Chapter 4

8.4K 248 10
                                    

(Suzy on the top ^^)

=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=

Yianna's POV

"Tulong!" sigaw ng isang babae na may hawak na sanggol.

Ang babae ay halatang isang reyna dahil sa damit, palamuti at taglay nitong kagandahan.

"Uwaahhh!" iyak ng sanggol na babae.

"Shhh.. Tahan na aking munting prinsesa" sabi ng reyna havang hinahaplos nito ang pisngi ng sanggol.

Tumahan naman ang sanggol at natulog.

Biglang may dumating na isang matanda..

"Mahal na Reyna... Dapat po kayong nagtago.. Mapanganib po dito" sabi ng matanda sa reyna.

"Inang Esmeralda, maaari nyo bang dalhin ang sanggol sa mundo ng mga mortal? Ayaw ko po syang mapahamak at masali sa gulo ng mundong ito" pakiusap ng reyna kay Inang Esmeralda.

"Dadalhin ko sya sa mundo ng mga mortal kung mag-iingat ka" sabi ni Inang Esmeralda sa kanya.

"Maraming salamat po at mag-iingat po ako, may malaking utang na loob po ako sa inyo, pagpalain kayo ni Zeisia" pasasalamat ng reyna kay Inang Esmeralda.

May inilagay na sulat ang reyna sa sanggol at binigyan nya ng isang mahabang bagay na nababalot ng tela at kwintas sa sanggol.

Tumakbo ang matanda at may binaggit sya..

"Trexios Portales!" chant ni Inag Esmeralda.

Biglang umikot ang hangin at nabuo nito ang isang portal na kulay whitish-yellow ang loob.

Pumasok sya dito at dinala nito si Inang Esmeralda sa isang gubat.

Iniwan nya ang sanggol sa ilalim ng puno malapit sa malaking gate.

"Paalam Prinsesa Guinevere Theia" sabi ng matanda.

*BOGSHH*

"Ahhh!" sigaw ko. Naumpog yung ulo ko.. T_T

"GISING NA YIAN-YIAN! GAGALA TAYO NGAYON!" sigaw ni Ri-Ri.

"Aww" sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

"Hala! Sorry! Masakit? Kung masakit, kailangan natin ng yelo. Gosh, sorry ulit!" natatarantang sabi ni Ri-Ri.

"Wala ito Ri-Ri" sabi ko.

"Ehh, baka maging bukol yan, or worst, BASAG YANG ULO MO! WAAAH!" naiiyak na sabi ni Ri-Ri.

"Wag ka na umiyak Ate Ri-Ri! Sabi ko sayo wala lang ito!" sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong nya na may halong pag-aalala.

"Oo wala ito" sabi ko sabay ngiti.

"Nga pala, gagala tayo! Masyado na tayong busy sa isa't-isa kaya gagala tayo para maka-catch-up sa mga bagay-bagay" sabi nya.

"Sige ba" sabi ko.

"Maligo ka na at kakain pa tayo" sabi nya tapos umalis sya ng kwarto.

Naligo na ako at nagbihis.

Nung nagbibihis ako biglang sumakit ang pulso ko.

"Aray!" sabi ko habang hawak ang pulso ko.

May nakita akong lumiliwanag sa may pulso ko. Nakita ko na parang may isang simbolo na naka-lagay dito at iyon ang lumiliwanag.

Avian Academy: The Legend Of The Lost Princess (On-Hold)Where stories live. Discover now