Prologue

57 2 0
                                    

''Ate, stop this please! Magkapatid tayo! Hindi dapat tayo nag-aaway ng ganito!'' Pakiusap ko kay ate Lian. Nandito kami ngayon sa lugar na pinagtatagpuan namin dati ni Paolo dahil nakatanggap ako ng text mula sa kanya na magkikita kami dito. Umaasa akong magkaka ayos kami kaya kahit dis oras ng gabi ay pumunta ko. Ngunit nagtataka ako kung bakit ang kapatid ko ang nadatnan ko dito.

''Nagkukunwari ka pang mabait, Leslie. Para ano, kaawaan ka ng lahat ng mga taong nakapaligid satin? Buong buhay ko ikaw na lng ang inaayunan ng lahat! Simula sa mga magulang natin, sa eskwelahan, sa banda, sa mga kaibigan, at ngayon pati kay Paolo! Ikaw na lng lagi ang magaling! Ako? Intsapwera lagi. Singhal nya sakin. Hindi nya pa rin binibitawan ang pagkakahila nya sa buhok ko. Napapaiyak na ko sa sakit na dulot ng pagkakasabunot nya sakin.

''P-pag-usapan natin ng maayos to, ate. Pamilya tayo. Kahit sobrang d-dami na ng kasalanan mo s-sakin handa akong patawarin ka. K-kaya please, itigil mo na to. Wag kang magpalunod sa galit na nararamdaman mo! U-umuwi ka na satin. Handa kang kausapin nila mommy at daddy. P-please ate.''

Tumawa lang siya sa mga sinabi ko.

''A-akala mo madadala mo ko sa pagbabait-baitan mo? Well, iba ako sakanila, Les. Hindi ako tanga, kung bakit kasi nabuhay ka pa sa mundong to? This world is so unfair! Fuck this life! H-hindi ako papayag na makuha mo ang lahat ng dapat ay sakin! Wala akong ititira sayo! Dapat ay mawala ka na lng! I'll let you see how an adorable angel like you will become a broken angel.''

Napapailing ako sa sakit na nararamdaman ko hindi lng sa anit ko, kundi pati sa puso ko. Napakasakit na kapatid ko pa mismo ang nagsasabi na sana ay mawala ako.

Pinilit kong labanan siya ngunit sadyang malakas siya. Hinila nya ako ng hinila at pinagsisipa. Sinasalag ko lahat ng paninipa nya dahil baka mawala ang anak ko. H-hindi maganda ang pag-aaway namin na to sa kalagayan ko ngayon. Natatakot ako. Sa oras na malaman niyang buntis ako ay baka kung ano pa ang gawin nya kaya minabuti kong ilihim ito sa lahat.

Buong lakas akong tumayo at sinabunutan din siya. Sumusobra na siya! Halos sirain nya na ang buhay ko kaya kailangang lumaban ako. Napalingon ako sa bangin na nasa likuran namin, kinabahan ako dahil isang maling atras at galaw ko lang ay maaari akong mahulog. Nang nakita nya ang reaksyon ko nung napatingin ako sa bangin ay ngumiti siya. Isang ngiting nakakatakot.

''Damn you, Leslie Brittany! Go to hell where you fucking belong!'' At pagkasabi nya nun ay tuluyan ko ng naramdaman ang unti-unti kong pagkalaglag sa bangin.

Nanlalabo ang paningin ko ng bumagsak ako. Ramdam ko ang kirot lalong lalo na ng puson ko. Unti-unti akong nakakita ng liwanag bago tuluyang magdilim ang mga paningin ko.


Broken AngelWhere stories live. Discover now