iwas gastos at may time pa naman bago mag-alas dyes ng umaga at sanay na naman ako kahit na mayaman ang asawa kong si Lance , hindi naman ako maarte para hindi na gawin yong mga nakasanayan kong gawin dati pa.
Saktong alas dyes na noong nakarating ako sa coffee shop na malapit sa dating kong pinagtratrabahuhang kompanya. Hinintay ko na lang saglit si Marj at may inabot siyang mga papers na nasa folder.

"Ano mga to, bes??" nag-aalalang tanong ko

"Buksan mo na lang kaya, bilis-bilis!!!" Hyper niyang sabi at binuksan ko naman ang folder na naglalaman ng papers. Hindi ako naka-imik at si Marj naman ang nagsalita.
"Yes, tama ang iniisip mo open na naman ang company for new batch of employees and I think pasado kana dahil alam kung kukunin ka ni Ma'am Joyce, which is promoted na siya yong bagong head ng HR Department."

"Talaga!?" hindi ko makapaniwala sa mga ibibalita niya.

"Sana maisipang mong bumalik sa pagtratrabaho at dahil alam kong bored ka na sa malaking niyong bahay or should I say mansion!?"

Well napag-isip isip ko na tama siya dahil super bored na ako sa bahay pero natatakot pa rin along malaman ni Lance na bumalik ulit ako sa pagtratrabaho na hindi niya alam at baka magalit na naman siya sa akin.

"Sige payag na ako kailan ba yan?"

"Sa Monday na ito kaya you need to prepare and kailangan mo na rin ng makeover, huwag kang mag-alala ako ang bahala sa sayo, best!!" excited niya sabi at pumapalakpak pa siya.
Nang matapos namin yong kainin yong pagkain ay nagpaalam na sa akin si Marj na babalik na sa office at baka mapagalitan pa siya. Ako naman ay dumiretso kalapit na mall para makabili ng bagong damit pang office at mga formal attires na babagay sa akin.

For the first time ngayon ko lang gagamitin yong binigay sa akin ni Lance na credit card noong okay pa ang pagsasama naming noon.
Sa lahat ng nagastos ko sa mga damit ay halos five thousand at bumili na rin ako ng make-up to more presentable.

Pagkatapos kong bumili ay nagpasya akong kumain muna sa paborito kong kainan bago umuwi, naparami nga ang kain ko.

Pag-uwi ko inayus ko na mga pinamili ko at nag send na rin ako ng email ng resume ko kay Marj para masend na niya rin kay Ma'am Joyce.




Kinaumagahan medyo na late pa ako ng gising, agad naman akong naligo at nagbihis at pagtingin ko sa phone ko ay halos 15+ ang messages at 10+ missed calls agad ko naman tinawagan si Marj,
"Oh my god! Angeline nasaan ka na?" pasigaw na niyang sabi, samantalang nag-aayos ng gamit at naglalagay ng make-up.

"I'm on my way, Marj." pababa na ako ng bahay then nagmadaling umalis.

"Sige bilisan mo mahaba na ang pila dito" binaba ko na ang tawag at pumara na ng taxi para hindi na ako mahirapan sumakay.

Mag-iisang oras na ako nakarating sa kompanya na dati kong pinag-tratrabahuan, mabilis naman ako nakarating sa loob kasi kilala na ako ng mga guard kaya andito na ako nakapila. Buti mabilis lang ang naging usad ng interview at isa si Marj sa interviewer at si Ma'am Joyce. Madali lang naman ang mga tinanong pero kinabahan pa rin ako pero sabi nga nila tatawagan na lang nila ako if nakapasa ako. Pero itong si Marj paulit-ulit na sinasabing pasado na ako, nasa cafeteria ng company at may nakakasalubong din kaming dating ko ring mga ka-workmates at binabati ako syempre ako rin binabati sila pabalik.

Nag stay muna kami ni Marj sa cafeteria at doon nakipag-kwentuhan hanggang naisipan na lang niyang umuwi ng maaga. Sinamahan ko siyang mag-grocery sa kalapit na supermarket. Nagkwentuhan pa rin kami habang ako naman ay nagpresintang magtulak ng cart.

"Hindi ka ba mag-grogrocery?" tanong niya habang namimili.

"Hindi muna, marami pa naman stocks sa bahay"

"Haynako, talaga bang marami pang stocks sa bahay niyo? Eh ang payat mo na nga!"

"Ano ka ba, payat ka diyan. Ang sexy ko nga eh!!" pabirong sabi ko sa kanya at nag post pa. Tinawanan lang niya ako

Patuloy kami sa pamimili, nang hindi ko sinasadyang may nabangga na pala ako isang lalaki na nakatalikod.

"I'm sorry, hindi kita na kita" paghihingi ko ng tawad at tinulungan pulutin ang mga pinamili niya na nakalagay sa basket.

Nang mapulot na naming ang lahat ay humingi ulit ako ng tawad pero pagtingin ko sa mukha niya ay parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan o kung sino.

Nakita ko rin siyang nakatitig sa akin kaya tatanungin ko na sana siya pero nagmadali na itong umalis, sinundan ko rin siya pero bigla na lang siya nawala. Nang bigla kong naalala yong pictures.

Natatandaan ko na, siya iyon at alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. Siya iyo, ang lalaking nasa pictures na katabi ko sa mga larawan ugat ng pag-aaway naming at sigurado ako kung mahanap ko siya ay maayos na namin ni Lance ang lahat ng gulo at maibabalik na rin dati.

Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin si Marj, na nasa harapan ko nap ala at kinakausap ako.

"Earth to Angeline! Kanina pa ako nagsasalita ditto, ano ba iniisip mo?"

"Nakita ko na siya, Marj!" sabi ko na hindi ko pa rin siya hinaharap at inililibot ang paningin ko sa paligid na supermarket.

"Ano?? Sino nakita mo si Ji Chang Wook oppa ba!" loko-lokong sabi niya at may pa kilig pa siyang nalalaman"

"Hindi yong lalaki nasa picture na pinag-awayan naming ni Lance. Nakita ko siya kanina"

"WHAT??? As in yong guy na kasama mo sa pictures? Nasaan na?"

"Yon nga eh, nang makita niya ako ay nag madaling umalis kaya hindi ko na nahabol" sabi ko na may bahid ng kalungkutan.

Nang nakabayad na si Marj, nag-aya siyang sa condo muna niya ako magpalipas ng gabi.

Pagkatapos naming kumain ay uuwi na sana ako pero naisipan niyang mag-movie marathon kami kaya wala na akong nagawa at sa condo na niya lang ako natulog.




End of Chapter

Don't forget to vote and comment...

Thank you sa pag hintay sa update ko at sa mga comments niyo 😍😍😍

DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon