CHAPTER 34

40K 571 55
                                    

Lance POV

Andito ako ngayon sa isang restaurant hinihintay si Rex, kukunin ko kasi sa kanya ang mga pinakuha kong papeles sa bahay, ilang saglit ay dumating naman siya na may bitbit na paper bag.

Inabot niya sa akin yong mga papeles tapos umorder na kami ng makakain bago kami magkwentuhan. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng iyabot niya sa akin yong paper bag.

"Galing yan kay Angeline, pinadala niya"

Kinuha ko na lang yong paper bag at nagpatuloy kami sa pinag-uusapan namin at nag biglang nag tanong si Rex.

"Kailan ka nga pala, uuwi sa manila? Matagal-tagal ka na rin dito" sabi niya tapos nagsimula ulit siya kumain.

Hindi ko muna siya sinagot at tumingin sa labas ng restaurant.

"Dalawang linggo muna ako dito marami pa akong aasikasuhin at tatapusin sa proyekto ng kompanya" sabi ko at tinapos ko na pagkain ko at ganun na rin si Rex.

"Osige, sabihan mo na lang kami nila Steve at Cole"

Umalis na kami sa restaurant at nagpaalam rin agad si Rex dahil may pupuntahan pa siyang convention/seminar.

Nang nakarating na ako sa hotel ay dumiretsyo na ako sa kwarto ko sana ng madaanan ko si Rebecca, paglabas ko ng elevator.

"Lance, kanina pa ako tumatawag sayo at kumakatok sa room pero wala ka pala, buti nakita kita magpapaalam sana ako need ko kasi bumalik sa manila may photoshoot kasi ako"

"Sige ingat ka na lang" sabi ko at nagsimulang maglakad patungo sa room ko pero hinablot niyo ang braso ko kaya nahulog ang paper bag na hawak ko.

"Ano ba???" pasigaw na sabi ko at nainis na rin ako sa kanya.

"S..sorry hindi ko naman sinasadyang mahulog. Ito na" nauutal niyang sabi at inabot yong paper bag. Hinablot ko naman yon at pumasok na kwarto.



Author~nim POV

Bumalik ng Manila si Rebecca dahil may kailangan siyang asikasuhin at marami pa siyang photoshoot na kailangang gawin dahil isa rin si Rebecca na kini-kilalang sikat na model at isa rin siyang highest paid model in Asia.

Dahil sa buong week na puno ang schedule niya sa trabaho ay naisipang niyang mag-shopping at mamasyal kahit saan na kasama ang manager. Nang makarating sila sa isang exclusive mall ay hindi makakaila na nakakaagaw ng pansin si Rebecca dahil na rin sa sobrang sikat din niya at kilala rin siya bilang model ng isang sikat na magazine ng bansa at karamihan din ng endorsement niya at mga kilalang products.

Palabas na sila sa isang boutique sina Rebecca at kanyang manager ng may nakabanggaan at nahulog yong mga pinamili nila na nakalagay pa sa mga paper bags.

"Ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinararaan mo??" pagtataray ng manager sa babaeng nakabanggaan nila pero hindi muna siya hinarap at pinulot ang mga nagkalat na paper bags sa sahig habang si Rebecca ay nakatayo lamang ay inaayos ang kanyang bag na nahulog.

" Ms., sorry hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako. Pasensya na ulit" sabi ng babae at inaabot ang mga paper bags na nahulog sa manager.



Siya namang pag-angat ng tingi ni Rebecca na mukhang naiinis sa babae, pero laking gulat niya ng makita ang mukha ng babae hindi pa rin makaimik si Rebecca at titig na titig sa babaeng kaharap niya ngayon si Angeline, ang dati niyang kaibigan at babaeng kinaiinisan niya ng lubos.

Naisipan naman gamitin ni Rebecca ang pangyayaring ito upang magpakilala na rin kay Angeline na walang kamalay-malay na ang taong kaharap niya ay ang kaibigang matagal na niyang hinahanap at ang taong nakakaalam sa mga nangyari one year ago sa bridal shower niya bago ang kasal nila ni Lance pero  lingid sa kanyang kaalaman ay siya ring pala ang taong sisira ng lubos sa relasyon ng kanyang asawa.

Nagpanggap na mabait si Rebecca ng kausapin niya si Angeline.



"Its okay, manager hindi naman ako nasaktan eh" sabi niya sa kanyang manager at tipid naman ngumiti kay Angeline.



"Rebecca nga pala, Angeline!!! nakangiting pagpapakilala at tinignan niya naman ang kanyang manager at sign na huwag ng sumabat.

"Yes?? Ako nga si Angeline, sorry hindi kita pero somehow parang kakilala kita, Sorry ulit" takang tanong ko dahil kilala niya ako pero somehow feeling ko kilala ko siya)

"Ako to si Rebecca. Si Becca bff mo!!!" pagpapakilala niya ulit pero bigla niyang sinabi na siya si Becca bff ko Maya naalala ko na siya.

"Becca!?, ikaw na ba yan. Hindi kita nakilala." hindi ako makapaniwalang si Rebecca na pala ito, ang laki ng pinagbago niya gumanda na rin siya at mukhang mayaman na rin ang dating. Dati kasi simple lang kaming dalawa.

"Oo, ako na talaga to. Kamusta ka na??" plastic niyang tanong kay Angeline.

"Ayos lang naman, ikaw kamusta na??" masayang sabi ni Angeline

"Well! Isa na siyang sikat na model at hindi lang dito sa pinas kundi abroad din , beh" singit na sabi ng manager ni Rebecca at ngumiti lang siya.

"Ganon ba, good for you Becca" ngumiti na lang si Angeline.

"How about you? Hows life?" naka-ngising sabi niya at kinalabit siya ng manager niya dahil rumarami na rin ang nakapalibot sa kanila na fans.

"Well Becca, kung gusto makipag-kwentuhan sa friend mo baka gusto niyong lumipat sa mas private" sabi naman ng manager niya.

Umalis naman sila sa mall at pumunta sa isang exclusive coffee shop at doon sila nag kwentuhan pero hindi naman sila nagtagal dahil may photoshoot pa si Rebecca. Nagpalitan naman sila cell phone number at naiwan na si Angeline doon dahil nagmamadali na ang manager ni Rebecca.

Angeline POV:

Inaamin ko sa sarili ko habang nagkwe-kwentuhan kami ni Becca ay parang nang liit ako sa sarili ko dahil masaya na siya na natagpuan na siya ng kanyang magulang at natupad na rin niya ang kanyang pangarap na maging model. Simula pa noong nasa bahay ampunan ay naging mag kaibigan na kami at hanggang nag kolehiyo na kami pero nawalan kami ng connection dahil bago kami ikasal ni Lance ay nawala na siya. Ngayon ko lang pala naalalang tanungin pero maybe next time na lang if magkikita pa kami at naisipan ko na rin umuwi ng bahay.

NEXT CHAPTER

Don't forget to Vote and Comments...

Sorry if mabibiting kayo and update na lang ako tomorrow or midnight.

Happy Reading!!!!

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon