Chapter 3 - Stare

12 1 0
                                    

''Oh bat nakabusangot yang mukha mo?'' Tanong sakin ni Vienna pagkadating namin sa cafeteria. Break time na kasi namin at napag desisyunan namin na sa cafeteria na lang kami kakain.

''Wala, may sumira lang ng araw ko'' Inis kong sabi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon naiinis pa din ako pag naaalala ko yung Paolo yabang na yun.

Kinwento ko kela Vienna ang nangyari. Pero imbis na mainis din sila tulad ng naramdaman ko, tinawanan lang nila ako.

''Anong nakakatawa?'' Kunot noo kong tanong.

''Ano kasi..'' Hindi matuloy tuloy ni Chloe ang sinasabi dahil sa walang tigil na pagtawa.

''Ano nga?'' Inirapan ko na. Nambibitin pa eh.

''We can't stop laughing. Grabe ka kasi, pinaglaban mo talaga yung karapatan mong maka upo sa isang upuan kung san nakalagay yung gitara ni Paolo'' Sabi naman ni Vienna.

''Eh anong nakakatawa dun? Karapatan ko naman talaga yun dahil public transportation yun at pasahero ako. Kung kayo nasa kalagayan ko, maiinis din kayo noh'' Sabi ko sa kanila. Seriously, ang weird nila ngayon.

''Pwede ka ng maging lawyer'' Sabi ni Chloe bago tumigil sa pagtawa.

''I don't understand you both'' Sabi ko at umiling.

''Kasi naman ang liit na bagay lang nung pinagtalunan nyo eh. Pero ang pinaka nakakatawa na ata talaga dun sa nangyari ay yung natapilok si Paolo. Bilis ng karma grabe'' Sabi naman ni Vienna.

''Bagay lang sa kanya yun. Yabang eh''

Nang matapos kaming kumain, may natitira pang 20 minutes na oras bago mag start ang klase namin. Nag paalam muna ako kaila Vienna na lalabas muna ng school at pupunta muna sa malapit na bank dito sa school namin para mag withdraw ng allowance ko. Sinabihan ko silang mauna na kung wala pa din ako.

Buti na lng absent ang Paolo na yun kaya di ako mababadtrip. Busy siguro sa practice nila kaya di pumasok. Pero di naman absent si Kobe. Bat kaya wala ang isang yun?

Pumasok ako sa bangko at agad nag withdraw. Hindi naman sa pagmamayabang pero may pera ang pamilya namin dahil ang mga business namin ay isa sa mga nangunguna dito sa Pilipinas. Pero kahit ganun, pinalaki kami nila dad and mom na maging humble at matipid. Kaya hindi kami ganun ka gastador tulad ng ibang mayayaman. May disiplina ang pamilya namin.

Pawis na pawis ako pagdating ko ng school. Tumakbo kasi ako pabalik ng school dahil mali late na ko. Ang haba kasi ng pila sa ATM Machine eh. Si Ms. Catacutan pa naman yung next prof ko! Yari ako for sure.

Nung medyo malapit na ako sa Business Ad building, napagdesisyunan kong mag retouch ng kaunti. Ayoko ng pumunta sa CR dahil medyo malayo yun sa room namin. Buti na lang may natitira pang 5 minutes sa oras.

Humarap ako sa sasakyan at dun nanalamin. Nag powder lang ako at lipgloss. Kinuha ko ang suklay sa bag ko at inayos ang buhok ko. Medyo nagulo kasi dahil sa pagtakbo ko. Sinuklay ko ang buhok kong medyo may pagka brown at kulot ang dulo and I decided to tie my hair into a bun. Pinasadahan ko uli ng tingin ang buong sarili ko. Tinted ang sasakyan pero feeling ko naman walang tao sa loob kaya dito na ko nag-ayos. Nung okay na ako, agad akong pumunta sa building namin para makapasok na sa next subject.

Buti na lang, nung saktong pagka bell ay nandito na ko sa room at naunahan ko si Ms. Catacutan. Nag lecture lang siya sa Algebra at sa buong oras na yun ay wala akong naiintindihan. Naiilang kasi ako sa mga titig na pinupukol ni Kobe sakin. Seriously, what's his problem? Di naman siya ganito kanina ah?

Wala tuloy akong natutunan sa araw na to kakaisip kung bat niya ko tinitignan. Ugh! Bakit di mo magawang mag focus Leslie Brittany Chavez eh tinitignan ka lang naman nya!

Hindi naman sa nag a-assume ako pero halata naman kasi na ako ang tinitignan nya at tila ba may meaning ang mga titig niyang yun. Gusto ko na ngang dukutin yung mga singkit niyang mata dahil naiinis na ko sa kanya. Nakakailang kaya! Pero syempre di ko pinahalata na naiilang ako. I acted as normal as I can.

Isang subject pa ang dumating pero hindi pa din siya tumitigil sa pagtitig sakin. Kahit na nagsusulat kami ng mga notes sa History class namin ay tumititig pa din siya. I feel uncomfortable na talaga kaya pinilit kong mag focus sa pagsusulat. Nagsusulat din naman siya pero may mga times talaga na tumitingin pa din siya sakin.

Ano kayang iniisip ng lalaking to sakin?

Nagpasalamat ako nung nag bell. Hudyat na tapos na ang klase namin and basically, last subject namin ang History kaya nung nag bell at nag dismiss na ang prof naming si Mr. Soriano ay agad akong umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sakin nila Vienna at Chloe pero hindi ko muna sila pinansin. Ititext ko na lng sila mamaya kung bakit di ko na sila hinintay. Matagal kasi kumilos ang dalawang yun kaya kung hihintayin ko pa sila, magtatagal ako sa room at magtatagal din ang pagkailang na nararamdaman ko sa mga titig nung Kobe na yun!

Nabaitan ba naman ako sa kanya dahil he's nice naman talaga kumpara kay Paolo pero bat kaya ganun makatingin ang isang yun?

Kalimutan mo na yun Leslie! Hindi naman mahalaga yun!

Tumambay muna ko sa coffee shop sa school namin at agad na nagtext kela Chloe at Vienna habang umiinom ng frappe.

To: Vienna and Chloe

Sorry kung nauna na ako ah. Sumama kasi yung tiyan ko kaya nagmadali akong pumunta sa CR. Meet me at the coffee shop. I'm waiting for the both of you.

I lied. Di ko na sinabi na kaya ako agad na umalis dahil sa ilang ko kay Kobe. Iintrigahin lang kasi ako nung dalawang yun.

Kinuha ko yung phone ko nung mag vibrate ito. Isang text galing kay Vienna.

From: Vienna

Sorry Les, bigla akong sinundo ni dad dahil may importante daw kaming pupuntahan. Can't be with you today. Bawi ako sayo next time.

To: Vienna

It's alright Vienne, take care.

Agad tumunog ang phone ko pagka reply ko sa text ni Vienna. Chloe's calling. Mukhang di din ako maasamahan ng isang to ah?

''Hey, di ka makakapunta noh?'' Sabi ko sa kanya.

''Yup! Sorry Les. Biglaang date with Tom eh. Alam mo naman medyo busy yun this past few days and I badly miss him! Hope you understand.''

''Ofcourse! Sige na enjoy kayo. Ingat!''

''Thank you. Ingat din!'' At binaba nya na yung tawag.

Dahil hindi ako masasamahan ng dalawa, nag decide na lang akong pumunta ng library at magbasa ng novels. Ayoko pa kasing umuwi.

Pero nung mapadaan ako sa bulletin board ng Music Club at mabasa ang announcement dun ay nagtaka ako.

ATTENTION!

The Fourth Melody is looking for a new female vocalist. This is very urgent. For those who are interested, kindly submit the requirements at our office. The audition is  on March 15, 2017 at the Music Theater, 9:00 AM. For inquiries, message us on our facebook page fb.com/4thMelody or text Ms. Santos at this number: 09*********. Thank you!

B-bakit naghahanap sila ng bagong vocalist? A-anong nangyari? Umalis ba si ate? P-pero imposible! Alam ko kung gaano niya kamahal ang pagkanta at ang banda nila kaya hinding hindi yun aalis! H-hindi kaya inalis siya? Pero imposible din eh! Madaming may gusto kay ate kaya hinding hindi siya aalisin sa Fourth Melody! What the heck is happening?

Hindi na ko tumuloy sa library at agad akong sumakay ng taxi pauwi samin.

I need to her about this situation.

Broken AngelWhere stories live. Discover now