Chapter 30: Finality

16.3K 443 30
                                    


Tama nga ako. Umiiyak si Kelly nung dumating ako sa school niya. Hanggang sa makauwi na kami ng bahay ay iyak parin siya ng iyak.

"Akala ko hindi niyo na po ako susunduin, mommy. I was so scared," malungkot na sabi niya sa akin.

Naaawa ako sa anak ko.

Hanggat maaari ay ayaw kong maramdaman niya ang ganyang pakiramdam pero hindi ko naman hawak lahat ng pwedeng mangyari sa kanya.

Gusto ko tuloy sisihin si Keith. Siya ang ama at ang kadugo ni Kelly pero hinayaan niya na mangyari ito kay Kelly.

Mabuti nalang nung pagkatapos ng ilang beses na pagcomfort ko sa kanya at pagsabi ko na hindi na mauulit ay tumigil na rin siya sa kakaiyak.

Pumasok na kami sa bahay habang karga ko siya dahil nakatulog ito habang nasa byahe marahil dahil kanina pa siya umiiyak. Napagod siguro kaya nakatulog. Ang laki na ni Kelly kaya ang bigat na niya para kargahin pero wala akong magagawa. Ayoko naman gisingin siya.

Pagod na pagod narin ako dahil kanina pang umaga ako nakatayo sa hospital at nag-overtime pa ako ng ilang oras. Mabuti nalang at kinaya ko paring kargahin si Kelly.

Mamaya nalang ako magpapahinga pagkatapos kong asikasuhin ang anak ko.

"Ria! Kelly!"

Napahinto ako nung makita kong sinalubong ako nina lola at mommy.

"Shhh," saway ko dahil may kalakasan ang boses nila. "Baka magising si Kelly."

Tumango naman sila tanda na nauunawaan nila ang ibig kong sabihin. Nakita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala. Alam ko na agad kung bakit.

"Ilagay mo muna si Kelly sa kama niya," sabi sakin ni mommy na agad ko namang ginawa.

Inexercise at minassage ko muna ang mga braso ko pagkatapos kong ilagay si Kelly sa higaan dahil nangalay ito dahil sa pagbuhat kay Kelly at sa pagod sa trabaho.

Parang gusto kong mag-dive na sa kama nung makita ko ito pero hindi pa pwede dahil may naghihintay sa akin sa labas ng kwarto na ito.

"Lola, Mommy, okay lang ho kami dito. Salamat po sa pagbisita," umpisa ko nung makaupo na ako sa couch na kaharap nila.

"Sumugod kami dito ng lola mo dahil tumawag sa amin si Nine nung hindi ka niya ma-contact dahil wala parin daw si Kelly sa bahay. Pati si Keith ay hindi ko ma-contact. Akala namin kung ano na ang nangyari sa apo namin."

Hindi ko alam ang isasagot ko kay mommy. Sobrang naiinis ako kay Keith at sobrang naaawa ko kay Kelly. Nahihiya din ako kina lola at mommy dahil nadamay pa sila at sobrang nag-alala para kay Kelly.

Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko mapigilan na hindi umiyak dahil parang sasabog na lahat ng emosyon ko.

"Ria..."

Tumingin ako kay mommy. May awa na nakapaskil sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin saka ako niyakap.

"I'm so sorry sa lahat ng sakit na idinulot ng anak ko sayo. I'm so sorry. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya kaya siya nagkakaganyan. If I can only change him for you and my grandkids."

Umiling ako. "Wag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Desisyon po ni Keith ang maging ganun siya. Ako nga po ang dapat magsorry sainyo dahil feeling ko ay hindi kami naging mabuting magulang at mabuting halimbawa sa mga apo niyo. Lalo na sa nangyayari ngayon," sabi ko habang pumapatak ang mga luha ko.

"No. No. Don't say that, hija. Wala kang pagkukulang." Kinulong niya ang magkabilang pisngi ko sa mga kamay niya. Magkaharap na kami ngayon. "Nakita ko kung gaano ka naging mabuting ina sa mga apo ko. Nakita ko kung gaano mo sila kamahal at kung paano mo sila alagaan lalo na si Kelly na kahit hindi mo man totoong anak ay tinuring mo parin siyang anak mo. Masaya ako na namamana nila ang mabuting ugali mo, Ria. Ang swerte namin sayo."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt