six

986 16 1
                                    

( kinabukasan )

Maaga na akong gumising di dahil may pasok ako, kundi para kay Louise, kasi pupunta ako sa bahay nila bago sila umalis ni Jamaica, gusto ko lang siyang makausap kahit sa huling sandali

Kasi hindi ko alam kung pagkatapos nito magkikita pa kami, mayayakap ko paba siya? makakausap ng personal? at makakakulitan?

Nag ayos agad ako, 8 pa pasok ko, 6:30 palang, oo ganyan ako ka excited na makita si Louise at makausap

Kinuha ko yung album na ginawa ko, mga pictures naming dalawa yun, at may mga messages din, mga happy memories namin at yung iba stolen pa

Ngayon oras na para ibigay ko to sakanya, kahit sa pamamagitan man lang nito, maalala niya ako, kahit nasa malayo siya

Kinuha ko na ang gamit ko at umalis, nagpaalam naman ako kay mama kung saan ako pupunta kaya maaga akong umalis

Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay nila Louise, although hindi naman masyadong malayo ang bahay nila sa bahay namin kaya after 10minutes nakarating na ko

Pagbaba ko, nakita ko yung yaya nila na inaayos yung mga gamit nila sa kotse

" Hi ate Nica, anjan po si Louise? "

" ah oo hija, tara pumasok ka "

Pinapasok ako ng yaya nila dahil kilala naman nila ako, tsaka 3times a week yata ako pumupunta dito

" akyatin mo nalang sa kwarto niya, nagbihis na yun, maya-maya kasi aalis na sila "

" sige po ate Nica salamat "

Lumabas na ulit siya ng bahay at bumalik sa kotse at nag ayos ng gamit, ako naman, nagdadalawang isip na umakyat, oo ilang beses na akong nakapunta dito, at nakapasok sa kwarto ni Louise, pero this time, kinakabahan ako

Huminga ako ng malalim at naglakad na paakyat ng hagdan, tumapat na ko sa pintuan ng kwarto ni Louise, kumatok ako

" pasok "

Sigaw niya mula sa loob, tutal bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako, wala siya dito, siguro nasa cr pa, umupo muna ako sa kama niya, napatingin ako sa maliit na table sa tabi ng kama niya, nakita ko ang picture nilang dalawa ni Jamaica, kami yan dati eh, picture namin dalawa ni Louise ang nandiyan dati, pero ngayon wala na

Bigla naman bumukas yung pinto ng cr kaya napatingin ako, lumabas si Louise na nakaboxer lang at walang damit pang-itaas

Bigla niyang tinakpan ng tuwalya yung harap niya na natataranta pa

" oh Joy ba't nandito ka? "

" diba sabi ko sayo kahapon pupunta ako kasi may ibibigay ako sayo "

" oo nga pala, nakalimutan ko, akala ko si yaya Nica lang eh "

" sige magbihis kana muna, hintayin nalang kita sa labas"

" no, wag na, sa cr nalang ako magbibihis "

Tumango lang ako, pumasok na ulit siya sa cr para daw magbihis, maya-maya lang lumabas na siya, naka-maong na pantalon at naka-long sleeve na plain black, pero nakatupi yun hanggang sa siko niya, ang gwapo niya lalo, parang nag throwback tuloy nong una ko siyang nakita

" sorry ah medyo matagal "

" ok lang "

" ano nga pala ang ibibigay mo? "

Mahal Na Mahal Kita Kahit Hindi Pwedeng Maging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon