chapter 49: baranggay katotohanan

2K 30 0
                                    

Amanda hale pov.

Umuwi ako ngayun sa probinsya namin! Nagpaalam ako kay christian na uuwi muna ako saamin pumayag naman siya kaya agad akong umuwi..may sasabihin Daw kasi sila mama sakin!

"Ma andito na po ako" salubong ko

"Anak ay nako buti naman at nakarating ka na" salubong din sakin ni mama at nag mano

"Magaling na po ba kayo?" Tanong ko kay mama..

"Oo naman anak..at salamat dun sa kaibigan mo na tumulong sayo" nakangiting niyang sabe .yeah si christian ang tumulong sakin yung una nga nagalit ako kay best pero no choice ako kaya tinanggap ko na lang kapalit ng pagiging secretary niya..naging maayos naman ang pagtatrabaho ko sakanya...

"Si papa po?" Tanong ko kasi hindi ko siya nakitang sumalubong sakin!

"Ayy pumasok sayang daw kasi yung araw niya pero pauwi na yun...maupo ka muna at ihahanda ko ang makakain natin" sabi niya at lumakad papunta sa kusina sinundan ko naman si mama at hindi sinunod ang sinabe niya...

"Tutulungan na po kita ma" sabi ko tumango lang siya at inihanda ko na sa lamesa ang mga plato!

"Hintayin mo na natin ang papa mo parating yun" sabe niya at inihanda na ang kanin at ulam..

"Ano po pala ang ibabalita nyo sakin" sabe ko at hinila niya ako paupo at humarap saakin

"Nabalitaan ko na tagarito rin ang mga magulang mo! At isa ka sa mga nawawala na sanggol  sa ospital na nasunog dati.. At ang tunay mong apelyido ay santos nalaman ko yan sa isang nurse na dating nagtatrabaho sa ospital na yun! At  naging pasyente nila ang nanay mo! Balita din sa kabilang bayan kung saan nakatira ang magulang mo na na namatayan  ng anak ang mama mo dahil sa nasunog na ospital..at sigurado akong ikaw yun!" Mahabang paliwanag ni mama..hindi ko alam kung ano mararamdaman ko! Masaya sa sobrang saya naiiyak na ko..

"M-ma ano-ng pangalan po ng baranggay nila?" Putol putol kong tanong..

"Sa baranggay katotohanan sa kabilang bayan yun nak!" Malapit lang yun dito sa baranggay silangan! Parang gusto kong tumakbo papunta dun para makita na ang totoo kong magulang!!

Kring,kring

"Excuse lang ma tumatawag po yung boss ko" paalam ko kay mama ngumiti lang siya at tumango..lumayo muna ko at inayos ang itsura ko na akala mo makikita niya ako..pinunasan ko din ang luha ko at inayos ang boses bago sagutin ang tawag..

"H-hello" bati ko

[.....] Hindi siya sumasagot na parang pinapakinggan niya lang ang boses ko! Dahil sa katahimikan niya naalala ko nanaman tuloy ang tunay kong ina...ano kaya ang itsura niya ano kaya magiging reaksyon niya pag nakita niya na ako..

[Hi how are you?]

Yayakapin niya kaya ako pag nakita niya na ko..gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit..

[Amanda are you ok?]

Habang lumalaki ako parang may kulang sakin at dahil hindi ko kasama ang tunay kong magulang masya naman ako sa piling nila mama pero syempre iba pa rin pagkasama mo ang tunay mong mga magulang

[Amanda!] Nagulat ako sa pagsigaw ni christian sa cellphone..

"Y-yes sir?" Tanong ko...masyado yatang malalim ang naiisip ko hindi ko na namanlayan na may kausap pala ako...hindi ko din naramdaman na umiiyak na pala ako..

[Are you ok? Kanina pa kasi kita kinakausap pero hindi ka sumasagot?] Hayy ano bang ikakatwiran ko para kasing manghuhula to..

"A-ah o-ok lang ako sir masyado lang madaming iniisil" sabi ko

[Umiyak ka ba?] See? Sabi ko sainyo eh ang bilis makatunog nito...

"H-ha h-hindi ah.." Pagsisinungaling ko

[Ano naman yang iniisip mo?] Usisa niya..

" wala to ahm..family issue" katwiran ko..

[Ah..so how are you] tanong niya..

"Good,happy but?"

[But?] Ulit niya sa sinabe ko

"Nak andito na papa mo"sigaw ni mama

"Sige po ma susunod na" sigaw ko rin para marinig niya

"Ahm..chris I call you back" sabi ko at agad na pinatay ang tawag..at pumasok na rin ako..

"Hi pa" sabi ko kay papa at nag mano..

"Oh nak may good news ako sayo" sabi niya..

"Ano po?" tanong ko namn

"Umuwi na daw sa dito ang mama mo sa probinsiya kaso may kasamang batang babae" sabi ni papa..

"Talaga edi maganda anong gusto mo nak samahan ka namin sakanya" sabi ni mama..

"Oo nga para kami na ang magpapaliwanag sakanya na buhay ka!" Gusto kong sumang ayon sa laht ng gusto nila pero parang may mali..

"Tyaka na po mama..papa tayo muna ang mag bonding maraming oras para pumunta sa totoo kong magulang" sabi ko at ngumiti..

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ni papa..nagulat ako ng biglang yumayak si mama ganon din si papa

"Mamimiss ka namin anak..kahit anong mangyari wag na wag mo kaming kakalimutan ha." Sabi ni mama at naramdaman kong umiiyak siya..

"Opo naman ma hinding hindi ko kay makakalimutan" sabi ko at hindi na rin napigilan na maluha..simula bata ako sila na ang kasama ko..inalagaan nila ako na parang tunay na anak...kaya hinding hindi ko sila makakalimutan..utang na loob ko sakanila ang buhay ko..

"Kung pwede lang na hindi ka na namin ibalik sakanila gagawin namin eh pero ayaw naman naming nangungulila ka sa totoo mong magulang" bilib talaga ako kay mama at papa..kahit sa ikakalulungkol nila nagagawa pa rin nila akong isipin..

"Kaya nga po tayo na lang muna ang magkasama habang hindi muna ako babalik sa tunay ko magulang..gusto ko pa kayong makasam" paliwanag ko..bumitaw na din sakin si mama..at ngumiti lang sila sakin..

"Oh tara na kain na tayo" aya ni papa..kaya kumain na kami!

May tamang panahon mama para magkita at magkasama tayo..pero sa ngayun dito muna ako kela mama at papa..

*****









The Only Princess Is MissingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon