Chapter 36: Vote Out

18.1K 429 14
                                    


Ria's POV

Days spent with Keith were the happiest days I had in my life so far.

We were making up for the lost times. We had so much fun together. I took Keith out for two days. Sinabi ko na kailangan niya magpahangin at lumayo pansamantala sa problema kahit dalawang araw lang para makapag isip-isip siya. Ayaw niya pa sana kasi naman ayaw niyang iwanan ang problema pero nakiusap ako sa kanya na kahit dalawang araw lang at mabuti pumayag siya. Naaawa na kasi ako sa kanya. Halatang stress na stress siya.

Dinala ko siya sa isang beach resort na kaming dalawa lang ang tao. Dahil walang tao at tahimik ang lugar ay nakapagsolo kami at nakapag-isip siya. Yun naman talaga ang plano ko, ang tulungan siya na mag-isip ng ikabubuti para sa kompanya niya.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa posibilidad na alam kong ayaw niya mangyari, ang mawala ang kompanya sa kanya. He didn't respond when I opened up that topic. Halatang ayaw niya pag usapan.

I did everything para mapagaan ang loob niya. Sinabi ko na kahit mangyari yun, hindi namin siya iiwan. Na kahit anong mangyari, pamilya niya parin kami.

Nakinig naman siya at naunawaan niya pero alam ko na sa loob niya ay may panghihinayang siya sa kung yun nga ang mangyayari. Ginawa ko lahat para pagaanin ang nararamdaman niya.

Maganda pala sa feeling na nagbakasyon kaming mag asawa. We made up for the lost times at saka nagkaron kami ng madaming oras para makapag-usap.

Time went buy quickly. That vacation happened two weeks ago. Marami na ang nangyari nitong mga nakaraang araw after ng vacation namin. Naging busy ulit si Keith sa trabaho dahil napakadami niyang meeting nitong nakaraan. Pero ngayong araw ang pinaka importante dahil magdedisisyon na ang mga board. Ibig sabihin, kailangan na ni Keith harapin ang problema. Hindi ko alam kung sapat na ba ang ilang araw na paghahanda namin para sa araw na ito.

Nandito kami ngayon sa company. May meeting kasi ang lahat ng board members. Pangatlong araw na ito ng meeting nila at ngayon na malalaman ang final decision nila.

Sinamahan ko si Keith dahil sinabi ko na gusto ko siyang suportohan. Nandito lang ako para palakasin ang loob niya ano man ang magiging kalabasan ng meeting nila.

Huminto kami pareho nung nasa labas na kami ng conference room.

"We're here," sabi ko.

Humarap siya sa akin at napabuntong-hininga ng malalim bago nagsalita, "I have an idea of the possibility of what they will be going to say in this meeting."

Kahit wala ako masyadong alam tungkol sa negosyo, kahit papaano ay may idea naman ako kung ano ang maaaring sabihin nila sa meeting. Hindi kasi maliit na pera ang pinag uusapan dito.  Sigurado na magiging mabigat ang desisyon nila.

Nginitian ko siya to encourage him. "Pangako mo, ano man ang maging resulta, sasabihin mo sa akin ang nararamdaman mo pagkatapos ng meeting na ito."

Tumango siya na kinangiti ko lalo.

"Sir, kayo nalang po ang hinihintay sa loob," sabi ng secretary niya. "Hello po, maam," bati naman nito sakin.

"Hello din. Kamusta kana?"

"Okay naman po. Balik po kayo lagi dito, maam. Sama niyo din po sana ang mga bata. Miss na namin sila."

"Sure." I smiled at her.

Hinawakan ko ang isang kamay ni Keith. Tumingin siya sa akin at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nginitian niya din ako pero alanganin. Kinakabahan siya, alam ko.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora