five

1.1K 17 0
                                    

( 1 month later )

Isang buwan na ang nakalipas, pero di parin ako makamove-on, sobrang sakit parin ng nangyari, parang kahapon lang

Pero may nagbago, nawala na sakin si Louise, pero pinalitan ni Sam, pero si Louise parin talaga ang gusto ko

Pinatutunayan talaga ni Sam sakin na gusto niya ko, na mahal niya na ako, lahat ginagawa niya, araw-araw siyang pumupunta sakin, sinusundo ako at hinahatid

Kahit walang okasyon gumagawa ng effort, binibigyan ako ng bulaklak, letter, at kung anu-ano pa, ang sweet sweet niya sakin, yung pagkasweet niya sakin, yun yung gusto kong gawin sakin ni Louise, pero sa iba niya na ginagawa ngayon

Nandito ako ngayon sa soccer field, oo gusto kong makita si Louise, kahit nasasaktan ako tuwing makikita ko sila ni Jamaica na magkasama, pero gusto ko parin nakikita si Louise araw-araw

Nakita ko na siya, naglalakad mag isa, umupo siya sa tinatambayan niya, bigla akong nakaramdam ng tuwa, sa wakas! malalapitan ko siya nang wala si Jamaica

Mabilis kong inayos yung gamit ko at tumayo, hahakbang na sana ako, pero nakita ko na lumapit si Jamaica kay Louise at nagyakap sila

Biglang nanlambot ang tuhod ko, naramdaman kong matutumba ako, pero may humawak sa kamay ko at bigla akong niyakap, napayakap din ako, di ko na mapigilan ang paglabas ng luha ko

Wala na akong pakialam kung sino ang taong kayakap ko, basta komportable ako, dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko, para akong sinasaksak ng paulit-ulit

Nang tumahan ako, humiwalay ako sa pagkakayakap niya, at nakita kong si Sam na malungkot ang mukha

Pinunasan ko ang mukha ko gamit yung panyo na dala ko, inayos ko ang pagkakatayo ko at ang damit ko, saka ako ngumiti sakanya

" thank you Sam, I'm ok, di mo na dapat ginawa yun "

" Joy ang ngiti mo "

" huh? bakit ang ngiti ko? "

" alam kong hindi yan totoo, Joy hayaan mo kong pumasok sa buhay mo, sa mundo mo "

" ano bang ibig mong sabihin? "

" Joy, mahal kita, mahal na mahal, nasasaktan ako Joy, lalo na pag nakikita kitang nasasaktan dahil sa lalaking yun "

Di ko siya pinansin, naglakad na ko palayo sakanya, ayoko siyang nakikitang umiiyak, nagmamakaawa sakin na hayaan ko siyang pumasok sa buhay ko, pero wala naman akong magawa kasi si Louise ang mahal ko

Sana nga kaya nating turuan ang puso natin kung sino ang dapat mahalin, eh di sana wala tayong nasasaktang ibang tao, sana wala ng taong umiiyak

Ano bang dapat kong gawin? gusto kong pagbigyan si Sam, pero si Louise parin ang mahal ko

Di ko na alam ang dapat kong gawin, naglakad-lakad nalang muna ako, ayoko pang umuwi

Dahil nakayuko akong naglalakad, bigla akong may nabunggo, nahulog ang ibang gamit ko, sabay naman kaming umupo at tinulungan niya akong pulutin yung mga nahulog kong gamit

" sorry miss "

Napahinto ako, yung boses na yun...
napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko, at di nga ako nagkamali, it's Louise

" J-joy "

" Louise "

Tinuloy niya ang pagpulot sa mga gamit ko, ganun din ako, nang maayos na, sabay ulit kaming tumayo, di siya makatingin sakin

" s-salamat "

Pagkasabi ko nun nag-umpisa na kong maglakad palayo sakanya, bigla na naman bumuhos ang luha ko, ano ba! hindi ba mauubos to?!!!

Napahinto ako sa paglalakad dahil may humawak sa kamay ko, si Louise

" I'm so---! "

Di niya na natapos yung sasabihin niya kasi bigla niya akong niyakap, napayakap din ako sakanya, wala akong pakialam kung may nakatingin saamin

" hey why are you crying? "
He asked

Di ko siya sinagot, patuloy lang ako sa pag iyak habang yakap siya, ayoko na siyang bitawan pa, gusto ko ganito lang kami

Nakita kong lumabas si Sam ng gate at nakita niya kami na magkayakap ni Louise, yumuko lang ako sa balikat ni Louise at itinago ko ang mukha ko, ayoko siyang makitang nasasaktan

" let's go, may alam akong lugar "

Pagkasabi ni Louise nun hinawakan niya ako kamay ko at nagsimula na siyang maglakad, sumunod lang ako sakanya

Wala na akong pakialam kung saan kami pupunta, basta kasama ko lang siya masaya na ako

Nakarating kami sa isang playground, iilang bata lang ang naglalaro, umupo kami sa batong upuan na pang dalawang tao

Walang nagsasalita samin, tahimik lang, tanging mga ingay lang ng mga batang naglalaro ang maririnig

" Joy "

Narinig ko siyang nagsalita, pero di ko pinansin, gusto ko lang na paulit-ulit niyang banggitin ang pangalan ko

Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang kamay ko, at niyakap ulit ako, pero this time di ko siya niyakap, maya-maya lang humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin, pero hawak niya pa din ang kamay ko

" Joy, I'm sorry, sorry sa lahat, sana mapatawad mo pa ako? mahal kita kasi bestfriend kita, pero di ko mapapatawad ang sarili ko dahil ako mismo ang nakakasakit sayo, ako mismo ang dahilan kung bakit ka umiiyak, ayoko Joy, pero wala akong magawa, si Jamaica ang mahal ko "

So kailangan ipagdiinan? kailangan pang ipamukha sakin na si Jamaica ang mahal niya? kailangan pa ba!!!!!

" Louise wala ba talaga? wala ba talaga akong ibang role sa buhay mo kundi isang hamak na kaibigan lang? "

" sorry Joy, pero yun lang talaga eh "

Naiyak na naman ako sa sinabi niya, bakit ba kahit sa maikling sandali di ko man lang maramdaman na akin siya? kahit na kunwari lang???

" ayoko na Joy, ayoko na na nakikita kang umiiyak dahil sakin, na nasasaktan dahil lang sa tulad ko, Joy masaya akong naging kaibigan kita, masaya akong nakilala kita, masaya ako na dumating ka sa buhay ko, salamat sa lahat Joy, gusto ko maging masaya kana, na wala ako "

" what do you mean? "

" bukas, aalis na ko, kami ni Jamaica, sa Paris, kung nasan ang family niya, at nandun din si mommy at daddy, kasi may business sila dun, dun na kami mag aaral ni Jam, at di ko alam kung makakabalik paba kami dito, gusto ko lang personal na magpaalam sayo, ayoko naman umalis nang hindi nagpapaalam sa bestfriend ko "

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya, so aalis na siya? iiwan niya ako? mas lalong di ko na siya makikita?

Niyakap niya lang ako, at ganun din ako sakanya, ngayon mas mahigpit na, tumagal kami ng ilang minutes na magkayakap lang, pwede bang sa panaginip nalang ako? sana isang masamang panaginip nalang to, kaya lang hindi eh, nasa reality ako

To be continued...

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoWhere stories live. Discover now