Chapter 8
Court**
It's been three days since my date with Hero. Tatlong araw na ang lumipas mula nang kunin niya ang number ko at tatlong araw na rin ang nakalipas pero hindi pa rin niya ako tine-text.
Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Noong kinuha niya ang number ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako aasang ite-text niya ako dahil alam kong sikat siya at paniguradong busy siya. Pero ano itong nararamdaman ko ngayon? Bakit disappointed ako dahil hindi pa rin niya ako tine-text hanggang ngayon?
Ugh! Bakit ba ako nagkakaganito? Mula nang mag-date kami ni Hero, hindi na siya naalis sa isip ko. Partida, dalawang beses pa lang kaming nagkikita at isang araw ko lang siya nakasama pero wala ng ibang laman ang isip ko kundi siya.
Do I really like him? Well, okay. Aaminin kong gusto ko siya. But not romantically. I just like him as a friend. I mean, masarap naman kasi siyang kasama saka mabait siya.
But if you'll ask me if I like him romantically, my answer is no. Parang imposible naman kasing magkagusto agad ako sa isang tao na dalawang beses ko pa lang nakita. Ni hindi ko pa siya nakakasama ng matagal pa sa isang araw.
At mas lalong hindi ito love. Love takes time. Hindi ko rin talaga alam kung bakit pumasok sa isip ko na love ang nararamdaman ko pagkatapos niya akong ihatid sa bahay noong natapos ang date namin. Masyado yatang nag-advance ang utak ko noong mga oras na iyon.
I sighed. Ayoko na munang mag-isip. Baka maapektuhan lang ang trabaho ko.
Speaking of trabaho, katatapos lang ng shift namin ni Aries sa araw na ito. Coding siya ngayong araw kaya sa akin siya sasabay sa pag-uwi. Dahil ako ang may dala ng kotse ngayon, kailangan ko siyang idaan sa kanila bago ako umuwi.
"Sa wakas! Makakauwi na rin! Gusto ko nang mag-beauty rest! Masyadong nakaka-stress sa beauty ko ang araw na ito," reklamo ni Aries.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Totoo namang nakaka-stress ang araw na ito. Nagkaroon kasi ng Buy One, Take One promo kanina ang isang beverage sa coffee shop kaya ayun, naging busy kami sa dami ng tao. Kilala rin kasi ang coffee shop namin sa lugar na ito kaya kadalasan ay dinadagsa kami ng mga tao lalo na ng mga estudyante.
Marami pa ring tao sa coffee shop nang umalis kami. Isang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang promo namin sa araw na ito. Ang mga natirang naghihintay rito ngayon ay ang mga nakakuha ng slot for the promo. Kaya naman na iyon ng mga nasa closing shift. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at agad na akong sumunod kay Aries papunta sa parking lot.
Tahimik lang kami ni Aries habang nasa biyahe pauwi. Dahil busy siya sa cellphone niya, in-on ko na lang ang radio ng kotse ko at mahinang nagpatugtog para hindi naman ako ma-boring.
There's a little traffic because it's rush hour. I was silently humming the song on the radio when Aries suddenly scream in horror. Napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa cellphone niya.
"Oh, anong nangyari sa'yo?" tanong ko. Nagulat ako nang tingnan niya ako nang masama.
"Bakit hindi mo sinabing nakipag-date ka pala kay Hero? At bakit ka nakipag-date? Hindi mo naman siya idol, ah!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "How did you know?"
"Ka-chat ko ang kapatid mo ngayon at ipinakita niya sa akin ang picture nilang dalawa ni Hero. Akala ko nga edited lang iyon pero ang sabi niya, nag-date raw kayo ni Hero kaya mo siya nadala sa bahay niyo. Now, tell me. Paano mo siya naging date? At bakit hindi mo sinabi sa akin?" puno ng hinanakit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...