nine

951 11 0
                                    

Papunta ako ngayon sa bahay nila Sam, kanina ko pa siya tinatawagan pero di ko makontak, laging cannot be reached, tapos nag ring pero di niya naman sinagot


Waaa! galit siya sakin, talagang titigilan niya na ako? susuko naba talaga siya? hindi pwede, ngayon pa? na mahal ko rin pala siya, actually matagal na, ayoko lang talaga aminin sa sarili ko, kasi akala ko si Daniel na eh, pero nagkamali ako, at this time ayoko ng maiwan ulit, at ayokong magsisi


Sumakay ako ng taxi para mabilis na makarating sa bahay nila, nag doorbell ako, lumabas naman ang mommy niya


" Hi tita, nandiyan po ba si Sam? "


" ay wala siya dito Joy, baka nasa biyahe na yun "


" po? biyahe po saan? "


" hindi niya ba nasabi sayo na aalis na siya? pero sabi niya, may sasabihin lang daw siya sayo na pwede daw makapagpapigil sakanyang umalis "


" ano daw po yun? "


" hindi ko rin alam eh, tara pasok ka "


" hindi na po tita, teka saan po ba siya pupunta? bakit aalis siya? "


" sa Palawan, dun daw muna siya magstay sa mga tita niya "


" bakit daw po? tsaka hindi pa naman po bakasyon ah? bakit aalis na siya? "


" hindi ko rin alam eh, alam mo naman ang batang yun pag sinabi ginagawa "


" sige po tita, salamat po, alis na po ako, kailangan ko po kasi siyang makita at makausap "


Agad akong umalis at sumakay ng taxi, kailangan kong pumunta sa airport, bahala na kung saan kung sa NAIA terminal 1, 2 or 3, or kahit saan, basta airport


Napadaan pa kami sa EDSA, grrr! sobrang traffic, pano ko maaabutan si Sam, alam ko para akong nasa isang teleserye, pero anong magagawa ko? totoo to eh


Halos mag iisang oras ako sa biyahe, at sa wakas andito na ko sa airport, teka nasaan ba siya? masyadong maraming tao dito, saan ko siya hahanapin? naglibot-libot ako, pero di ko siya makita, nakaalis na kaya siya? pero alam ko hindi pa, wala pa kaming 3 hours na nagkakahiwalay eh, biglang tumunog cp ko, agad kong kinuha at sinagot yung tawag


" hello "


" hello Joy, wala pa raw sa airport si Sam "


" ha? ah n-nasan po siya? "


" nasa lugar daw kung saan siya madalas pumunta, alam mo ba yun? "


" ah maliban sa school at sa canteen, madalas siyang pumunta sa--- alam ko na po! tita salamat "


" sige hija "


Binalik ko na yung cp ko sa bag ko at agad umalis, sumakay ako ng taxi para pumunta sa madalas puntahan ni Sam, sana nandun pa siya, sana, sana, sana


Makalipas ang 30minutes, nakarating din ako, kinakabahan ako, pano ko ba siya haharapin? matapos yung mga sinabi ko sakanya na masasakit, naglakad ako at di nga nagkamali si tita, nandito nga siya, nakaupo siya sa tabi ng malaking puno


Naalala ko dati, dito kami madalas pumunta, dito niya rin ako dinala nong Valentine's, nong umamin ako kay Louise, nong gabing sobra akong nasaktan, at dito na kami laging nagpapalipas ng oras noon, nong close pa kami, until makilala ko si Daniel, ang dami nilang similarities ni Louise kaya nahulog agad ako, nabulag ako sa pinakita niyang pagmamahal na akala ko totoo, pero ngayon malinaw na sakin, hindi niya ko totoong mahal, at ang totoong nagmamahal sakin ay si Sam


Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoWhere stories live. Discover now