EPILOGUE

13.3K 364 235
                                    


Third Person POV

"Brrr! The weather is getting cold na. I can't wait for Christmas break."

"Oo nga. Where will you spend your Christmas?"

"Hindi ko pa alam kay Dad eh, but I have a hunch that we will be going to Ireland." Sagot ni Andrea.

"Ireland? Why?"

"Remember my cousin Aine?" She nodded. "Well, it's her birthday and Tito Arthur invited us."

"Ohh..."

"Have you found her?"

Umayos siya ng upo. Sila lang dalawa ni Andrea ngayon ang nandito sa Mystic Lounge. They've decided to open the bar again but they've doubled the cameras at mahigpit na ang seguridad dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari.

"No sign of her." She sighed. "Walang silbi yung kinuha kong PI, he can't trace her whereabouts." 

"What really happened there, Nemo? Sigurado ka bang wala ka talagang naalala?"

Umiling siya. "I just remembered witnessing A-angela s-shot herself in f-front of me and..." She cleared her throat. "And, wait; there was someone with me at that time. Arrgh!" Ginulo niya ang kanyang buhok. "Hindi ko na maalala..."

"Well, Dione told me that she saved you."

"Did she?"

Andrea shrugged. "Yun ang sabi ni DJ but thanks to her, you're alive."

"I need to see her."

"Why?"

"Kasi I-I, ah basta! Kailangan ko siyang makita. Yun lang."

Andrea arched her brow. "Oh really?"

"Tss. Anyway, ikaw na muna ang magbukas, bibisitahin ko na muna siya."

"Okay." Andrea hugged her. "Ingat ka, Nemo."

"I will, Mrs. Rodriguez."

Sumimangot ito kaya napatawa nalang siya. She bid goodbye and drove herself to visit her sister.

Pagkarating niya sa sementeryo, bumaba agad siya sa kanyang sasakyan at kinuha ang biniling bulaklak sa backseat. She stopped in midway when she saw someone inside the mausoleum. Na-curious siya kaya naisipan niyang lumapit.

"Mami-miss kita kahit na sandal lang tayong nagkakilala. At kahit na nalaman kong ikaw yung puno't-dulo ng lahat, ikaw pa rin ay kaibigan ko." Huminga ito ng malalim. "So long, my friend."

Humarap ito sa kanya at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagsino ang bumisita sa kapatid niya.

It's almost two weeks since she woke up at dalawang linggo na rin niya itong hinahanap.

"Nem?" Untag nito.

Bigla siyang nataranta sa paghawak nito sa braso niya. "H-ha?"

"A-ah ano..." Napakamot ito sa batok. "A-aalis na a-ako, b-binisita ko l-lang siya. S-sige." Paalam nito saka siya nilagpasan.

"Wait." She finally said. "Wait for me." Tumango lang ito.

Inilagay niya ang bulaklak sa puntod ni Angela. She started crying again pero unti-unti na rin niyang natatanggap na wala na ito. She offered a small prayer at lumabas na.

Nakita niyang nakatayo ito sa may puno ng manga na tila malalim ang iniisip. She quickly approached her.

Louisse squeaked a bit when she saw Nemo in front of her.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Kinabahan ako sa iyo!"

She smiled and studied Louisse's face. She frowned because of the visible cuts and bruises implanted on her face. Hinawakan niya ang isang sugat malapit sa labi nito. Napaigtad ito at napangiwi dahil sa sakit.

Mnemosyne Deogracia (Unedited)Where stories live. Discover now