Kiss

6.5K 150 6
                                    

Pakiramdam ni Eveory ay nabingi siya sa sinabi ng ama niya.

"Po ? Paki-ulit?"

Napansin naman niya ang pagbuntunghininga ng ama niya . Napalunok siya ng sunod-sunod, hindi dahil sa pagbuntunghininga ng ama niya kundi sa mga matang nakatingin sa kanya.

Nasa harapan lang naman niya ang lalaking gusto niya simula pa lang ng ipakilala sa kanya ito ng abuelo niya noong nasa high school siya, si Wencell Favillion. Hindi niya mapigilan ang ma-love at first sight sa lalaki dahil bukod sa gwapo ito ay nagustuhan niya ang pagiging misteryo nito. Palagi itong seryoso at hindi palakibong tao , na para kay Eveory ay mas lalong nakadagdag sa pagkagusto niya sa lalaki pero iba ngayon ang kaba na nararamdaman niya dahil nasa harapan niya hindi lamang si Wencell kundi pati ang magulang at ilang kamag-anak nito. Saka nandoon rin ang mga magulang niya kasama ang mga tiya at tiyo niya.

Nasa trabaho siya ng bigla siyang ipatawag ng ama at kaylangan daw siyang umuwi dahil may pag-uusapan silang mahalaga. Hindi naman niya akalain na andoon pala ang halos kalahati ata ng angkan ng mga Erion, pati ang mga Favillion.

Nasa dining hall sila at may labing anim na upuan iyon. Pito sa kanan at pito sa kaliwa at tig-isa sa magkabilang dulo.

Nakaupo ang papa niya sa gitnang bahagi habang nasa kaliwa sila ng mama niya, ang kuya Evius niya at siya. Sa kanan naman ay ang papa ni Wencell , mama nito at si Wencell . Kaya naman kahit gusto niyang tignan ang nasa harapan niya ay hindi niya magawa dahil alam niyang nasa harapan niya ang lalaking gustong-gusto niya.

Para akong matutunaw sa tingin niya.

Kanina pa kasi ito nakakatitig sa kanya habang siya ay pinipilit na makinig lang sa sinasabi ng ama pero kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mata ang pagtitig ng lalaki kaya hindi niya talaga maintindihan ang sinabi ng ama niya. Kundi lang siya nakarinig ng salitang 'marriage' ay hindi niya pagtutuunan ang sasabihin ng ama.

"Alam ko anak, hindi mo magugustuhan  ang naging desisyon namin pero sana maintindihan mo" Hindi naman niya maiwasan mapakunot-noo . Hindi niya nga alam kung ano ang sinabi ng papa niya kaya pinauulit niya iyon dahil sigurado siyang kasali siya sa binanggit na pangalan nito.

"Sorry pa, pero wala po talaga akong naintindihan sa sinabi niyo " Nakita naman niya ang pagngisi ng kuya niya.

"Nasaan ba kasi yang utak mo? Nililipad ka na naman ata sa outerspace." Natatawang sabi nito. Sumibangot naman siya.

Kasalanan ko bang hindi ako makapag-concentrate. Nakakailang kaya ang titig ni Wencell.

Kinurot niya ang kuya niya sa tagiliran pero tumawa lang ito. Iinisin pa sana siya nito kung hindi lang tumikhim ang kanyang papa.

"Ok, Eveory, listen." Tumuwid siya ng upo para maayos na mapakinggan ang sasabihin ng ama niya.

"Your lolo Ezikel, want you to get married before you turning 25 , and because you are already 24 --"

"Wait pa, pede po bang straight  to the point na? Mas lalo po kasi akong ninerbyos kapag pinaliligoy-ligoy niyo pa. Lalo na at kasama pa si Lolo, peace be with you po Lo" Saka pa siya tuminga at nagpeace sign. Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ng kuya niya kaya siniko niya ito. Huminto naman ito, saka lang niya lang naalala na may kaharap pala sila. Kaya naman dahan-dahan pa siyang lumingon sa mga nasa harapan niya at parang gusto niyang bumuka ang lupa dahil kita niya na nagpipigil ng tawa ang mga kaharap niya dahil sa ginawa niya. Pagtingin niya naman kay Wencell ay nakakunot-noo lang ito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Ok, Eveory, as like what I just said , your lolo Ez--"

"Pa! "

Natawa naman ang papa niya dahil sa pagsuway niya dito.

"I'm sorry, My bad. " tumikhim muli ito saka sumeryoso ulit na tumingin sa kanya.

"Eveory, your getting married " Napanganga siya sa sinabi ng ama niya. Literal,  na nakanganga siya habang nakatitig sa papa niya.

"Hoy! Baka pasukan ng langaw yan " Kundi pa nagsalita ang kuya Evius niya ay hindi pa siya makakahumang.

"Teka? Ako ikakasal? Kanino? Saka pano ako ikakasal ni wala pa nga akong nagiging boyfriend " Napasibangot siya ng sobra dahil sa sinabi ng papa niya. Hindi naman siya against kung ikakasal siya kasi hindi na rin siya bumababata, pero kanino naman siya magpapakasal kung ni hindi pa nga niya naranasan magkaroon ng relasyon.

Ok don't get me wrong, may manliligaw ako pero hindi ko talaga sila type kasi si Wencell lang type ko kaso mukha hindi naman ako ang tipo nito.

"Eveory, naalala mo ba ang sinabi ni Lolo Ezekiel mo, noong bago siya mamatay? "  Bahagya pa siyang nag-isip saka pilit inaalala ang sinabi ng Lolo Ezekiel niya, nakaramdam naman siya ng sandaling kalungkutan . Oo, naalala niya pa yun , dahil nag-iisang babae lang siya sa kanilang mga apo ay siya ang naging favorite ng lolo niya, naalala niya noon na nag-uusap sila. May sinabi ito na gusto nito na makasal siya sa isa sa mga apo ng kaibigan nito, hindi niya na natanong kung sino dahil akala niya nagjojoke ang kanyang lolo, and right there and then, something hits me.

Ohh my ! Don't tell me..

Nanlaki ang mata niya ng lumingon siya sa kanyang papa at tumango ito.

Confirm!

"So sino po ang magiging asawa ko sa kanila ?" Tinignan niya yung lahat ng kasama ni Wencell, except him. Pero parang gustong magtatalon sa tuwa ng puso niya dahil mukhang tama ang hinala niya, wala siyang makitang pwde sa mga kasama ni Wencell na pedeng ikasal sa kanya maliban dito. Kaya halos matense siya, inabot niyaang baso ng tubig na halos ubusin niya na ang laman.

"Ok, meet Wencell Favillion, your future husband" at kung pano nalaglag ang puso niya dahil sa gulat ay ganun din halos maibuga niya ang lahat ng tubig sa bibig niya.

"Oh shvt!" Napatakip naman siya agad sa bibig. Saka naman napatayo si Wencell habang sila ay gulat dahil sa nagawa niya.

Siya? Ayon laki mata lang. Daig pa kasi ni Wencell ang naligo dahil sa dito niya lang naman naibuga ang lahat ng nainom niya.

"Gosh ! Sorry !" Mabilis din siyang tumayo saka umikot papunta sa pwesto ni Wencell , malapit na siya sa pwesto nito ,ng dahil ulit sa katangahan niya ay nadulas siya.

Oh no! Wag sa lapag!

Ipinikit niya na lang ang mga mata at hinihintay ang pagmeet ng sahig sa mukha niya pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala parin siyang naramdaman na masakit sa bahagi ng kanyang mukha.

Kahit ganon, hindi pa rin siya dumilat dahil alam niyang natumba siya pero hindi talaga matigas ang nilapatan ng nguso niya. Ngumuso-nguso pa siya para makumpiramang hindi talaga siya sa sahig nakipaghalikan.

Teka , bakit malambot? Saka bakit parang hindi lapag ang pinag-landing-an ng katawan ko? Kahit matigas may hugis.

Pinisil niya ang nahawakan ng kanyang kamay at nanlaki ang mata niya ng marealize ang isang bagay. Hindi nga sahig ang binagsakan niya kundi isang tao at para mas palala pa ang sitwasyon niya ang kanina pang malambot na bagay na sinubsuban ng nguso niya ay ang isang labi , ang labi ng kanyang ultimate crush-slash-love-prince charming na si Wencell.

Oh my! I kiss him!

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Where stories live. Discover now