KABANATA II

10.5K 346 68
                                    

Nakahinga ako nang maluwag, safe ako sa araw na ito. Ipinasa ko kasi ang write-up ni Jia kanina sa office ng The Justice Courier at saktong wala si Mnemosyne Deogracia dahil may pinuntahan daw itong importante. Edi, mabuti. Ang ganda tuloy ng umaga ko lalo pa at Sabado ngayon.

Ngiting-ngiti pa akong naglalakad palabas ng JSU nang biglang may humarang sa daan. Walang iba kundi si Miah, the bird. As usual, nakasuot na naman siya ng maong na kupas, Levi's 'ata ang brand, at red shirt na may  malaking Lion-Tiger katol print sa harapan nito. "Himala at hindi ka naka-Tide bar, kaunting kusot todo-puti na ngayon?"

"Ano ka ba, nilabhan ko muna. Si Lion-Tiger ang sponsor ko ngayon. Okay ba?" At umikot pa siya na parang wheel of fortune sa suot niya. Nag-thumbs up nalang ako para matapos na. "Anyway, samahan mo nga ako."

"Saan ba?"

"Doon," nguso niya na hindi ko naintindihan. Ano bang gusto niya, kiss? Ngumuso rin ako. "Tonta, hindi kiss ang gusto ko."

Inismiran ko siya, "eh, bakit ka ngumuso? Buhay ka pa naman, 'di mo need ang CPR."

"Kahit CPR, ayaw ko. Basta, sumama ka lang sa akin. May pupuntahan ako at alam kong wala kang klase ngayon, sasamahan mo ako."

"At bakit naman?" taas-kilay na tanong ko.

"Kasi BFF things itong gagawin natin, okay? Sumama ka na. Wala rin naman si Jia kasi nasa immersion siya, wala kang kasama. Boring mag-isa ngayon kasi all things come in pairs."

"Sino may sabi?"

Umirap siya sa akin. Natawa ako, nagmamaldita ang ibon. "Sige na, may bayad itong pupuntahan ko. Pag-uwi natin, libre kita riyan sa may burger station ni Aling Bebang." Natakam ako bigla, na-miss ko ang masarap na burger ni Aling Bebang sa may kanto ng plaza. Ang laki kasi ng patty, isang tikim pa lang mabubusog ka na. "Yes, payag na siya!"

"Tse, alam mo lang paano ako kunin, eh."

Inakbayan niya ako, medyo tumingkayad pa nga kasi may kaliitan siya kompara sa akin. Kahit may kaunting dagdag tangkad ang suot niyang sapatos ay matangkad pa rin ako sa kaniya. "Ang alam ko, nakuha kita sa CR," asar niya.

"Bibig mo," saway ko. Pinagtinginan tuloy kami ng ibang mga estudyante na kasabay naming lumabas ng JSU. Hinila ko na siya palayo at baka kung ano pa marinig naming dalawa na nakakasuka. "Pangit mo kausap, Miah bird. 'Lika na nga."

Lulan kami ng jeep ngayon na magdadala sa amin sa isang private village na nasa pinakaunang lupain ng siyudad. Alam ko ang lugar na pupuntahan namin, doon kasi nakatira ang pinsan kong si Lucian Braganza. Doon din kami nakatira dati pero no'ng maghiwalay ang mga magulang ko ay sumama ako kay Papa na umuwi sa Cadiz. Si Mama naman ay nasa ibang bansa na, iyong step-son niya lang na si Jaime ang narito sa bansa. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng Gaea Extension ay hindi ko maiwasang kabahan. Nakalimutan ko kasing doon din nakatira si Mnemosyne Deogracia, at hindi lang siya kundi pati ang buong angkan ng mga Sinclair.

Tanda ko pa dati no'ng unang apak ko sa JSU three years ago, bigla ba naman akong kinidnap ng mga pinsan niya. Pasimuno iyong Silver Sinclair na halos bugahan na ako ng apoy sa tindi ng galit niya sa akin. Iniwan ko raw kasi sa ere si Mnemosyne. Fake news ang babaeng iyon, ako nga ang niloko tapos ako pa ang gagantihan. Tsk, kapag naalala ko talaga 'yon ay gusto kong sabunutan si Silver hanggang sa makalbo siya. Hanggang ngayon ay abot-langit pa rin ang inis ko sa kaniya.

"O, sa Clemens diyan, dito na tayo," sigaw ni manong driver.

Pagkatapos naming magbayad ay bumaba na kami. In-unat ko muna ang dalawa kong binti na hindi ko naigalaw kanina sa sobrang siksikan. Alam kong walo ang kasiya sa bawat bench pero iba-iba naman ang body shape ng mga sumakay, kaya kahit na anim lang ang kasiya, pinagsiksikan pa na walo talaga. Kaya ang siste ay naging sardinas kami sa loob.

Mnemosyne Deogracia (Unedited)Where stories live. Discover now