Chapter 45
Promise**
Nagising ako na wala na ang kambal at si Hero sa tabi ko. Agad akong napabangon para tingnan sila sa sala. Pero nang hindi ko sila nakita ay agad na gumapang ang kaba sa akin.
Kinuha ba sila ni Hero? Tuluyan na ba niyang inilayo ang kambal sa akin?
Mabilis akong lumabas ng bahay para hanapin sila. Nang makalabas ako ng pinto ay natigilan ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko silang nasa labas ng gate. Nakasakay sa twin stroller ang kambal habang si Hero ay nakaupo naman sa upuang naroon. Nilalaro niya ang dalawa.
Nagpasya akong pumasok na lang sa bahay at magluto ng breakfast. Hindi na dapat ako mangamba na baka ilayo ni Hero sa akin ang kambal. I know he won't do that. I need to trust him.
Pagkatapos kong maghilamos ay sinimulan ko nang magluto ng agahan. Naghanda na lang ako ng tinapay sa mesa, sinangag na kanin at tocino. Ipinagtimpla ko na rin si Hero ng kape saka ko inihanda ang pagkain ng kambal. Nang matapos ako ay lumabas ako ulit para tawagin sila.
Nilingon ako ni Hero nang lumabas ako ng gate. Walang kahit anong mababakas na emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Kain na tayo," yaya ko sa kanya. Tumango lang siya saka tumayo para itulak ang stroller papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang ako sa kanila.
Pagpasok sa loob ay binuhat ko na si Jude habang siya ay kay Jace. Pinaupo namin sila sa high chair saka kami nagsimulang kumain.
Buong oras na kumakain kami ay walang kahit sinong nagsasalita. Tanging ang boses nina Jude at Jace ang naririnig namin pati na rin ang tunog ng mga kubyertos. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi kami nag-uusap. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon.
Akala ko ay kakausapin din niya ako ngayong araw pero nagkamali ako. He didn't talk to me the whole day. Of course, I was hurt. Kahit man lang kausapin ako tungkol sa kambal, hindi niya ginawa. Tanging ang atensyon niya ay nasa kambal. Kapag tulog ang kambal, hindi siya umaalis sa tabi nila.
Bandang hapon nang magpasya akong magdilig ng mga halaman. Wala rin naman akong ginagawa dahil ayaw naman akong kausapin ni Hero. Sa mga oras na ito ay natutulog siya ngayon kasama ang kambal. Ayaw niya talagang mahiwalay sa kanila.
Kasalukuyan akong nagdidilig nang bigla kong makita si Zeus sa labas ng gate. Mukhang kagagaling lang niya sa pastry shop. Nang makita niya ako ay napangiti siya. Bigla naman akong nag-panic nang makita siyang pumasok sa loob ng gate.
Agad kong binitiwan ang timba at tabong hawak ko saka ko siya nilapitan. Napakunot-noo naman siya nang makita ang reaksyon ko.
"Bakit naman parang takot na takot ka?" tanong niya.
"Zeus, pwede bang sa ibang araw ka na lang bumisita? Nandiyan kasi si Hero. Baka makita ka niya," sabi ko. Nagtaas siya ng kilay.
"So? Dahil nandiyan siya, dapat umalis ako? Hindi naman ako manggugulo."
"Kahit na," sabi ko. Napabuntong-hininga ako saka ako nagpasyang sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi pa siya pwedeng pumunta rito. "I'm sorry, Zeus, but you need to leave. Kapag nakita ni Hero na magkasama tayo, baka hindi na niya ako mapatawad."
Napakunot-noo siya. "What do you mean?"
Sinabi ko sa kanya ang kondisyon na sinabi kagabi sa akin ni Hero para pakinggan niya ako at patawarin. Rumehistro naman ang galit sa mga mata ni Zeus nang sabihin ko iyon sa kanya.
"What the hell! He doesn't have the right to say that. Hindi dahil may kasalanan ka sa kanya, dapat ka na niyang pangunahan sa gusto mong gawin. Kung ayaw niyang makinig sa'yo, eh 'di huwag!" aniya. "Hindi mo naman siguro siya susundin, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...