twelve

754 12 0
                                    

( The Day After )

Nandito ako ngayon sa office at lutang na lutang ang isip ko, napapaisip ako kung bakit pa bumalik si Louise dito sa Pilipinas, pwede naman kasi na magstay nalang siya dun, oh kaya sa ibang lugar, maghanap siya ng forever niya, pero bakit dito niya pa sa Pilipinas naisip na bumalik

Bigla tuloy nag throwback nung panahong paalis na siya, iyak ako ng iyak, halos mamatay ako sa lungkot, hindi halos kumakain, walang tulog, laging umiiyak, pati study ko napabayaan ko na, buti nalang nanjan si Sam at tinulungan niya akong muling bumangon at magsimula nang walang Louise sa buhay ko

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang may kumatok sa pinto ng office ko

" ma'am Joy, may naghahanap po sainyo "
sabi ng secretary ko

Naghahanap? sino naman yun? wala akong in-e-expect na bisita ngayong araw

" sino daw? "

" Louise daw po "

Teka tama ba yung narinig ko? si Louise? nandito sa office? at hinahanap ako? pero bakit? tsk! may kailangan paba siya sakin?

" sige susunod na ako "

Ngumiti na yung secretary ko at muling isinara ang pinto, teka anong gagawin ko? paano ako haharap sakanya? paano ko siya kakausapin? haysst! kainis

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoWhere stories live. Discover now