chapter 50: eric's revelation

2.3K 39 0
                                    

Andrew's pov.

Wengya naman oh isang linggo na akong nagbabantay dito sa ospital ako kasi nakatoka ngayun..

(A/n: ayun naman pala eh tapos nagrereklamo ka)

Manahimik ka diyan author ligawan kita eh!

Nasisira na ang kagwapuhan ko kakabantay kay kuya..tapos hindi ko pa naiintindihan sinasabe ni kuya..kahit siguro alien hindi siya maiintindihan eh! Nung akala ko tutubi pinapakuha niya yun pala tubig! Buti pa yung boyfriend ni alex naiintindihan si kuya..

Speaking of alex namimiss ko na siya tatlong buwan na ang nakakalipas ng umuwi siya..pero kakatawag ko lang sakanya kagabi...lalo kong namimiss sakanya si anna..

"Hmmmm" ayan nanaman si kuya nagsasalita pero hindi naman naiintindigan haysss..kaylangan ko na yata tawaging ang mga alien eh..

" bakit kuya may kaylangan ka ba?" Tanong ko..

Sumenyas siya sakin na lumapit ako kaya iyon naman ang ginawa ko..

"Umuha ah papil" ha hano daw..nakita niya sigurong kumunot yung noo ko na ibig sabihin na hindi ko siya naiintindihan..nagsenyas siya sa hangin na parang sumusulat..

"Ballpen?" Tanong ko..tumango naman siya agad! Kaya binigyan ko siya..sunod niyang pinakuha ay ang papel kaya binigay ko baka isusulat niya ang gusto niyang sabihin..hayyy mabuti pa nga kasi hindi ko mahanap ang mga sinasabe niya sa dictionary baka sa dictionary ng alien meron..

   Ipatawag mo sila mama..lahat sila

Yan yun nakasulat..

"Ah sige kuya pero bakit?" Usisa ko  nakita ko naman nagsulat uli siya

   May kaylangan silang malaman

Tumango na lang ako at tinawagan na sila..pati si tita cassy .. May pumasok na isang doctor mukang good news ah nakangiti eh.

"Buon pumeriggio mi prince" (good afternoon/ my) bati ng doctor..tumango lang ako..

"I have a good news my prince" sabi niya

"Che cosa?" Tipid kong tanong

"Your father is already awake but he can't talk prince" ow good news nga yun..nakita kong bumukas ang pinto at sabay sabay na pumasok sila mommy kompleto sila andito den sila grandpa..

"Ipasok nyo na dito ang asawa ko" utos ni mommy na agad namang sinunod ng doctor...mamaya ay tulaktulak na nila si daddu sa wheelchair at inihiga nila sa isa pang kama..

"Son bakit mo kami pinapunta dito! Kung kelan naman gising na ang daddy mo" malambing na tanong ni mommy nakita kong inabutan ng isang nurse si daddy ng ballpen at papel..

"Sige na lumabas muna kayo" utos ni grandma..na sinunod ng mga nurse at doctor..

      Mom may gusto kaming sabihin sayo ni dad

Pagkatapos isulat ni kuya ay tumingin siya kay dad at tumango naman si dad..

"Ano yun anak" sabi ni mom halatang kinakabahan sila..kahit naman ako!

    Buhay si anna

Yan ang nakasulat sa papel ni dad..

"H-ha?" Naguguluhang tanong ni mom

     At alam namin ni dad kung sino siya

Napupuo na ang mga luha sa mga mata ni mom..

"A-asan siya?" Tuluyan ng tumulo ang luha ni mom

       Si alex siya si anna

And this time nanghina na si mom kaya sinambot siya ni kuya zachary..at humagulgul na

The Only Princess Is MissingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon