chapter 22: movie marathon with hang10

2.3K 45 0
                                    

Alexis pov.

Andito pa ren kami sa tambayan ng hang10 naglalaro kami ni kuya ng playstation.... magkakampi kami ni kuya si jesica naman kakampi si nathan..

"Yan talo tuloy tayo ikaw kasi e"sigaw ni nathan kay jesica.

"Aba anong alam ko diyan sa laro na yan..diba sabe ko na ngang ayaw kong maglaro pinilit mo pa ren ako"sigaw den nito..ayan ganyan sila kanina pa kaya laging talo e... Haha smell fishy here.

"Tumigil na nga kayo tanggapin nyo na lang na talo talaga kayo"pagmamayabang ko haha

"Yabang mo si kuya mo lang naman nagpapanalo e"sabe ni nathan..aba loko to ah..dinilaan ko lang siya!

"Ah guyz siguro mas magandang mag movie marathon tayo?"sabi ni kuya..mukang maganda yan ah..

"Sure merong entertainment room dito"sabi naman ni justin wow kumpleto talaga!!

"Great idea anong papanuorin natin?"tanong ni jm

"Ah alam ko na horror na lang"masayang sabi ni jesica..hala takot ako sa mga ganong palabas..jesica nMan e..pero wala na kong magagawa sumang ayon silang lahat..

"Asige meron dito teka aayusin ko lang yung papanuoran natin..papalamigin ko na ren"sabe naman ni thirdy.Tumango na lang kami lahat..

"Kelan mo pa naging boyfriend si justin"patay sabi ko na nga ba e magtatanong to si kuya..Tumingin ako kay justin nakatingin den pala siya sakin at parang sinasabe ng mga mata niya na wag na wag mong sasabihim sakanya look..

"Ahm! Kahapon po kuya"sagot ko.

"Kahapon kakalipat mo pa lang dito nangligaw na siya?" Hala anong sasabihin ko?

"Ok na pede na kayong pumasok"hay thanks thirdy nakigtas den..inalalayan ako ni kuya sa pagtayo..para naman akong prinsesa..

Pagpasok ko sa loob ang laki parang cinehan tapos ung upuan ganon den sa cinehan ang lamig pa..sobrang laki ng flat screen..naupo na kami bale ganito ang ayos kaming pito nasa first line tapos yung ibang hang10 nasa second ang third line ng upuan..

Thirdy,jm,kuya eric,ako,justin,jesica, nathan..yan ganyan kami..si kuya eric at justin ang katabe ko..hehe dalawang pogi..si jesica naman katabi si nathan..

Yung kalagitnaan na biglang may nanggulat sa palabas kaya napayakap ako kay justin huhu..naramdaman ko namang niyakap niya ren ako at tumawa ng mahina..loko to tinawanan pa ko..unti unti akong sumisilip sa screen..nakita ko ren si jesica na nakayakap kay nathan hihi..

Hanggang sa matapos ang palabas nakayakap pa ren ako kay justin di niya ren kasi ako binitawan ganon den sila nathan at jesica..sumilip naman ako kay kuya na may katxt..sino kaya yun..

"Tara isa pa..love story naman!"sabi ni jm..tumango na lang kami..

"Buti pa kayo may kayakap"sabe ni jason isa sa member ng hang10

"Oo nga ang daya!" Sabi naman ni jm habang pinipili yung sunod na panunuorin namin!

Yung nagumpisa na yung movie nanunuod kaming lahat pero si kuya eric may katxt pa ren..hay inaantok ako..kaya pinatong ko yung ulo ko sa balikat ni kuya..naramdaman ko namang tumigil siya sa pagttxt at inayos ang ulo ko...hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na pala ako!! Ang saya ng araw na to!


The Only Princess Is MissingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon