XVII

7.5K 284 157
                                    

Louisse Gorgonio

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang patuloy sa pagkulog, pagkidlat at pagluha ang kalangitan. Mukhang may paparating siguro na bagyo or trip lang talaga ng langit na umiyak.

Hays. Tsk.

Di ba dapat masaya ako? Kasi may closure na kami after so many years. I should be happy, right? Pero kabaliktaran ng lahat ang nararamdaman ko.

I felt this sudden emptiness. Yung tipong walang makakapuno sa kahungkagan ng puso ko.

Tsk.

"Mish?"

Fine. Binabawi ko na.

"Ano daw balita?"

"Baka bukas pa daw titila ang ulan. The heavy rain is caused by ITCZ. May nakikita silang namumuong bagyo southeast ng La Carlotta kaya apektado tayo dito."

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

Malabo talagang makauwi ako sa dorm ngayon. Sobrang traffic na sa Pirate blvd., at hanggang bewang na daw ang baha.

Tsk. Paano ako makakauwi sa Cadiz nito? Paano na ang birthday ni Kulit? Ang mga gifts? Ang kahirapan? Ang ekonomiya ng Pilipinas?

"Mish!"

"H-huh?"

"You're spacing out. Kanina pa kita kinakausap pero mukhang wala ka naman dito sa Earth."

"Sorry. Nasa Mars kasi ang utak ko."

She laughed at my lame joke. "Oh, Amber. You still haven't changed a bit. Nakakatawa pa rin yung corny mong mga jokes."

"Uh, may charger ka ba?"

"Yep. Wait, kunin ko lang."

"Bakit mo kukunin?"

"Kasi hihiramin mo?"

"Wala naman akong sinabi. I just asked you."

"Oh. Okay, then."

"Joke lang. Pahiram talaga. I need to talk to Ate right now. Please?"

"Sure. Wag ka ng magpa-cute dyan. Nagmumukha kang pusit dyan."

"Wtf?"

"Language." Nag-make face lang ako saka umupo sa sofa. Pumunta naman siya sa isang kwarto.

Tinawagan ko na muna si Hans.

"Tol, mukhang di ako makakauwi sa dorm. I'm at Rafiq Skyway."

"Ganun ba? Kakauwi ko nga lang din. Iniwan ko na yung kotse ko. Taas na ng baha eh."

"Tutuloy ka ba sa pag-uwi?"

"Hindi ko alam. Maybe? I'll just the gifts through package nalang."

"Oh. Isama mo na rin yung akin, Hans. Please."

"Susi mo?"

"Kay Kuya Guard mo nalang hingin. Just tell him."

"Sige. Sige."

"Salamat."

I ended the call and I was about to dial my sister's number when my phone shut down.

"Oh great.."

"Oh. Heto na." She handed me the charger.

"Salamat." I charged my phone. "Sira ba charger mo?"

"Ha? Hindi ah."

"Bakit hindi naandar?"

"Baka yung cp mo?"

"Ewan. Can I borrow your phone?"

Mnemosyne Deogracia (Unedited)Where stories live. Discover now