Chapter 44
Dream**
Tulad ng dati, maaga na naman akong nagising kinabukasan. Nagulat pa nga ako dahil pagdilat ko ay gising na ang kambal. Ni hindi ko man lang narinig na umiyak sila nang gumising. Hindi ko tuloy alam kung gising na sila kanina pa o kagigising lang din nila.
Nang tingnan ko naman si Hero ay napansin kong tulog pa rin siya. Hinayaan ko na lang dahil baka kailangan niya pang matulog. Ngayon ko nga lang naalala na mukha nga siyang pagod kagabi nang magkita kami kasama sina Ate Leona at Kuya Kevin. Napagod siguro siya sa mall show niya.
Sinulyapan ko ang kambal saka ako ngumiti. Hinalikan ko silang pareho saka binati.
"Good morning, babies. Ang aga niyong nagising, ah," mahina kong sabi sa kanila. Both of them giggled.
Nagulat pa nga ako nang biglang sinubukan ni Jace na dumapa. Napasubsob siya sa dibdib ko kaya umayos ako ng higa. Ipinatong ko siya sa katawan ko kaya nakapatong na siya ngayon sa akin.
On the other hand, nang sulyapan ko si Jude ay nakita kong nakatingin siya sa amin. Sinubukan din niyang dumapa at hindi naman siya nabigo. Napadako ang tingin niya kay Hero na ngayon ay kasalukuyang natutulog. Pinigilan ko ang sarili kong matawa nang bigla niyang tapik-tapikin ang mukha ni Hero na para bang ginigising niya ito.
"Baby, stop that. Let Daddy sleep," saway ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Napansin ko namang napakunot-noo si Hero.
Maya-maya lang ay tuluyan na ngang nagising si Hero. I saw him smile when he saw Jude. Kinuha niya ito at niyakap.
"What a nice way to wake Daddy up, huh?" aniya bago ito pinanggigilan ng halik. Napalingon naman siya sa amin. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang magtama ang paningin namin kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
Nagulat ako nang maramdaman kong umusog siya ng higa sa tabi ko. Pero mukhang ginawa niya lang iyon para kay Jace. Nang makalapit na kasi siya ay hinawakan niya si Jude ng mabuti bago bahagyang bumangon para halikan din si Jace na ngayon ay nakadapa sa ibabaw ko.
"Good morning, baby," he said. Nang sabihin niya iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko, sa akin niya iyon sinasabi at hindi kay Jace? It's probably just my imagination.
On the other hand, Jace giggled. Mukhang nabaling kay Hero ang atensyon niya dahil inangat niya ng bahagya ang ulo niya saka sinubukang lumapit kay Hero. Nagpasya akong tumayo para mas makagalaw si Jace. Hawak ko ang likod niya habang sinusubukan ko siyang paupuin. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hinahayaan kong laruin siya ni Hero. Bumangon naman si Hero at umupo para makalaro ang dalawa. Inihiga niya sa kama si Jude bago binuhat si Jace para yakapin nang mahigpit.
Tumikhim ako at tumayo. Nagpasya akong lumabas na muna para makapag-bonding silang tatlo. Alam ko naman kung gaano niya kagustong mapalapit sa mga bata.
"Magluluto lang ako ng breakfast," paalam ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya lumabas na lang ako. Paglabas ko ay saka ako napabuntong-hininga.
Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagsimula na akong magluto ng breakfast. I just cooked sinangag, ham and hotdog for breakfast. Hinanda ko na rin ang pagkain ng kambal. Cerelac pa lang naman ang kinakain nila.
Habang nagluluto ako ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Hero mula sa kwarto. Napangiti ako. It's so good to hear his laughter again.
Nang matapos akong magluto ay bumalik ako sa kwarto. Pagpasok ko ay nakita kong nasa kama pa rin sila at naglalaro. Nakahiga si Hero habang si Jace ay nakadapa sa ibabaw niya samantalang si Jude naman ay nakadapa ngayon sa gilid niya. Lumapit ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...