Chapter 3: New Things to Deal

22.4K 411 13
                                    


Four years ago...

Unang linggo ko sa university na pinapasukan ko. Hindi ko maitago ang excitement dahil nakabalik na din ako sa pag aaral pagkatapos ng limang taon natumigil ako.

Medyo kinakabahan pero mas nangingibabaw ang saya at excitement.

Sa unang linggo ko, nakalimutan ko ang pangungulila sa kanya dahil naging busy ako. Sobrang focus ako sa pag aaral. Hindi ko mabitawan ang libro ko sa mga unang linggo ko kasi takot ako bumagsak at mawala ang scholarship ko.

Pero nung higit isang buwan na, nagbago ang lahat. Actually, hindi naman pala nagbago, may nag iba lang.

Habang pauwi na ako papunta sa dorm ko na malapit sa school, may isang kotse na tumigil sa harapan ko. Nagulat ako at nabitawan ko pa ang libro na dala ko. Pero mas lalong nagulat ako nung makita kung sino ang lumabas mula dito.

"Keith?"

May halong gulat at saya ang pagkasabi ko ng pangalan niya nung makita ko siya.

Parang nawala bigla ang lahat ng lungkot na naramdaman ko nung umalis ako sa bahay nila dahil hindi man lang kami nakapag usap. Mahigit isang buwan din na hindi ko siya nakita.

Akala ko hindi ko na siya makikita ulit pagkaalis ko ng bahay nila dahil nagalit siya sa desisyon ko kaya sobrang saya ko na nandito siya ngayon sa harapan ko.

"Ria, can we talk?"

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya o iniisip niya dahil seryoso lang ang mukha niya pero ako, nakangiting tumango lang sa kanya.

"Saan tayo mag uusap?" Nakatangong sagot ko na may ngiti sa labi.

"In the coffee shop na malapit dito."

Sumakay ako sa kotse niya at pumunta kami sa coffee shop na sinasabi niya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko simula makita ko siya at pati ngayon na kaharap ko siya at magkasama kami dito sa coffee shop ay todo ngiti ako sa sobrang saya.

Pero si Keith, ang weird ng reaction niya. Nagtataka siguro siya sa akin bakit todo smile ako habang siya ay parang kinakabahan na nahihiya. Bakit kaya ganyan siya?

"Your smile is making me uncomfortable," simula niya nung dumating na ang coffee na inorder niya habang ako ay nag-order ng frappe.

Nawala ang ngiti ko pagkasabi niya nun.

Akala ko gusto niya ang ngiti ko bakit ngayon hindi na siya comfortable?

Nalungkot ako bigla. Bigla ko kasing naisip na baka nagpakita siya sa akin para tapusin na lahat at formal ng magpaalam sa akin?

Bigla tuloy nawala ang saya ko.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko na medyo mahina ang boses.

Uminom muna siya ng kape niya saka tumingin sa akin. "Ria, gusto kong mag-sorry for acting like an immature man the last time we talked."

Tumango ako at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kinakabahan ako baka talagang tatapusin na niya ang sa amin.

Ganun naman sa mga movies, diba? Magso-sorry ang lalaki sa babae tapos sasabihin na break na sila?

"Gusto ko din malaman mo na nagsisisi ako for acting like that. Sinubukan ko maging matigas baka sakaling magbago ang isip mo at makinig ka sakin, but I was wrong. I forgot that you're a different woman. You follow and fight for what you feel is right in your heart," napapailing na sabi niya. "Akala ko hahabulin mo ako like what women always do, but you didn't. It turns out na ako pala ang maghahabol," natatawang sabi niya saka sumeryoso. "Those 6 weeks without you in my life were the most dreadful feeling I ever had. I realized na hindi ko pala kaya na wala ka, hindi ko kaya na hindi kita nakikita. Kung alam mo lang kung ilang pride ko ang binaba ko para lang pumunta dito at humingi ng tawad sayo. It took me days to gain courage to face you and put all my guards down."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now