Chapter 1 - First meeting

30 1 0
                                    

''Les! Gising na! Mali-late ka na sa school!'' Narinig ko ang boses ni daddy pero hindi pa din ako bumangon. Masyado akong napuyat sa pag gawa ng mga tambak na assignments at projects sa school. Wala naman masyadong gagawin ngayon sa school kaya medyo tinatamad ako pumasok talaga.

Isa pang katok ang narinig ko ''Hija gising na. Nakahanda na ang almusal wag pag-intayin ang pagkain. Isasabay na pala kita sa pagpasok dahil pupunta din akong office. C'mmon wake up!''

Wala akong choice kaya bumangon ako. Di ko magawang tanggihan si daddy dahil daddy's girl ako. Close din naman kami ni mommy pero masyado kasi siyang seryoso di tulad ni daddy na cool. Hindi ako minsan makapag open kay mommy about love dahil nakakatakot baka magalit lang siya. Serious type kasi sya eh. Siguro dahil sa dinanas nya. Well, hindi ko sya masisisi.

In-unlock ko yung pinto at tumambad kay daddy ang itsura kong mala bruha. Well ganun naman siguro lahat ng babae pag bagong gising diba?

''Good morning dad.'' Sabi ko habang kinukusot ang mata.

''Good morning sweetheart, mag-ayos ka na diyan para makakain na''

''Opo susunod na ko'' Nang umalis si dad ay nag hilamos ako sa bathroom, nag toothbrush at nag mouthwash. Nag suklay na din ako ng buhok.

Agad akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos. Namataan ko si daddy and mommy sa dining room. Wala pa si ate. Tulog pa kaya?

''Good morning mom'' I kissed my mom. ''Where's ate?'' Tanong ko.

Nagkibit balikat siya ''I don't know. Kumain ka na diyan''

Bumuntong hininga na lng ako at umupo sa tabi nya. Naglagay ako ng ham and egg sa plato ko at kaunting sinangag. Si mommy ang nagluto ngayon dahil gusto niyang pinagsisilbihan kami. Tinulungan na lng siya ng mga maids namin.

''Nauna ng umalis si Lian kanina , nag paalam siya sakin. Kailangan niya daw kasing pumasok ng maaga para sa rehearsal ng banda nya.''

Tumango ako. Oo nga pala malapit na ang battle of the bands sa school namin at ang mga kalaban ay iba't ibang banda ng iba't ibang university. May ticket na nga kami ng mga kaibigan ko. Syempre, gusto kong mapanuod ang ate ko.

''Kumain na po ba siya ng breakfast?''

''Wala pang breakfast na nakahain dito kanina dahil nauna siyang nagising sakin'' Ani mommy. ''Hayaan mo sya malaki na naman yun at pwede naman siyang kumain sa school niyo'' Walang ekspresyong sabi ni mommy.

''Pinaalalahanan ko naman siyang kumain kanina at aniya'y kakain naman daw siya'' Si daddy.

Gusto kong itanong kay mommy ang naiisip ko ngayon. Nag alangan ako kasi baka masira lang ang mood niya pero di ko pa din napigilan ''Mom, baka nagiging masyadong harsh na po kayo kay ate. M-malalaki na po kami at habang nagiging matured kami ay lalong t-tumitindi ang sama ng loob niya sainyo. Baka i-it's about time na iparamdam na mahal niyo din siya'' Mahinahong sabi ko kay mommy.

''Hindi pa ba pagmamahal ang patirahin ko sya dito? Ang makakain siya ng masasarap? Ang makapag-aral sa magandang eskwelahan? I don't care kung sumama ang loob niya. Basta alam ko, wala akong pagkukulang sa kanya.'' Sunud-sunod na sabi ni mommy.

''Leilani..'' Si daddy.

''Enough for this non sense topic Leslie Brittany! Kung wala akong pakialam sa kanya ay edi sana pinalaglag ko na lang siya noon o kaya'y pina ampon sa ampunan o inalila dito. You don't know how much it hurts when I always see her face. Mukha ng demonyo niyang ama ang nakikita ko kaya nga'y kung maaari lang ayoko siyang makita pero dahil ang katotohanang anak ko pa din sya, binibigay ko pa din ang pangangailangan niya. Binigay na nga ng daddy mo ang apelyido nito sa kanya para maging legal na din siyang anak.So tell me, hindi ba pagmamahal ang binibigay ko sa kanya?'' Kalma ngunit iritadong sagot ni mommy.

Broken AngelWhere stories live. Discover now