Thirty-Eight

28.3K 728 45
                                    

Chapter 38
Sagabal

**

Hindi ko maitago ang kabang nararamdaman ko habang nakasunod ako ngayon sa Daddy ni Hero papunta sa likod ng bahay nila. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin niya sa akin.

Pagkatapos sabihin kanina ni Hero na magpapakasal na kami, nagkaroon ng maikling katahimikan. His father was so serious. Ewan ko ba pero habang tinitingnan ko ang Daddy niya kanina, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko pa naman alam kung anong klaseng personality mayroon ang Daddy ni Hero. Hindi ko naman kasi natatanong sa kanya at hindi rin naman niya nababanggit sa akin.

Sabagay. Sabi rin naman niya noon, hindi na sila masyadong close ng Daddy niya hindi tulad dati kaya baka ayaw niya lang pag-usapan.

Pagkatapos naman ng maikling katahimikan kanina, biglang hiniling ng Daddy ni Hero na mag-usap kami na kaming dalawa lang. Ayaw pumayag ni Hero noong una dahil natatakot siya sa sasabihin ng Daddy niya sa akin pero sa huli ay napapayag ko rin siya. Kahit na natatakot ako sa Daddy niya, tingin ko kailangan din talaga naming mag-usap na dalawa.

Kaya nga ngayon ay nasa likod-bahay na kami para mag-usap. There's actually nothing special in their backyard. May nakita lang akong isang asong nakatali roon. Hindi naman siguro niya ako ipapahabol sa aso, 'di ba?

Napatingin ako sa Daddy ni Hero nang harapin niya ako. Seriously, hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Hindi rin naman nabanggit kanina ni Hero kung anong pangalan niya. Nakalimutan siguro.

Tumikhim siya. "Didiretsuhin na kita, hija. Mahalaga para sa akin ang kasiyahan ng anak ko. Kung magiging masaya siya kung magpapakasal kayo, wala naman akong kahit anong tutol doon. Basta siguraduhin mo lang na hinding-hindi mo siya pababayaan."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. He's still serious when he said that but after hearing what he said, I think it's his usual expression. Mukha lang siguro talaga siyang nakakatakot dahil sa seryoso niyang aura. Mukhang nagkamali ako sa naisip kanina na baka hindi siya pumayag na magpakasal kami ni Hero. Dahil kung talagang hindi siya pumapayag, sana pinahirapan na niya ako ngayon na makumbinsi siya.

Mukha lang talaga siyang nakakatakot pero madali naman siyang kausap.

Ngumiti ako. "Makakaasa po kayo. Aalagaan ko po siya at mamahalin habambuhay. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."

"May isang payo lang ako sa'yo. Kapag tingin mo nakakagulo ka na sa buhay ng anak ko, mas mabuting lumayo ka na lang. Kung nakakasagabal ka sa pangarap niya, iwan mo na lang siya."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang sabihin niya iyon. Ako? Sagabal? Iyon ba ang tingin niya sa akin?

"I'm sorry po pero sa tingin ko, hindi naman po ako kahit kailan magiging sagabal sa mga pangarap ni Hero. Alam ko po ang mga pangarap ni Hero. Kung gusto pong tuparin ni Hero ang mga pangarap niya, nandito lang po ako para suportahan siya," sagot ko.

"Mabuti na ang malinaw, hija. Nagkaroon kasi siya ng girlfriend noon na hindi siya sinuportahan sa pangarap niya. Mabuti nga at hindi niya pinakinggan ang babaeng iyon. Mabuti na lang at iniwan na niya agad ang babaeng iyon," aniya.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"I still care for my son even though we're not that close anymore. Kahit na hindi na kami masyadong nagkakausap, alam ko ang mga pangarap niya. Alam ko kung gaano niya kagustong tuparin ang lahat ng iyon. Sa totoo lang, mas gusto kong pag-aralan niya ang business namin para may magmana no'n sa oras na mawala ako. Pero sa huli ay hinayaan kong gawin niya ang gusto niya dahil alam kong pangarap niya iyon. I want to silently support my son. Gusto ko sana, ganoon din ang gawin ng babaeng makakasama niya habambuhay. And if you're the girl he wants to spend his lifetime with, I just hope you'll support him."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon