two

1.3K 20 1
                                    

February 14 na, Valentine's day araw ng mga puso, wala kaming pasok ngayon, kasi kailangan namin mag prepare para sa Valentine's party mamaya sa school, parang JS PROM din, pero ang theme ngayon ay Valentine's hindi siya JS PROM

Halos lahat kanina naging busy para sa pag aayos ng school, para sa event ngayong gabi

6pm na ako nakauwi, nagpatulong na ko kay mama para makapag ayos, syempre kumain muna ako, naligo at tsaka nagbihis, sinuot ko yung pink gown na pa-balloon, off shoulder yun, at sa sobrang haba sumasayad sa sahig, nag hills ako ng puti, pero kahit nakahills na ako, di parin kita sa sobrang haba ng gown

Kinulot ni mama ang dulo ng buhok ko, naglagay ako ng konting make up, at after a while tapos na rin ako

Nagpaalam na ako kay mama at hinatid naman ako ni kuya Nico, pinsan ko, exactly 8pm ako nakarating sa school, medyo marami narin ang tao, hinanap ko si Louise pero mukhang wala pa siya, umupo muna ako sa bakanteng table na may apat na upuan

Napatingin ako sa bawat tao, halos lahat sila may partners, napayuko ako, first time kong mag ayos ng ganito, pero nakakalungkot kasi yung kaisa-isang lalaking gusto kong makadate eh may ka-date na iba

" Hi miss may date ka ba? "

Napaangat ang ulo ko at nakita ko ang isang lalaki na medyo matangkad, maputi at medyo gwapo

" ah w-wala, bakit? "

" yes! thanks God I founded you, ah I mean nakahanap ako ng girl na wala ring ka-date "

" b-bakit wala kang date? "

" ah tinanggihan ako nung girl ba inalok ko eh, ah pwede bang ikaw nalang ang date ko? wala rin naman kasi akong ka-date eh, if ok lang? "

Tumango lang ako at ngumiti, umupo naman siya sa tabi ko

" I'm Sam "
sabay lahad ng kamay

" Mary Joy "
inabot ko ang kamay niya para makapag shake hands kami

" so mag isa ka lang? wala ka bang ibang friends na hinihintay? "

" ah w-wala na---! "

" Joy! "

Di ko naituloy yung sinasabi kI kasi biglang dumating si Louise at tunawag ako, ang gwapo niya sa suot niyang black polo

" kanina kapa ba? "

" ah m-medyo "

Tumingin si Louise kay Sam, at bigla ulit siyang tumingin sakin at ngumiti ng nakakaloko

" so may date kana pala? "

" ahmmm---! "

" I'm Sam, you are? "

" I'm Louise, Mary Joy's bestfriend "

Nagshake hands sila, umupo si Louise sa katapat kong upuan

" so Sam ingatan mo tong bestfriend ko ha? mahal na mahal ko yan, kasi kaibigan ko "

Ok na sana eh, dinagdagan pa ng kaibigan? hanggang dun lang ba talaga ako Louise? hanggang kaibigan lang ba? wala ba akong puwang sa puso mo? kaibigan lang ba talaga ang role ko sa buhay mo?

Di niya man lang napansin na ang ayos-ayos ko ngayon? wala man lang Joy ang ganda mo ngayon, kahit yun lang

Napalingon siya sa babaeng palapit sa table namin, at biglang lumawak ang ngiti niya, kumunot ang noo ko

" ah Hi Jamaica "
Louise said

" Hi, late ba ko? "
- Jamaica

" no, magsisimula palang naman eh, ang ganda mo "
- Louise

" thank you "
- Jamaica

" ehemmm "
pagpuputol ko sa convo nila

Hello! andito din kaya ako?! kami?! bakit sila lang ba ang tao? walang ibang napansin? manhid?

" ah by the way, Jam this Mary Joy bestfriend ko, and Sam date niya "
- Louise

" Hi, sorry di ko kayo napansin "
- Jamaica

Wow! di daw napansin?! Heler!!! ang laki kaya namin?! mukha ba kaming dwarf?! numiti lang ako ng pilit

Biglang hinawakan ni Sam ang kamay ko na kanina pa nakayukom dahil sa selos ko, napatingin ako sakanya at nakita ko siyang nakatingin sakin at biglang ngumiti

" ah guys, excuse us, may pupuntahan lang kami "
paalam ni Sam

Tumango lang si Louise, hinila niya na ko patayo at naglakad na siya palayo sa table na kinaroroonan nila Louise

Di ko alam kung bakit, pero hinayaan ko siyang ilayo ako sa table namin, siguro dahil nasasaktan na ako?

Nakaraating kami sa kabilang dulo, medyo malayo sa table namin kanina, pero tanaw parin yun, binitawan niya na ang kamay ko

" are you ok? "
he asked me

" o-ok naman ako ah? teka ba't mo ba ko dinala dito? "

" I know you're jealous "

Nagulat ako sa sinabi niya, teka pano niya naman nasabi yun?

" a-ako? magseselos? kanino naman? "

" kay Louise at kay Jamaica "

" b-bakit naman? h-hindi noh, tsaka b-bestfriend ko lang si Louise,  kaya bakit naman ako magseselos? "

" alam ko nagseselos ka, halata ko yun at nararamdaman ko, pero kung ayaw mong sabihin sakin ang totoo, ok lang, sabagay ngayon mo palang naman ako nakilala "

Natahimik ako sa sinabi niya, nahalata niya ako? kahit ngayon lang kami nagkakilala? pero bakit si Louise? di niya mahalata eh araw-araw ko siyang kasama? manhid ba siya? o talagang kaibigan lang ako sakanya?

Umupo ako at tumabi naman sakin si Sam

" s-sorry "
He apologize

" bakit ka nagsosorry? tama ka naman eh, oo na nagseselos ako sakanila, matagal ko ng bestfriend yan si Louise, pero bago ko pa siya mag bestfriend gusto ko na siya, pero bilib din ako sayo, ngayon mo lang ako nakilala pero nahalata mo na agad? manghuhula kaba? eh si Louise, araw-araw kong nakakasama, pero parang wala lang naman, ang manhid niya, ganun na ba ako ka-obvious? para mahalata na nagseselos ako? "

" Mary Joy hindi lahat ng walang pakialam ay manhid, minsan sinasadya nila para walang masira, tulad mo, halata agad sayo na nagseselos ka, at kung ako nga nahalata ko agad si Louise pa kaya? baka ayaw niya lang masira ang friendship niyong dalawa, pero depende din yan sakanya, malay mo wala talaga siyang alam, at iba lang ang gusto niya "

Napaisip ako, tama kaya si Sam? ganun ba yun? dalawa lang yan eh, ayaw lang ni Louise na masira ang friendship namin o may iba talaga siyang gusto, tama si Sam

Tumingin ako kay Sam at nginitian ko siya

" thank you Sam "

" welcome, so ano? tama na muna yang kaseselos ha? ienjoy mo lang tong party, at dahil tayo ang magka-date, I'll do everything para mawala sila sa isip mo, at para walang selos "

" hmmm ok "

Di ko alam pero magaan agad ang loob ko kay Sam, kaya nakapag open agad ako sakanya, mabuti si Sam, mabuti siyang kaibigan

To be continued...

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoWhere stories live. Discover now