Thirty-Five

32K 773 76
                                    

Chapter 35
Honeymoon

**

"Hero, sigurado ka ba talaga rito?" tanong ko kay Hero habang naglalakad kami papunta sa kwarto kung saan naka-check-in ang Mayor ng Cebu na nakilala raw niya kagabi habang hinahanap ako.

"I am very sure, baby. I really want to marry you now," he replied.

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya tutal pumayag na rin naman ako kagabi pa. Pumayag ako sa gusto niyang magpakasal na kami ngayong araw na ito.

While we were having dinner last night inside our room, he told me his plan to marry me today. Siyempre, hindi ako agad pumayag. Kahit papaano naman, gusto kong makasal sa simbahan. Gusto kong paghandaan ang kasal namin. Isa pa, wala naman kaming kahit na anong dokumentong pwedeng ipasa sa city hall para maikasal na kami ngayon. I don't even know where the city hall is located!

Ang sabi niya, hindi na raw namin kailangang pumunta sa city hall dahil nakilala raw niya ang Mayor habang hinahanap niya ako noong mga oras na iniwan ko siya sa mga fans niya. Nilapitan daw siya ng Mayor para batiin kahit na hindi naman sila magkakilala. The Mayor approached him because he knows that he's a well-known singer.

Ang sabi niya, pwede raw naming pakiusapan ang Mayor para ikasal kami ngayon. Hindi na rin daw namin kailangan ng kahit anong dokumento dahil hindi naman daw iyon ang pinaka-formal wedding namin. Okay lang daw kahit hindi legal. He just really wants to marry me here in Cebu. Para rin daw maging mas memorable ang stay namin dito.

So in the end, pumayag na rin ako. At heto nga, papunta na kami ngayon sa kwarto ng Mayor at ng asawa raw nito. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nalaman kung saan ang kwarto nila. Basta ang sabi niya, he has his ways.

Maya-maya lang ay huminto kami sa isang kwarto. Tumikhim muna siya bago kumatok doon. Mga ilang segundo lang ay bumukas na rin ang pinto. Tumambad sa amin ang lalaking medyo may katandaan na. He's probably the Mayor. Napangiti siya nang malawak nang makita niya si Hero.

"Oh, ikaw pala iyan, Hero," sabi niya bago bumaling sa akin. "And you brought someone with you. Pasok kayo."

Sumunod naman kami sa kanya. Pagpasok namin ay sinara na rin niya ang pinto. Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo sa kama na ngayon ay nakangiting nakatingin na sa amin. Nginitian ko lang siya.

"Good morning po. Pasensya na po sa abala," bati ni Hero.

"Good morning din. Hindi ko akalaing dadalawin niyo kami rito. Ano bang maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong ng babae. Nahalata kong parang magkasing-edad lang sila ng Mayor.

"Uh... bago po ang lahat, ipapakilala ko po muna ang girlfriend ko. She's Brianna Rosales, my girlfriend," sabi ni Hero bago bumaling sa akin. "Baby, siya si Mayor Santos at ang asawa niya. I met them last night."

Ngumiti ako sa kanila. "Hello po."

"Hello rin, hija. Napakaganda mo pala. Bagay kayo ni Hero," nangingiting sabi ni Mayor Santos. Nahihiyang napangiti na lang ako. Bumaling naman siya kay Hero. "So, what can we do for you?"

Nagkatinginan muna kami ni Hero bago siya nagsimulang magpaliwanag kay Mayor Santos ng plano namin. Gulat na gulat ang mag-asawa nang malaman nilang gusto naming magpakasal na ngayon.

"Sigurado ba kayo riyan sa gusto niyo? Hindi biro ang pagpapakasal, Hero, Brianna. Dapat sigurado kayong handa kayo sa mga darating na responsibilidad. Maliban pa roon, may mga dala ba kayong dokumento para gawing legal ang kasal?" tanong nito sa amin.

"Wala po. Pero okay lang naman po kung hindi legal ang pagpapakasal namin. We just really want to get married here. At handa rin po kami sa kahit anong responsibilidad na darating sa buhay namin," sagot ni Hero. "Please... ikasal niyo kami ngayon."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon