Chapter 5 - Project

11 1 0
                                    

Nang lumipas ang 1 week ay bumawi ako ng pahinga. Masyado kasi akong naging busy last week hindi lang sa acads kundi sa mga sari-saring problema. Kaya pag natatapos ko agad ang mga homeworks at projects ay agad akong natutulog dahil matindi ang puyat ko nitong mga nakaraang araw.

Nandito kami ngayon nila Chloe at Vienna sa library. Vacant namin ngayon dahil absent si Ms. Catacutan. May sakit daw kasi ito. Syempre, halos magdiwang ang mga kaklase ko dahil pangalawang araw nang absent si Ma'am.

"Alam niyo na ba ang balita?" Basag ni Chloe sa katahimikan.

"Oo alam ko na" Sagot naman ni Vienna.

"Ano ba yun?" Curious kong tanong sa kanila.

" One week nalang ang natitirang panahon para sa pa audition ng Fourth Melody sa bagong vocalist. Sa dami ng nag audition ay wala pa ding nakikitaan ng galing! Wala na atang makakapantay talaga sa ate mo. Sana lang may makakuha na sila this week dahil pag wala pa din daw, ididisband na sila" Malungkot na sabi ni Vienna.

Nalungkot naman ako sa narinig. I tried my very best para i convince si ate na wag ng umalis pero nanatiling final ang desisyon nya. Mas nagfofocus siya sa pag-aaral para sa future niya. 

"Eh kung mag audition kaya ako?" Suggestion ni Chloe.

Natawa kami ni Vienna sa sinabi nya.

"What's funny?" Iritang saad nya.

"Parang napakagaling mo namang kumanta friend. Tanggapin mo na ang katotohanan"

"Ang hard mo naman masyado, Vienne! Pero kidding aside, paano kung wala talagang mahanap ang fourth melody na kapalit? Kawawa naman sila!" Iiling iling na sabi ni Chloe.

"Wala na tayong magagawa kung ganun. Makakabawi naman yung university natin eh. Nangunguna naman tayo sa mga contests na related sa acads at nangunguna din tayo sa basketball and volleyball!" Pampalubag loob na sabi ko na totoo naman.

"You're right Les pero that's not my point. Sayang ang kasikatan ng banda, sayang ang fans. Hay. Isa pa naman ako sa mga fans nila at talagang nalulungkot ako!"

"Ipagdasal nalang natin na may makuha na silang bago" Sabi ko at nag agree naman sila.

Nang pabalik na kami sa classroom ay halos tungkol sa fourth melody ang naririnig kong usapan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Madaming nanghihinayang, nalulungkot.

Nagkibit balikat nalang ako.

Dumating na ang prof namin sa history bago mag bell. Nag discuss lang siya at nagpaquiz. Inannounce nya din ang project namin na ipapasa na agad next meeting. Individual project ito.

"Ang project nyo na gagawin sa subject ko ay magcocompose kayo ng kanta at vivideohan niyo ang sarili niyo na kinakanta ang na compose niyong kanta. Tagalog syempre at gusto ko related sa bansa natin since history class ito. Ipiplay ang mga video niyo next meeting at pipili ako ng pinaka magandang gawa sa inyo. Kung sino man yung mapili ko, exempted na sa final exam"

Madaming umangal sa project na pinapagawa ni sir lalo na yung mga di marunong kumant at mag compose. Hindi naman daw kasi music class ito kaya bakit ito pa daw yung project. Sana'y ginawang group nalang daw para mas madali.

Wala namang kaso sakin yung project dahil marunong naman akong mag compose at kumanta.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nag-isip ng kakantahin. Naabutan ako ni ate na abalang abala kaya kinausap nya ko.

"What are you doing?" Curious na tanong nya.

"Gumagawa ng project ate, magcocompose ng kanta na related sa bansa tapos gagawa kami ng video na kinakanta yung nicompose namin"

"Perfect mo na yan for sure!" Pumapalakpak pa si ate.

Napangiti ako. "Naku sana nga ate para exempted na ko sa finals!"

"Ay ganun? Naku dapat talagang iperfect yan! Halika't tutulungan kita. I'll make sure na exempted ka na sa finals niyo!"

Natuwa ako sa narinig. Syempre magaling si ate dahil musician sya! Tatanggihan ko pa ba yung tulong niya?

Inabot kami ng 3 hours bago natapos ang nicompose naming kanta. Ang title ng kanta ay Yaman ng Pilipinas. Gitara ang instrument na gagamitin. Lalong gumanda ang lyrics at tono ng kanta dahil sa brainstorming namin ni ate! I can't believe it! Pang professional ang pagkakagawa!

"Thank you so much ate! The best ka talaga eh! Pa hug nga!" Niyakap ko siya dahil sa tuwa.

"Anything for my baby sister!" Halakhak niya.

"Baby? I'm not a baby anymore!" I pouted.

"Naku nagpa cute pa ang kapatid ko! Tara na't matulog. 12AM na. Maaga pa pasok natin bukas."

"Goodnight ate! Thanks uli! I love you!"

"I love you more sis! Goodnight & sleepwell!"

Dumating na yung araw ng pasahan. Isa isa nang piniplay ni sir yung mga videos pero wala pa din siyang sinasabi kung sino ang exempted. Wala man lang siyang comment sa project nina Kobe at Paolo eh magaling naman yung dalawang yun. Hanggang sa video ko na ang pinlay..

"Last but not the least, Ms. Chavez! Tignan natin kung maganda ang project mo!"

Nang pinindot na ni sir ang play button ay agad akong kinabahan. Hindi ko alam kung magugustuhan nila! My goodness!

Bumungad sa screen ang video ko. Naka floral dress ako na akma sa park na pinag shootingan ko ng video ko . Punong puni ng bulaklak yung place, may falls pa. Naisip namin to ni ate dahil Sa title ng kanta ko. Siya din ang nag video sakin kaya maganda ang anggulo.

Pagka strum ko palang ng gitara at pagkanta ko ng intro ay kinilabutan ako sa palakpakan ng mga kaklase ko. Lalo na nung matapos yung kanta.

"Grabe kumakanta ka pala Les?"

"Wow Ang galing grabe! Singer na singer ang dating!"

"Les, nakakainlove naman yung boses mo!"

"Ang galing mo Les!"

Rinig na rinig ko ang papuri ng mga kaklase ko. Halos magtago ako sa hiya. Hindi kasi ako lantad sa hidden talent ko na to. Kahit sila Chloe at Vienna ay walang alam. Pamilya ko lang ang nakaka alam. Wala naman kasi sa pangarap ko ang kumanta. Mas focus ako sa acads dahil gusto kong makakuha ng Latin honor.

"WTF friend! Ilang taon mo tinago samin ni Vienna yan!"

"Oo nga! Kumakanta ka pala. Taksil ka! Kala ko ba walang secrets?"

"Tumahimik nga kayo dyan!" Saway ko sa kanila.

"What a beautiful voice Ms. Chavez! Akala ko'y kapatid mo lang ang magaling kumanta. Pati pala ikaw! Nasa lahi siguro ano?" Halakhak ni sir. "Speechless ako. Ang ganda pati ng kanta! Exempted ka na sa final exam!"

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Thank you sir!" Maluha luha kong sabi. Sa wakas! Nagbunga ang pinaghirapan namin ni ate!

Niyugyog ako ng dalawa kong kaibigan dahil sa tuwa. Pinabayaan ko nalang sila dahil natuwa din ako. Kahit minor subject lang to ay malaking bagay na din! Mababawasan ang mga rereviewin ko sa finals!

Nang magdismiss si sir ay kinulit ako ng mga kaklase ko. "Why don't you try mag audition sa Fourth Melody?" Sabi ng kaklase kong si May.

"Oo nga! Ang galing mo kaya! Tapos ate mo yung fomer vocalist kaya mas tatanggapin ka ng fans!" Sabi naman ni Scarlett.

"Feeling ko ikaw agad mapipili nila pag nag audition ka! Mas magaling kapanga sa ate mo! I try mo na, Les!"

Buti nalang absent yung dalawang lalaki at di nila alam ang mga pangyayari ngayon.

Tumawa ako. "Naku wala sa forte ko ang pagbabanda. More on acads ang focus ko. Tsaka di ako kasing galing ni ate. Di ako mag a-audition"

"Sayang naman!" Sabay sabay nilang sabi.

Umiling nalang ako at lumabas agad ng room.

Broken AngelWhere stories live. Discover now