21-The Conjurer (TOM)

1.7K 91 4
                                    

=Mars=



"HEY, how are you feeling?" Narinig kong pagsasalita ng nasa tabi ko. 


Hindi ko ito pinansin at tila walang narinig na tinitingnan ko ang bagong manicure. Nagkatuwaan kami ni Ate Cy kahapon, at nilagyan niya ng kolorete ang mga kuko ko sa kamay. Ang ganda, kulay pilak ang mga ito. Sinabayan ko pa ng pagha-hummed at aliw na aliw kong pinagmasdan ang mga iyon.





"Babe," muling pag-aagaw nito sa atensyon ko. Sukat at napaangat ang mukha ko dito. Masamang tinignan ko ito sa mga mata.






Hindi ko maintindihan kung bakit... Pero simula nang sumulpot nalang ang babaeng to ay biglang nagulo ang tahimik kong mundo. Ang kulit niya at... ano raw?





"B-Babe?" 'Di makapaniwalang pag-uulit ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig.




"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Sa halip, balewala nitong sinabi.





"Okay na 'ko kaya pwede ka nang umalis. Hindi kita kailangan dito," pagtataboy ko.






Nakarinig ako ng mumunting pagtawa ng katabi ko kaya muli ay napaangat ang mga mata ko dito.






"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Ayokong mag-isip pero may sira yata sa utak ang babaeng to. Sayang ang ganda pa naman.







She has narrow eye brows and narrow facial shape, fuller red lips, wide glaring keen eyes, na para bang nangungusap at nakakalunod tingnan ang kulay asul nitong mga mata na parang dinadala ka sa ibang dimensyon.






Mahaba ang kulay gintong buhok at umaabot iyon sa beywang nito. Para siyang prinsesa lalo na't nakalugay ang mga iyon at maganda ang pagkakatirintas sa ilang hibla ng buhok nito. Matangkad at balingkintan ang hubog ng katawan. Almost perfect- yon nga lang may sayad sa utak.






"Done checking me?" Pukaw nito sa pagkakatulala ko.





"W-What?"





Inilapit nito ang mukha saka niya hinawakan ang aking baba para isara ang nakaawang kong mga labi.


"Are you inlove with me now?" Imbes na ulitin niya ang mga narinig ko kanina, iba ang lumabas sa bibig nito.





"Nababaliw kana!" Naiiling kong ika at mabilis na inilayo ang sarili mula dito.






"It's fine with me. Don't worry. Mahal rin naman kita, eh. So quits lang tayo." Nakahalukipkip nitong turan na ikinalaglag uli ng mga panga ko. "I want you to be ready. Dahil sasama ka sa 'kin and you'll marry me as soon as possible," seryosong pagpapatuloy nito.





"W-Wait. Did you just say, marry you?" 'Di makapaniwalang tanong ko.



Tumango ito.







"Yes," maagap nitong sagot.






Nanlaki ang mga matang pinakatitigan ko ito sa mukha. Seryoso ba ito? Nang mabasa ang kasiguraduhan sa mga mata ng kaharap ko, ngali-ngaling mahampas ko ito.






"Are you insane?!" Bulalas ko. Malala na ang babaeng 'to. Ang dapat dito ay dinadala sa mental institution.





Hindi ito umimik, sa halip, nanatiling blankong nakatitig ang mga mata nito sa mukha ko.






Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon