XI

7.1K 254 52
                                    

Louisse Gorgonio

Nadatnan kong umiiyak ang pinsan kong si Jia. Hindi niya napansing nandito na ako dahil patuloy pa rin ang kanyang iyak.

"What happened?" Gosh!

Puno ng beer in can ang center table at kung ano-anong junkfoods.

"Jia! Kailan ka pa natutong magdala ng mga alak dito sa dorm? Alam mong bawal yan!"

Tch. Wala man lang itinira sakin. Grabe. Lasengga talaga.

"Hey, Ji. Bakit ka umiiyak?"

"W-wala..."

Wala pero humihikbi pa rin siya.

"Wanna talk about it?"

"M-maybe next time, c-couz..." Namamaos na ang kanyang boses.

Kanina pa siguro to umiiyak. I sighed. Mukhang malaki ang problema niya, isang dosenang beer lang naman ang naubos niya. Gg atay.

"Magpahinga ka na. Ako na nag maglilinis nito."

I covered half of her body with her blanket and kissed her hair.

I changed my clothes muna bago ko sinimulang linisan ang mga kalat.

......

Mission accomplished! Natapos na din sa paglilinis, nilakasan ko ng bahagya ang aircon dahil naiinitan ako. Kinuha ko ang laptop ko at pinanuod muli ang mga videos, inisa-isa ko sila.

Mga 15 minutes ang lumipas pero wala pa rin akong nakita man lang, last na tong pinapanuod ko and still, no sign of swerte. Ibabalik ko na sana ang laptop sa bag ko nang may mahulog na isang video card mula sa bag ko. Binilang ko ulit ang mga v-cards pero sakto naman kasama na ang nahulog.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "May isa pa?" Binuhay ko ulit ang laptop ko at isinalang ang card sa isang memory card reader.

Tumambad sakin ang isang video. "Mystic Lounge..." Usal ko.

Parang nakalagay ang CCTV sa may parking lot ng Mystic Lounge at bakit ngayon ko lang nakita to? Ilang ulit ko na silang pinanuod pero ngayon lang to lumutang.

Sa video, nakikita kong may nag-park na sasakyan, lumabas ang sakay nito, si Kierra? Ni-rewind ko saglit and paused it. Oo, tama, si Kierra nga; yung blue hair niya kasi ang nagdala kaya natukoy ko siya agad. Nakatayo lang siya sa labas ng kotse niya at nakatingin sa phone niya.

Maya-maya, may mga lalaki na lumabas na parang may buhat-buhat? I paused the video ang zoomed it pero hindi ko masyadong ma-klaro ang mga mukha nila. It's pixelated na kasi. Ipinasok nila sa trunk ang isang...ano yun? Bag?

"Shit..." Ang dilim kasi!

Inilapit ko ang mukha ko sa monitor baka sakaling may makuha pero hindi kaya. I play the video again, mukhang napansin ni Kierra ang mga lalaki kaya siya ay lumapit. Kinausap niya ang mga ito. Sobrang tutok na tutok talaga ako, ayokong may makaligtaang maliit na detalye.

"Anyare?"

Naging black ang monitor ko.

"Shit..." Geez! Sana hindi virus.

I'm about to unplug the reader when the video played again.

"Huh?"

Parang na-cut kasi siya, wala na si Kierra at may pumasok na isang tao sa kabilang side ng sasakyan. Hininto ko ulit ang video. What the hell? Is that...? But hindi ako sure, tiningnan ko ang kotse ni Kierra, walang tao sa loob dahil may konting ilaw dun. WTF? Asan si Kierra?

Ilang beses kong inulit ang panunuod sa video, ang hindi ko lang ma-gets ay yung naging blank ang isang part kung san lumapit si Kierra sa trunk ng kotse then bumalik ito sa part na may papasok or papalabas na tao sa kabilang side ng kotse.

Mnemosyne Deogracia (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon