Chapter 13
Hug**
Kanina pa kami nakarating ni Hero sa harap ng bahay namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumababa. Sa buong biyahe kanina ay wala ni isang nagsalita sa amin. At hanggang ngayon ay pareho pa rin kaming tulala dahil sa mga nangyari.
Hindi ko akalaing nakita na ng mga fans ni Hero ang mukha ko. At hindi ko akalaing mabilis na kakalat iyon!
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko at naka-log in sa Facebook account ko. Marami akong friends sa Facebook at sa pagkakaalam ko, puro sila K-pop fans. Kadalasan kasi ay sa kanila ako kumukuha ng updates kaya kahit hindi ko sila kilala ay ina-accept ko as long as they're K-pop fans.
Pero hindi ko akalaing marami rin pala sa kanila ang fans ni Hero. Kaya nang kumalat ang picture ni Hero na kasama ako, nakita ko agad iyon. At heto, halos tadtarin ako ng messages ng mga nakakausap at nakakakilala sa akin sa Facebook! Ang iba namang hindi ko friend at nalaman lang sa iba ang tungkol sa akin, nasa message requests. Ang iba naman ay ina-add as friend ako.
Ibinaba ko ang cellphone ko at huminga nang malalim. I don't know what to do with this. Should I deactivate my account? Iyon lang ang alam kong paraan para tigilan nila ako. Hindi ko na nga binasa ang messages nila dahil baka ang iba lang doon ay galit sa akin. Sigurado naman akong hindi galit sa akin ang mga nakakakilala sa akin. Mga kaibigan ko na rin naman kasi sila at kilala nila ako. Siguro magtatampo lang sila dahil hindi ko sinabing nililigawan ako ni Hero.
Pero hindi naman kasi talaga ako nililigawan ni Hero!
"Deactivate your account."
Natigilan ako nang biglang magsalita si Hero. Nilingon ko siya at napansin kong nakatingin pala siya sa akin. Napakunot-noo ako.
"Huh?" was all I could say.
"As much as possible, delete your accounts. Or make a new one then make it private. Mag-accept ka lang ng mga kakilala mo. Sigurado akong guguluhin ka lang nila," aniya. Napapikit siya at napabuntong-hininga. "This is all my fault. I'm sorry, Bree. Kung hindi kita pinilit na dalhin ako roon, hindi sana nangyari ito."
Mabilis akong umiling nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ba ang hilig niyang sisihin ang sarili niya?
"Hey, don't blame yourself. Kusa akong sumama sa'yo. Binalaan mo ako na baka makita tayo ng mga tao na magkasama pero pumayag pa rin ako. Partly, may kasalanan din ako. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Don't worry. I'll deactivate my accounts," I said.
He sighed. "I'm sure they'll ask me questions about that picture again. Nakita na nila ang mukha mo, Bree. I need your opinion about this. What should I tell them?"
Nag-isip ako ng ilang sandali. Ngayong nakita na nila ang itsura ko, siguradong ipapa-confirm nila kay Hero kung ako nga ba ang nililigawan niya o hindi. What will happen if he denies it? Maybe they'll ask him about his relationship with me. Pwede niyang sabihin na friends lang kami, pero iisipin pa rin ng iba na pwedeng nagsisinungaling si Hero. At hindi nila siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi ang totoo. Maaaring hindi rin nila ako tigilan dahil pati ako ay papaaminin nila.
Kapag inamin naman niya na ako nga ang nililigawan niya (kahit hindi naman), titigilan siya ng mga tao sa pagtatanong pero hindi pa rin siya titigilan sa pakikialam sa buhay niya pati na rin sa buhay ko. Either way, they will still do everything to mess with our lives.
Ugh! Ang sakit naman sa ulo nito! Pero wala rin naman akong ibang pwedeng sisihin dito kundi ang sarili ko. Kahit papaano, hinayaan ko ang sarili kong ma-involved dito. Hindi ako pinilit ni Hero. Kusa akong pumayag sa gusto niya.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...