chapter 51:suspicion

2.1K 38 0
                                    

Alexis pov.

3 weeks na kami dito sa bahay ng tita ko! Unang alis namin sa olongapo dun kami tumira sa isang bahay..bahay daw yun ni mama pero nagulat ako ng magmadali si mama na lumipat dito sa bahay ni tita julie kapatid ni mama.. Wala akong contact kay mommy at kela kuya dahil kinuha ni mama ang cellphone at iba ko pang gadgets hindi ko alam pero ang weird niya simula ng umalis kami sa olongapo!

Kung hindi pa ako nagpaalam kay mama na itetext si justin hindi niya pa ako pahihiramin ng cp..kaya tinext ko na rin si jesica na nasa probinsya kami buti na lang at nasulat ko ang mga number nila sa papel yung nalaman kung kukunin ni mama yung cp ko..

Bakit ganon ang weird ng mga bagay yung picture na pinadala sakin ni tenten hindi parin mawala sa isip ko..kamuka ko yung batang yun pero imposible kasi siya si anna..pero naalala ko yung sinasabe ni kuya eric sa ospital..parang puzzle na kaylangan buuin! Yung tinuro niya yung picture ni anna at ako tapos pinagdikit niya ang daliri diba ibig sabihin nun na ako at si anna ay iisa--

"Anak nalulungkot ka ba?" Malambing na sabi ni mama

"Namimiss ko lang po si jesica at justin" sabe ko at ngumiti...hindi ko maiwasang maghinala na maytinatago sakin si mama..

"Tiis lang anak maayos den ang lahat" sabi niya..

"Ma pwede ko bang--"

"May darating na bisita ang tita mo kaya maghanda ka" putol niya sa sasabihin ko...alam niya na ang gusto kong sabihin...

"Opo" sabi ko at ngumiti..

Ilang sandali lang ay dumating na ang sexy at magandang babae

"Ow hello amanda kamusta na?" Bati ni tita..

"Ok lang po tita pumunta lang po ako dito dahil pinapabigay to ni best" sabi ng babaeng maganda at sexy

"Ayy ganon maupo ka muna at nagpakuha na ako ng pagkain" may kaya si tita ko..may mga katulong siya at medyo kalakihay ang bahay niya..

"Ayy salamat po" masayang sabi ng babaeng maganda at sexy

"So kamusta ang anak ko?" Tanong ni tita

"Ok naman po siya tita"tipid na sabe ni amanda..

"Parang problemado ka?" Sabi ni tita..nakikinig lang kami ni mama

"Nakita ko na po kasi ang tunay kong ina pero hindi pa po ako handa na puntahan siya" ow kawawa naman pala siya

"Sound interesting bakit ka ba nalayo sa nanay mo?"

"Sanggol pa lang daw po ako ng makuha ako ng mga tumatayong magulang ko..kasi dati daw may nasusunog na ospital sa kabila naming baranggay at napulot ako ng mga tumatayo kong magulang!" Ow oo nga sabe din ni mama yun eh

"Talaga? Sang ospital naman yun?"

"Sa barangay katotohanan po yung nasunog na ospital dun!"

Nakita kong nagkatinginan sila tita at mama..

"Alam mo na ba ang itsura ng tunay mong ina may pinakita ba sayong picture yung mga tumatayo mong magulang!"

"Hindi ko po alam eh! Pero alam ko po ang apelyido niya" sabe ni amanda

"A-ano ijah?" Kinakabahan na sabi ni tita

"Ay sabi ni mama san--"

Kring,kring

"Excuse me sis kaylangan ko tong sagutin" paalam ni mama tumango lang si tita at ipinagpatuloy ang usapan nila..kaya umalis na din ako!

"ANO???" narinig kong sigaw ni mama..

[Kaya bilisan nyo na umalis na kayo diyan] sigaw den ng kausap ni mama i think yun yung carlos na laging kausap ni mama..

"Oo sige aalis na kami dito ngayun den" pagkababa niya ng cellphone ayy agad akong pumasok sa kwarto para hindi niya ako makita...

Knock..knock

"Anak mag impake kana aalis tayo dalian mo" sabi niya at nagmamadali ding magimpake ng gamit niya..

"Bakit ma? May tinatago ka ba sakin?" Sabi ko na nakapag pahinto sa ginagawa niya

"Wala anak pupuntahan lang natin ang iba  natin kamag anak dito" nakangiti niyang sabi..kaya wala na kong nagawa kung hindi magimpake ulit

"Tapos ka na? Tara na" dalidali kaming lumabas ng kwarto at naabutan namin sila tita na naguusapan pa rin

"Del may good news ako paniguradong sasaya ka--"

"Wala na kong panahon para diyan kaylangan na namin umalis maraming salamt sa pagpapatuloy mo samin" hihilahin na sana ako ni mama pero nagsalita ulit si tita

"Pero kaylangan mo to--"

"Sa susunod na lang  jesie kaylangan na namin umalis" nagmamadaling sabi ni mama..magsasalita na sana uli si tita ng biglang

"At san kayo pupunta?" Sabi ng isang lalaking nagliliyab sa galit ngayun ko lang siyang nakita ng ganito

****

The Only Princess Is MissingWhere stories live. Discover now