Chapter 6 - Request

21 1 0
                                    

Pagkatapos ng klase ko ay agad akong umuwi ng bahay. Saturday bukas at wala akong klase kaya pwede akong magpuyat ngayon! Good thing walang homework kaya rest day is heaven!

Agad akong nag shower at nagbihis ng pambahay. Wala si mommy at daddy dahil may inasikaso. Naisip kong mag movie marathon kasama si ate kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya.

Isang katok lang at agad niya na agad binuksan ang pinto. Abala siya sa laptop nya. She look stressed.

''Ate, gusto mo mag movie marathon?'' Yaya ko sa kanya kahit mukhang wala siya sa mood.

Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at hinarap ako. ''Gusto ko sana Les kaya lang I'm not in the mood eh'' Malungkot niyang sabi.

Agad akong nag-alala sa tono ng boses niya. Mukhang may problema siya.

Tumabi ako sa kanya. ''Is there something wrong?''

''Les.. Madidisband na ang Fourth Melody''

I knew it. Walang makapasa sa mga nag a-audition sa banda kaya mukhang madidisband na talaga sila.

''Madaming nalulungkot na fans..'' Dagdag niya.

''Eh bakit kasi hindi ka nalang bumalik?'' Dahil yun ang naisip kong mas mabuting paraan.

''Sinabi ko na sayo kung bakit diba?''

''Pero pano ang mga kabanda mo? Ang fans?''

''Buo na ang desisyon ko, Les.''

Ate's so stubborn!

''Bakit kasi wala silang mapili? Hindi ba pwedeng isa sa kanila mag vocalist?''

''Maiiba ang genre. Madaming mababago pag ganun''

Ugh!

''Les, mag audition ka kaya?''

''Huh? Bat ako?!'' Gulat kong tanong. No freakin' way!

''Sige na please... Malaki ang potential mo. I'm sure magugustuhan ka din ng mga fans!''

Wala akong balak sa suggestion na to ni ate. Hindi ko naman forte yung ginagawa niya. At, hindi ako sanay kumanta sa madaming tao!

''Ate, iba na lang wag ako. Madidismaya ka lang sakin''

''Ikaw nalang ang nakikita kong solusyon. saSunday na yung last audition. Pag wala pa din silang nakita, ididisband nasila. Please... Grant my request, sis. I'm begging you''

What should I do?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken AngelWhere stories live. Discover now