TOM-B.12

691 37 0
                                    


Votes and Comments. Thanks!
____

"Kailangan niyang malaman ang totoo." Kumikislap ang gintong liwanag nito sa loob malawak na hardin. Napapalibutan sila ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak, may mga maliliit na engkantong lumilipad sa paligid. Tumuntong ang isa sa daliri ng reyna. Ngunit, agad din iyong lumipad. Nasa sagradong hardin ang reyna kasama ang diwata na si Hertiles.

"Masasaktan lang siya." Ramdam ng diwata ang kalungkutan sa puso ng reyna. Marahan nitong hinawakan ang kamay ng mahal na sumiah.

"Karapatan niya ang malaman ang totoo, Mahal na Sumiah." Buong ingat at paggalang na sinabi ni Hertiles. "Nararamdaman ko ang matinding pangungulila sa pamilya niya. Magtiwala ho kayo. Babalik ho siya."

"Papaano siya babalik, Hertiles. Kung gayong kinamumuhian niya ang isang katulad ko." Pinipilit niyang maging normal ang boses niya. "Sa tuwing tinitingnan ko ang kanyang mga mata. Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit." May isang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata ng reyna. Sa paghalik nito sa lupa, agad tumubo ang isang di-pangkaraniwang halaman at kaagad namumukadkad ang bulaklak nito. Pinapalibutan ng mga engkantong singliit ng hintuturo ang bulaklak, paikot-ikot sa paglipad. Nagniningning ang maliliit na kulay gintong liwanag na nanggagaling sa mga ito.

Isang mahiwaga ang mundong ito para kay Mars. Nakakamangha ang bawat nilalang at nakapagbibigay aliw sa dalaga at ang mga engkantong nakapaligid dito.

Gayunpaman, binalot ng kalungkutan ang puso at ang pag-aasam na makita't makasama ang mga mahal sa buhay ang natatanging ninanais nito.

Hindi iyon lingid sa kaalaman ng reyna. Subalit, kaakibat niyon ay isang katotohanan na siyang bibiyak sa puso ng babaeng mortal.

"Damn her!" Malakas na pagmumura niya habang kinakalamukos ang kumot at marahas siyang napatayo. "Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Matapos niya akong tangayin sa lugar na 'to! Ugh!" Kulang nalang ay sabunutan niya ang kanyang buhok. She knows that... that... Ele is the one who took her! And that's hundred percent for sure! Malaki talaga ang hinala niya na pakana ng Ele na yon kaya siya napadpad sa lugar na 'to.

Nagpupuyos talaga ang dibdib niya sa galit para dito. Sino ba naman ang hindi? That... that... ugh! Whatever her kind is! Isinusumpa niya ang mga kauri nito! Hindi siya maaaring magtagal sa mundong 'to. Kailangan na niyang makabalik sa kanila, sa mundo kung saan siya nababagay at hindi sa... creepy yet enchanted world na 'to.

"Ugh! But... But... How? How can I escape on this place?" Naitanong niya sa sarili.

That thing you know for sure. Her mind says.

No way!

That's a big NO! Wala siyang balak na pakasalan ang Ele na yon. Ang kapal lang talaga ng pagmumukha nito matapos siyang kidnapin at ikulong sa lugar na 'to?

Nababaliw na ang babaeng yon!

"I must fight for my freedom! Hindi ko dapat hinahayaan na gawin ng Ele na yon ang gusto niya! Fuck her!" As she walked back and fort. Sa huli, isang desisyon ang naisip niya.

Agad niyang nilisan ang kanyang silid at tumungo kung saan niya huling nakausap ito. Napakalaki ng bahay- No. Nasa palasyo pala siya. She doesn't care at all whether she's wandering now inside of a castle. Lahat ng pagkamangha niya at tuwa sa lugar na to ay kaagad napalis ng malaman niya kung sino ang pakana ng pagkakadukot sa kanya. Buti sana kung nalaman niya sa simula pa lang na may sa maligno pala ang lugar na kinatitirikan ng Lola Rita niya. Edi sana- maiiwasan niya ang pagkakaligaw o anu pa man na may kaugnayan sa lugar na 'to.

Maybe you forgot something. Kaya ka naparito ay para mabigyan kasagutan lahat ng katanungan sa isipan mo. You're here it's because you seek answers, right? Pahayag ng isang bahagi ng kanyang utak.

Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon