CHAPTER 44

40.5K 704 45
                                    

Update guys, sorry ngayon lang nakapag-update. Dahil isa po akong 4th year college student at marami rin kasi ako ginagawa tulad ng business plan,final paper.

Wedding Anniversary Special

Angeline POV

Mukhang nakalimutan yata ni Lance na ngayon ang araw ng anniversary namin pero okay lang susurpresahin ko na lang siya mamayang dinner at aayusin ko muna ang mga gift ko ngayon na binili ko pa noon na relo na babagay sa pang trabaho niya araw-araw kahit mural ang pero maganda ang quality ng relo tapos nagpuyat rin ako kagabi dahil ginawa ko yong lahat ng mga pictures namin ni Lance na magkasama ay nilagay ko sa isang malaking frame na sinuggest ni Ianna. (si Ianna ay yong bago kung kaibigan na bakla pero lalaki manamit/ nasa chapter 31 siya)

Special ang araw ngayon dahil ngayon ang araw ng wedding anniversary namin kahit late na ako nagising at maagang ring pumasok si Lance pero nag iwan siya ng isang tangkay ng pulang rosas na may kasamang card na naglalaman ng mensahe ni Lance.

"Good Morning my beautiful wife!!! –Husband <3"

Masaya akong bumaba sa kusina at nandoon din si manang beng kasama ang kasambahay namin. Kumain muna ako bago magluto ng cake na handa namin mamaya sa dinner namin ni Lance at nakiusap na lang ako sa isa namin kasambahay na bumili ng mga ingredients para sa cake kasi parang tinatamad akong lumabas ng bahay.

Ng dumating na ang pinamili ko ay nag umpisa na akong gumawa ng cake tapos sunod ay hinanda ko na rin ang mga kakailanging ingredients sa mga favorite dishes ni Lance.

Alas-tres na ako natapos sa cake at agad ko naman akong nagluto ng mga sunod na lulutuin ko na carbonara, beef steak at caldereta. Tapos mag aalas-sais na ako natapos sa pagluto pero wala pa akong na receive na text galing man lang kay Lance kaya ako na nag text sa kanya.

Natapos na lahat ng preparation tulad na lang sa dining area at nakaligo na rin ako at nakapag-ayos pero wala pang reply si Lance tapos kahit tawagan ko ay walang sumasagot.

"Hindi ka pa ba kakain Angeline?" tanong ni manang beng sa akin.

"Hinihintay ko pa po si Lance manang, kayo po kumain na po ba kayo?"

"Oo kakakain lang namin"

"Ganun po ba, sige manang magpahinga na kayo pati yung mga iba. Ako na po bahala dito" sabi ko na lang at nagpaalam naman siya na matutulog na.

Alas syite na ng gabi pero wala pa rin siya kaya kaysa sa naka-tunganga naghihintay kay Lance ay nanood muna ako ng tv at dahil ang palabas ay ang favorite na show ay hindi ko namalayan ang oras na alas na alas otso na.

Lance POV

Maaga akong umalis kaninang umaga dahil nagkaroon ng problema sa kompanya kaya kinailangan kung pumunta ng maaga. Naging busy ako buong araw kahit na paghawak ng phone ko ay hindi ko magawa dahil marami rin akong pinipirmahang proposal at reports.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant para sa isang dinner with investor which is Rebecca's family. Gusto ng umuwi dahil hindi ako makapakali dahil parang may naalala ako pero hindi ko ma-alala. Alas nwube na ng magpaalam ang magulang niya kaya nagmadali na rin sana akung umalis ng tinawag niya ako.

"Lance, late na for sure hinihintay ka na ni Angeline?" nakangising sabi niya.

"Why do you care?"

"Tsk! Kawawang Angeline, hindi man lang naalala ng asawa niya na wedding anniversary nila. Ha Ha Ha!!!" mapang-asar niya sabi at tawa.

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon