eleven

928 10 3
                                    

* tok tok tok *


" Sam wake up, we have a visitor "


" hmmm ikaw nalang, antok pa ko eh "


" Sam... Sam... Sam... "


Napilitan na akong tumayo, kasi naman tong si Sam eh, ang tamad bumangon, pinuyat niya kaya ako kagabi, tapos ako pa yung maagang babangon, sino ba kasi yung bisita na yun? 8:30 palang ng umaga eh


Sinuot ko nalang yung sando ko kasi nakabra lang ako, pero suot ko narin naman yung pants ko, binuksan ko yung pinto, nanlaki yung mata ko kung sinong nakita ko, nakatayo siya sa harap ko at nakangiti, kilalang-kilala ko siya, kahit 5 year's na ang nakalipas, teka anong ginagawa niya dito? tsaka pano niya nalaman to?


" good morning "
bati niya na nakangiti parin


" go-good morning too, w-what are you doing here? "
after niyang hindi magparamdam ng ilang taon tapos makikita ko siya nasa harap ko


" ganyan kana ba magtrato ng bisita ngayon? "


Kung pwede nga lang wag na kitang papasukin eh, kainis, panira ng araw! ang aga-aga, sa dami ng pwedeng bumisita siya pa?! siya pa talaga?!


" oh i'm sorry, sige pasok ka muna "


Pumasok naman siya at sinara ko na ulit yung pinto, naglakad na siya at umupo sa sofa, tsk! may sinabi ba ako na umupo na siya? sabi ko lang pasok hindi upo! psh


" anong gusto mong inumin? coffee? juice? milk? water? anything? "


Ngumiti lang siya, may nakakatawa ba sa sinabi ko?


" coffee nalang "


" ah sige magtitimpla muna ako "


Tumango lang siya, naglakad na ako papunta sa kusina at nagtimpla ng kape, ano ba kasi talaga ang ginagawa niya dito? bakit nandito siya? so nakauwi na pala siya galing Paris? ba't pa siya nagpakita sakin? matagal ko na kaya siyang kinalimutan


Maya-maya lang bumalik na ako dala yung kape niya, nilapag ko yun sa lamesa, umupo naman ako sa katapat niyang upuan


" so why are you here? "
tanong ko


" I just want to see you "
tapos uminom siya ng kape


See me?! talaga lang ah! ang kapal niya


" pano mo nga pala nalaman tong apartment na to? "


" pumunta ako sa bahay niyo, si tita nagsabi na nandito ka, kaya pumunta na ako "


" bakit nandito ka? "
seryoso na kong nagtanong


" sabi ko nga, para makita ka "


" hindi yun, bakit nandito ka sa Pilipinas? akala ko ba dun na kayo titira kasama si Jamaica? akala ko ba hindi kana ulit babalik dito? "
yung ngiti niya kanina, ngayon napalitan ng lungkot


" Jamaica cheated on me, engaged na kami after 3 year's naming pagstay sa Paris, pero last year, nalaman ko na 1year niya na pala akong niloloko, ilang beses ko siyang pinatawad kasi mahal ko siya, pero maraming beses niya paring inulit, isang taon narin kaming hiwalay ni Jamaica, naisip ko, wala na naman akong dapat ipagstay pa dun, that's why I decided to back here, at tuluyan ko na siyang iniwan dun "


Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoWhere stories live. Discover now