Chapter 2 - Bus

15 1 0
                                    

''Sorry anak, hindi kita maisasabay ngayon. Nasa talyer ang sasakyan ko hindi ko alam kung bat biglang ayaw umistart. Okay lang ba kung magcommute ka muna?'' Tanong sakin ni daddy.

''Okay lang po dad'' No choice ako eh. Kahit di ako sanay magcommute. Nag leave kasi ang driver namin kaya si dad yung naghahatid samin niate. Kaya lng sinumpong bigla yung sasakyan ni daddy. Hay malas. Ang dami ko pa namang dala.

''Si ate po pala?'' Tanong ko.

''Nauna na siya, alam mo naman yun busy sa rehearsal ng banda nila dahil sa nalalapit na battle of the bands sa school niyo''

Oo nga pala. Pero nakakatampo na to si ate ah. Di na kami nagkakasabay sa pagpasok.

''Ang daya naman ni ate. Di ako hinintay'' Nakasimangot kong sabi.

''Ginigising ka niya kanina pero hindi ka nagising.  Sobrang sarap ng tulog mo eh'' Sabi ni dad habang natatawa.

'What's funny dad?''

''Kasi naman magagalit galit na di sinasabay ng ate, eh siya naman tong tulog mantika at naka nga-nga pa!'' Walang tigil na tawa ni daddy.

Nairita na talaga ko. ''Dad!''

Hinawakan niya yung tiyan niya at pinunasan ang takas na luha dahil sa pagtawa. ''Sige na, titigil na. Nagagalit na ang prinsesa ko eh'' At kinurot nya ang pisngi ko.

Umiling na lang ako. Kahit kailan talaga may pagka isip bata si dad.

Nagpaalam na ko kaila mommy at daddy after kong magbreakfast. Nagmadali akong sumakay ng jeep papuntang terminal ng bus. Sigurado akong punuan ngayon ang bus at madaming pasahero dahil Monday ngayon at rush hour pa. Kailangan kong maka upo.

Pagkadating ko sa bus stop, nairita agad ako sa dami ng mga pasaherong nag aabang. Maka upo pa kaya ko nito? Di bale makikipagsiksikan nalang ako para agad akong maka akyat sa bus at maka upo.

Matiyaga akong nag hintay kahit na medyo naiinip na ko. No choice naman kasi kung mag iinarte pa ko. 

After 20 minutes, dumating na yung bus. Tulad ng inaasahan,gitgitan ang lahat maka akyat lang sa bus. Syempre di ako nagpahuli.

Matagumpay akong naka akyat agad. Ngunit feeling ko nasayang ang effort ko sa pakikipag gitgitan dahil wala na atang vacant na upuan. May mga iba pang nakatayo.

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong bus at may napansin akong vacant na upuan sa may bandang dulo kung san may naka upong lalaki na nakaheadset, naka bonnet at naka shades. Napangiti ako dahil sa wakas, makaka upo na ko! Bigat kaya ng mga dalahin ko!

Agad akong pumunta sa pwesto ng lalaki. Naka lagay sa vacant na upuan yung gitara niya kaya nagsalita ako.

''Ah, kuya, pwede bang paki tabi muna ng gitara mo? Uupo sana ko. Madami kasi akong dala eh'' Sabi ko sa kanya.

Ni hindi man lng tumugon yung lalaki sa sinabi ko. Oo nga pala, naka headset siya.

Kinalabit ko siya para marinig niya ko. Tinanggal niya naman yung headset niya kaya agad akong nagsalita ''Kuya, pwede patabi muna ng gitara mo? Uupo kasi sana ako. Madami kasi akong dala eh''

''Nakita mong may gitara diba? Kaya nga walang nagtatangkang umupo diyan dahil may nakalagay na gitara. Tss!''

Nag init agad ang ulo ko sa narinig. Wala na ba talagang gentleman ngayon?

''Eh hindi naman kasi lagayan ng gamit yang upuan na yan. Kaya nandiyan yan para upuan ng mga pasahero. Binayaran mo ba yung upuan na yan?'' Asar kong tanong sa kanya.

''Hindi'' Walang gana niyang sagot.

''Yun naman pala eh! So tanggalin mo yang gitara mo at uupo ako!'' Nabibiwisit na talaga ko sa lalaking to!

''Tumayo ka na lang. Nakalaan na yang upuan na yan para sa gitara ko. Nauna ako sayo dito sa bus kaya ako ang masusunod''

Ano raw? Siya daw ang masusunod?

I fake a laugh ''Hahaha! Wow! Talaga lang ah? Pag aari mo batong bus? Tanggalin mo yang gitara mo kung ayaw mong ako ang magtanggal niyan!''

Tinanggal niya ang shades niya at tinignan ako ng masama.''You know what, you're so noisy and annoying!'' Inirapan niya ko at tinawag niya yung konduktor ''Babayaran ko na tong upuan para ilagay ko na dito yung gitara ko. Nangungulit kasi tong babaeng to. Nakaka istorbo na'' Sabay abot niyang pera sa konduktor.

''Sorry Miss, binayaran niya na eh. Hintay ka na lng sa mga bababa'' Sabi ng konduktor at pumunta na sa harap.

''Napaka arogante mo talaga! Aarrgghh! Bwisit!'' Singhal ko sa kanya. Lalo akong nainis dahil si Paolo Escobar pala ang mokong na ito. Kahit kailan talaga napaka yabang! Gwapo nga, wala namang respeto sa mga babae! Puro papogi lang ang alam. Bwisit!

No choice akong tumayo at nilapag yung mga dalahin ko para makahawak sa hawakan. Ang aga aga nasira ang araw ko dahil sa Paolo na to.

Habang tumatagal yung byahe dahil sa traffic, nangangalay na ang likod ko sa bigat ng back pack ko at nangangalay na din ang mga paa ko. Niwala pang bumababa kaya di pa din ako nakaka upo. Peste talaga tong lalaking to. Kung gentleman lang kasi siya di ko to dadanasin eh!

Biglang tumunog ang phone ko kaya bumitaw ako sa pagkakahawak para kunin yun sa bag ko. Pero na out of balance ako nung biglang pumreno ng pagka lakas lakas ang driver dahilan kung bakit napunta ako kay Paolo Escobar!

''What the! Umayos ka nga! You're so clumsy!'' Asar niyang sabi. Bahagya niya kong tinulak at inayos ang medyo nagusot niyang uniform. Wow lang huh?

''Clumsy? Kasalanan ko bang pumreno bigla yung bus?'' Sigaw ko sa kanya dahil asar na asar na ko.

''Will you stop yelling at me? Kanina ka pa! Hindi ako makatulog sayo. Ang ingay ingay mo. Tsk! Annoying'' Iiling iling pa siya.

''Gago ka pala eh. Simula't sa pul ikaw ang may kasalanan dahil napaka GENTLEMAN mo. Leche ka! Matapilok ka sana pagka baba mo ng bus!''

Kinabit niya yung headset sa tenga niya sabay sabi ng''whatever''

''Pa shades shades pa. Eh nasa loob naman ng bus. Maka papogi lang eh. Ikakagwapo mo na yan? Tss!'' Sigaw ko sa kanya nagbabakasakaling marinig niya ang mga sinasabi ko pero dedma lang siya.

Naalala kong kaklase ko pala mamaya ang mokong na to kaya makikita ko nanaman yung mayabang niyang pagmumukha. Kung mamalasin ka nga naman. Ugh! I hate this day!

Maya maya ay dumating na ang bus sa school kaya dali dali akong pumara. Pagka baba ko ng bus, pababa naman si Paolo yabang. Hindi ko na sana siya papansinin pero napansin ko siya dahil sa katangahan niya.

''What the fuck? Shit!'' Sabi niya habang hawak hawak ang paa niya.

Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil ang bilis ng karma.Natapilok nga siya saktong sakto sa pagka baba niya ng bus.

''Will you stop laughing?'' Sigaw niya sakin.

Hinawakan ko yung tiyan ko dahil sobrang sakit na nito kakatawa. ''Bilis t-talaga ng k-karma! Hahahahaha!''

''Damn it!'' Pagmumura niya. Sobrang sakit ata kasi ng paa niya.

''Hay. Ang tanga kasi. Ingat ingat din kasi minsan. Oh pano,una na ko sayo. Thank you Paolo Escobar you made my day! LAMPA! HAHAHAHA!''

''W-what did you just say?'' Sigaw niya sakin.

Hindi ko na siya pinatulan at agad na kong naglakad paalis.Nagwave na lang ako sa kanya habang naglalakad.

Narinig ko pa ang huli niyang sinabi ''Annoying girl!''

Napa iling na lng ako. ''Good for you. Yabang kasi''

Broken AngelWhere stories live. Discover now