Chapter 4 - Problem

11 1 0
                                    

Nang makauwi ako sa amin ay agad akong tumungo sa kwarto ni ate. Sarado ang pinto kaya kumatok muna ako. Naka tatlong katok ako bago nya ako pinapasok.

"Bakit, Les?" Masigla niyang tanong.

" A.. eh .." Pano ko nga ba sisimulan?

"A-are you okay?" Nag-a-alalang tanong ko .

"Of course I am! What kind of question is that?" Halakhak niya.

Feeling ko di siya okay at nagpapanggap lang siyang masaya kaya ganito ang asta nya. "Y-you know I'm always here if you have a problem ate. We're sisters! Mas matatag pa sa bestfriends! Kaya wag ka nang mag-alinlangang mag open sakin" Hinaplos ko ang buhok niyang natural ang bagsak, may pagka brown at natural na shiny.

"Hay Les, kung yung tinutukoy mong problema ay yung sa banda ko, yes, umalis na ko sa Fouth Melody"

Sinasabi ko na nga ba! But why?

"Nakita ko nga ate sa bulletin na naghahanap sila ng new vocalist. P-pero bakit ka umalis?"

"Mas gusto ko nang mag focus sa studies ko. I'm having a hard time kasi kung paano pa pagsabayin ang pag-aaral at pagbabanda ko"

So that's the reason, huh? Kung totoo man ito, bakit ngayon niya lang ginawa? Bakit hindi pa noon? I'm still not convinced.

"Pero alam ko kung gano mo kamahal ang Fourth Melody. Madaming fans niyo ang nadismaya sa pag-alis mo.''

"Les, pwede naman ako bumuo uli ng sarili kong banda or mag solo. May tiwala ako sa talent ko. Hindi pa to ang katapusan ng mga pangarap ko at naniniwala akong may tamang panahon para dun. Sa ngayon, gusto kong mag focus muna sa pag-aaral, para pag magtatrabaho na ko sa company natin, ready na talaga ako, at papatunayan ko ang sarili ko kay mommy'' 

Sa sinabi ni ate, halatang may sama siya ng loob kay mommy. Ramdam ko ang galit at lungkot sa boses niya. Napa buntong hininga ako sa sinabi niya. Sabagay, tama siya. Kailangan niyang mag ready para pag magtatrabaho na siya sa kompanya namin ay mapatunayan na niya ang sarili niya kay mommy.

"Basta ate kung san ka masaya, dun ako. I'm always here for you."

" I know sis. Thanks for that"

Pagkatapos namin mag-usap ni ate ay ginawa ko muna ang mga homeworks ko. Nang matapos ko ang lahat ay nag decide akong mag shower bago matulog. Pero kahit anong gawin ko, di ako madalaw dalaw ng antok.

Iniisip ko si ate. Wala na siya sa Fourth Melody. Paano kaya yun? Malaki ang asset niya sa banda. Siya nga nagdadala nito eh. Isa din yung banda nila sa dahilan kung bakit lalong sumikat ang university namin.

Ngayong wala na siya, paano na? Maninibago ang mga fans sa kung sino man ang papalit sa kanya. Madaming magbabago, baka mawalan na ng gana ang mga fans.

Sana lang ay kasing galing ni ate yung papalit.

Kinuha ko ang phone ko at inopen ko ang facebook account ko. May friend request sakin. It's from Kobe. Inaccept ko dahil magkaklase naman kami. I don't actually accept friend requests lalo na kung di ko kilala.

Kahit medyo weird itong si Kobe ay mas gusto ko naman ang ugali niya kaysa kay Paolo. Paolo's snobbish, bad boy, presko, at GGSS. Well, gwapo naman talaga kaya lang yung ugali eh. Di ko maintindihan kung bakit madaming nababaliw sa kanya.

"Girl! Wala na yung ate mo sa Fourth Melody! Naghahanap sila ng new female vocalist!" Chat sakin ni Chloe.

Kalat na kalat na talaga ang balita.

Agad akong nagtipa ng sagot.

"Oo, alam ko na yan kanina pa. Nakausap ko na din si ate about diyan"

Agad na nag reply si Chloe.

"Eh bakit daw siya umalis?! Naku madaming nagpoprotestang fans! Nakita ko sa facebook page nila! Kahit sino pa daw ang ipalit sa ate mo ay di nila susuportahan dahil si Lian lang daw ang the best na vocalist ng Fourth Melody! Almost half of the fans di na daw susuportahan ang banda hangga't di bumabalik ang ate mo!"

Hinilot ko ang sintido ko. Bat ba pati ako nasstress sa Fourth Melody?

"Eh anong gagawin ko? Final na desisyon ni ate eh!. Bukas ko nalang ikikwento kung bat siya umalis. Mahabang istorya"

"Anong gagawin mo? Edi i-convince mo ate mo na wag na umalis!"

"Baka ma convince? Alam mo naman si ate pag nag desisyon na siya, di na mababago yun lalo na sensitive yung reason. Pwede ba Chloe, ayoko problemahin yan. Labas na ko diyan"

"Ay wag selfish friend. Kawawa university natin. Kawawa ang fans, at kawawa ang maiiwan na bandmates ng ate mo! Makakaya mo bang bumagsak yung inumpisahan na pangarap ng ate mo?"

Sumasakit ang ulo ko! Nag log out nalang akodahil di papatalo si Chloe. Pero ano nga bang gagawin ko? Kahit papano'y tamasi Chloe. Should I convince ate? Pero, paano?"    

Broken AngelWhere stories live. Discover now