19-The Conjurer (TOM)

1.8K 102 11
                                    


=Archangel=

"Are you sure, you're okay na? Pwede kitang ihatid kung-"

"Cut the crap. Okay lang ako." Putol ko dito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang inalalayan niya akong maglakad. 

"Chie."

Napapikit ako.

"Fuck!"

Nanghihina pa rin ang katawan ko. Pero wala akong choice kundi ang lumabas sa pesteng hospital na to. Hirap na napasandal ako sa inuupan. Hindi ko maintindihan kung para saan ba itong pagkainis ko. Kung sa mga nakita ko ba kanina o sa nangyari sa'kin.

"Ayoko na munang umuwi," sabi ko dito. Tumango naman ito. Alam kong magtataka ang mga ito, but-- heck! Bahala sila. Ayoko silang makasama sa iisang bubong. Kahapon pa dumating ang mga ito sa galing Saudi. Labag man sa loob ko, ay wala na akong magawa kundi ang hayaan ang mga itong bantayan ako. Halos dalawang-araw rin ang nilagi ko sa loob ng hospital dahil sa lintik na pananakit ng katawan ko.

Sa condo ni IU ako tumuloy at naglagi ng tatlong araw. Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko ngunit minsan nakakaramdam pa rin ako ng pananakit ng tagiliran ko. Parang gusto ko na ngang paniwalaan ang sinabi ni IU na may-sa-mangkukulam ang Fina na yon. Pero papaano? Bago pa man ako naisilang ay patay na ito. Kung tutuusin, it was just a fucking dream.

"Alam mo, pwede kapa naman magstay sa bahay," puna ni IU nang mapansin ang pagngiwi ko. Nasa labas kami ng gate ngayon at plano kong ituloy ang naudlot kong misyon.

"Okay lang ako," sabi ko nalang dito. Pero tang-ina. Ang sakit talaga.

Napapailing na nagbuga ito ng hangin. "Nakikita mo ba yang sarili mo sa salamin?"

Hindi ako umimik bagkus ay napabaling sa labas ng bintana ang mga mata ko. Alam kong nag-aalala lang ito pero kailangan kong ipagpapatuloy ito. Lalo na't unti-unti ay may nakukuha na akong kasagutan sa mga tanong ko. Hindi naman ako tanga para di malamang may kung gustong pumipigil at humahadlang sa mga plano kong gawin ito. Marahil ito ang dahilan kaya nangyayari sa'kin to.

Gulat at napaigtad ako nang biglang may kumalampag sa bintana. Katulad ko, maang at nanlalaki rin ang mga mata ng katabi ko. Bakas ang pagngiwi at pandidiri dito.
   

Nakaharap sa'min ang isang babaeng grasa. Mahaba at maitim ang magulong buhok nito. Animo'y basahan ang suot at hawak ng isang kamay ang isang supot na naglalaman ng tirang pagkain. Naalala ko, ito rin ang nakita ko nung nakaraan.

Narinig ko naman ang mahihinang pagmura ni IU sa tabi ko. May kinuha siya sa loob ng bag at bahagyang binuksan ang binata para iabot iyon. Sandwich iyon.

"Okay na ho? P-Pwedeng umalis na ho kayo?" Anang kaibigan ko. Nanatiling nakapinid lamang ang tingin ko sa mga ito. Ewan, pero mukhang pamilyar lang ang mukha ng garasang to.

"Shit!" Muli ay napangiwi ako nang makaramdam uli ng pananakit.

"Sabi ko na nga ba e. Tara uwi na nga lang tayo," anito.

"No." Subalit, mariing pinigilan ko lamang ito.

Kahit naman nasa bahay ako ay wala ring ipinagkaiba. Tang-ina. Ano ba talaga ang ginawa sa'kin ng Fina na yon! Napakaimposibleng kinulam o sinumpa nga niya ako. Pero kahit ganunpaman, wala akong ibang makitang dahilan kung bakit. Hanggang ngayon ay wala rin kasing result ang mga doktor kung ano ba talaga ang sakit ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Chei, nag-aalala lang naman ako sayo."

Hindi ako umimik. Sa halip, muling napadako ang mga mata sa bintana nang biglang manlaki ang mga ito.

Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon