Heading to D'vel University...
"Jess? M-May problema ba?" Pukaw sa kanya ni Anastacia. Tila doon lamang nagbalik siya sa katinuan at marahas na nagbaling ng tingin sa nag-aalalang mukha nito.
"Well. Y-Yah."
Kumurap-kurap ang mga mata nang mapatingin siya muli sa kung saan nakapukol ang mga mata niya kanina. Parang bula na nawala ang anino at ang kasama nito.
What was that?
Bakit bigla na lamang nawala ang mga ito?
"Let's go?" Untag uli nito.
She sighed.
"Okay." Muling pinasibad niya ang kotse papuntang D'vel University.
____
"Good Morning, Mrs. Perez!" Bati ni Anastacia ng makasalubong nila ang may edad na babae.
"Good morning din sayo, Ana." Ngumiti ang butihing ginang sa dalaga bago nilagpasan sila nito.
"Ang hilig-hilig mo talagang bumati." Nasabi niya.
Tumawa lang ito.
Pasimpleng sinulyapan niya ang maamong mukha nito. Ana is truly beautiful inside and out. Nasa dalaga na ang lahat na gusto niya sa isang tao.
At kahit kailan, hinding-hindi niya pagsisisihan ang kanyang ginawa noon. Looking at this beautiful lady beside her. Nawawala lahat ng dagok sa nakaraan niya. At mananatiling bangungot na lamang ang mga iyon sa buhay niya.
Ana save her from misery, that world full of pain. And she would never ever regret sacrificing her life for her. Ever!
"Anong iniisip mo?" Naitanong nito.
Nagulat pa siya nang bumungad sa kanya ang maamong mukha nito malapit sa kanya habang naglalakad naman ito paatras.
"Nothing. Just..." napapilig siya dahil hindi niya alam kung ano ang ikakatwiran. "Ouch-!"
"Hmp! Napaka-secretive mo talaga!" Napaismid ito at sinabayan siya sa paglalakad.
"That's really hurt." Reklamo niya habang hinimas-himas ang tungki ng kanyang ilong. Ikinapagtataka niya ang ginawa nito.
Ano bang problema nito?
Grabeh, hindi niya napaghandaan ang ginawa nito. Ang saki-sakit tuloy ng ilong niya.
"Wait-" pagpigil nito sa braso niya kaya napatigil sila pareho.
"Why-?" Takang tinignan niya ito. Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya.
Ganoon na lamang ang pagtigil ng mundo niya nang biglang halikan nito ang kanyang ilong. Parang tambol ang pagkabog ng dibdib niya.
Sana ay hindi iyon napansin ng dalaga."I'm sorry, okay?" Panlalambing nitong sabi. Parang wala lang dito ang naging reaksyon niya. "Tara na!" Anito at iniwanan siyang nakatulala pa rin.
Alas singko ng hapon, hinintay niya ang dalaga. Simula ng mag-transfer siya sa D'vel ay lagi niya itong hinahatid pauwi."Don't tell me. Hinihintay mo na naman si Anastacia?" Mula sa pagkakatuon niya sa harap ng kanyang cellphone. Narinig niya ang boses lalaki sa may likuran niya.
Sa halip na sagutin niya ito. Blankong tiningnan lang niya ang binata. Ikinapagtaka niya ang biglaang pakikipag-usap nito sa kanya.
"Don't you think, you're being rude? Tinatanong kita kaya dapat lang na sagutin mo 'ko." Naiinis nitong pahayag.
BINABASA MO ANG
Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)
ParanormalA girlxgirl story. =Taking Over Me= Book 1 - "The Conjurer" Book 2 - "After Life" √Paranormal √Supernatural √Horror √Fantasy √Mystery √Romance DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places and incidents are ei...