chapter 64: couple t-shirt

2K 34 0
                                    

Alexis pov.

Andito kami ngayun ni justin sa isang coffee shop! Niyaya ko siyang lumabas tutal kakauwi ko lang dito sa pilipinas kahapon galing sa italy pinagpahinga muna ako nila mommy...pero one week lang!

"San tayo next?" Tanong niya naalala ko nga pala si tenten asan na kaya siya!

"Dun tayo sa bilihan ng couple t-shirt gusto ko kasi bumili nun" sabi ko

"Oh sige tara na pala" nakangiti niyang sabi kaya tumayo na kami ng biglang---

"Hi justin...i miss you" sabi nito sabay humalik sa pisngi ni justin aba loko to ah hindi man lang pinigilan ang bwisit na babaeng to!!

"Let's go" pagyaya ko tumango lang siya aalis na sana kami ng---

"Wait san kayo pupunta? Pwede bang sumama?" Nakangiti pa nitong sabe..

"Hindi pwed--" nagtaka ako ng hawakan ni justin ang kamay ko..kaya lumingon ako sakanya at nakikita ko sa mga mata nito na sang-ayon siyang sumama ang babaeng to! At tyaka siya tumango kay jane ....arghhhh bwisit

"Fine!" Sabi ko nauna na kong lumabas...

"Baby! Wag ka ng magalit!" Malambing na sabi nito hindi ko siya pinansin inunahan ko ng silang maglakad papunta sa couple shop..

"Hi ma'am goodmorning po,welcome to couple shop"

"Hi mayroon bang babagay na couple t-shirt para saming dalawa ng kasama kong lalaki?" Tanong ng bruha..

"Jane ano ba kami ang bibili ni alex" sabi ni justin na ikina-nguso naman ng bruha!

"Pero gusto ko rin magkaron tayo" pagmamaktol nito..konting konti na lang talaga sasabunutan ko na to pero--

Anna! remember who you are!

Naalala ko ang sinabi ni dad..na huwag akong mananakit ng kapwa kung kaya ko naman magtiis!

Kaya pinabayaan ko na lang siya..

"Oh sige bigyan mo sila..ng pang magkaibigan" utos ko dun kay ate..tumango na lang siya..pero bago siya umalis tinanong nya uli ako

"Eh yung sayo po ma'am?"tanong niya

"Para saming dalawa ng boyfriend ko" pagkasabi ko nun ay hinila ko ang braso ni justin sa kamay ni jane..tumango na lang ang babae..

Maya maya ay bumalik na siya ng may dalawang pares ng damit yun isa kulay dilaw pang magkaibigan tapos yung samin ni justin ay kay blue heart ang design pero yung kaliwang bahagi ng heart na kay justin at yung kanan naman sakin..pag magkadikit kami ay mabubuo ang parte ng puso!

"Ok na ba sayo to justin" tanong ko sakanya

"Oo naman baby kahit ano pang itsura niyan pag ikaw ang nagsuot gaganda yan" malambing na sabi niya!

"Tsk ang pangit naman ng samin wala na bang iba ha!" Mataray na sabi ng bruha ang arte!

"Ok na yan jane tara na bayaran na natin ng masuot na" sabi ni justin

Nangmabayaran na namin ang damit sabay kaming nag abot ng paper bag kay justin..

"Alex pwede bang yung samin muna ni jane ang suotin ko" tsk inirapan ko lang siya!

"Ok" tipid na sabi ko..magsasalita pa sana siya ng biglangg

"Hi alex naaalala mo pa ba ako" wait parang kilala ko siya ah

"Ako si laurance vuenavidez yung classmate mo ng second year high school" ah oo siya nga..di ko akalain na lalo siyang naging gwapo ngayun at tyaka ang tikas ng pangangatawan niya..nangligaw siya sakin ng second year..ang tyaga nga niya sakin nun eh..pero hindi ko naman sinagot

"Ah oo ikaw pala yan! Kamusta?" Tanong ko..

"Ok lang ikaw? Mukang lalo kay gumanda ah" pangbobola nito

"Ahm..ok lang naman..ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago mangbobola ka pa rin haha" nagtawanan lang kami..masarap din siya ksama..

"EHEM!" Tsk istorbo naman to si justin...

"Ahm..siya nga pala si justin gray boyfriend ko" pakilala ko kay justin.

"Ahm..nice to meet you pare" sabi ni laurance at nakipag kamay kay justin..

Kringgg,kringg

Shit sino naman tong istorbo na tumatawag sa---kay justin pala..

"Hello"bati niya medyo lumayo siya samin..ito namang jane nakipag landian na agad kay laurance!

"ANO? OH SIGE SIGE PUPUNTA NA KO" sigaw ni justin sa kausap niya..

"Anong nanyari?" Nag aalala kong tanong

"Kaylangan ko ng mauna may pumasok daw sa bahay nila kuya" ayyy omygosh

"Sasama na ko" sabi ko tutal marunong na kong makipaglaban

"Wag na dilikado para sayo alex" sabi nito..

"Kayo ko ang sarili ko" sabi ko sabay hinila siya papunta sa kotse hindi na namin nakuhang magpaalam kela laurance narinig ko pang tinawag ni jane ang pangalan ni justin pero huli na napaandar niya na ang sasakayan..

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila naririnig namin ang putukan..pero walang nakakapansin dahil dulong dulo na sila ng village!

"Dito ka na lang muna sa labas dilikado sa loob" tumango na lang ako pero..syempre hindi ako papayag susunod ako sa loob..

Pagpasok niya pinalipas ko muna ang ilang minuto bago sumunod..dumaan ako sa likod ng bahay nila at umakyat sa bintana! Pagkapasok ko sa loob may naririnig ako tunog ng bomba sa may bandang cr..nagtungo ako dun at nakita kong 20 minutes na lang..narinig kong may papasok sa loob kaya nagtago ako!

"Shit asan na kayo daniella" wow si kuya christian yun ah yung kuya ni justin..so ibig sabihin andito sa loob ng mansyon sila ate daniella..kaylangan ko silang iligtas..

Sumilip ako saglit kurtina ang nakita kong nakita niya ang bomba malapit sa cr kaya agad siya lumabas ng pinto..narinig ko pa siyang nagmura..

Lumabas na ako sa kwarto at lumipat sa kabilang kawarto narinig ko ang usapan nila ni justin

"May bomba dito sa loob ng mansyon mauna ka ng lumabas justin hindi ko pa nakikita ang ate daniella mo" sabi ni kuya christian hindi naman sumunod si justin at hinila niya na ang kuya niya palabas..

Tit.tit.tit

Tunog ng bomba na palatandaang limang sigundo na lang tatalon na sana ako sa bintan ng biglang may narinig akong kaluskos sa loob ng kwarto na paglilipatan ko sana..

Shit anong uunahin ko baka andun na sila ate daniella..

Goodluck...amen

*******

The Only Princess Is MissingWhere stories live. Discover now