Wedding

4K 130 2
                                    

Matapos ang nakakilig na moment namin ng aking future husband, one month to be exactly. Finally,  kasalan na.

Yeah! Hindi ako excited dahil sobrang excited ako!

"Gaga, wag kang malikot. Masisira yang make-up mo." Tininga ko si Regine na siyang nagmamake-up sakin, may ari kasi ng isang beauty parlor si Regine kaya siya na ang kinuha ko siyang beautician ko.

Kanina pa kasi hindi ako mapakali dahil ilang oras na lang magiging Mrs. Wencell Favillion na ko, ikakasal na ko sa ultimate crush ko noong high school ako.

"Kinakabahan kasi ako." Napatingin naman ako sa salamin saka ko nakita ang mukha ko. Hindi sa pagmamayabang pero ang ganda ko, I mean mas gumanda ako.

"Eve, wag kang kabahan kasi alam naman naming first time mong ikasal no." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Judie.

"Bakit sa tingin mo may balak pa kong magpakasal ulit sa iba?" Namilog naman ang mata nilang dalawa.

"So you mean?" Nakangisi na si Regine habang nakapamewang sa likuran ko , nakikita ko kasi ang reflection nila sa salamin na nasa harapan ko.

"Oo, wala naman siguro masama kung itry ko diba? I mean sana magwork kami. " Tinitigan ako ng dalawa saka ngumisi.

"Oo magwowork kayo lalo na kapagmagaling ka sa kama." Halos manlaki ako sa sinabi ni Judie, saka sila bumalanghit ng tawang dalawa.

"Yeah, thank you sa pagpaalala sakin na wala ako pa kong experience.  "pagsibangot ko pero sa huli ay nakitawa na rin ako sa kanila.

"Andyan na po ang bridal car ." Napatingin kami sa babaeng sumilip sa kuwarto ko.

This is it!
---
Pinagsaklob ko ang mga kamay kong namamawis na. Hindi ko alam na ganto pala ang ikasal at ang maghintay kung dadating ba ang bride mo o hindi.

"Bro, chill. Makakarating din si Eveory. Kumalma ka, tignan mo o tagaktak na yang pawis mo " Napalingon naman ako sa best man kong si Johnson.

Hindi ako sumagot saka kinuha ang panyo para punasan ang mga butil na pawis na nasa noo ko.

God, kung alam ko lang ganto pala ang pakiramdam ng ikakasal , sana pala hindi ko na sinabihan na korni ang mga groom na umiiyak kapagpapalapit ang mga bride nila.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kung dahil ba sa ikakasal na ako o dahil baka umurong na si Eveory.

Napatingin ako sa wristwatch ko, ten minutes late na siya. Pano kung umurong siya? Anong gagawin ko? Pano kung nagbago na ang isip ng babaeng yun tapos naisip niya kabaliwan ang magpakasal sakin.

So, ano naman kung umurong siya  ? Bakit namomoblema ako. Diba pabor sakin yun? Hindi ako matatali .

Talaga? So, bakit ka natatakot na hindi siya dumating. Kasi in love ka kay Eveory.

Napailing-iling ako ng may tinig na nagsalita sa utak ko. Oo, siguro gusto ko siya, pero love? Hindi ko alam, undefined pa ang feeling ko .

"Ayan na bro. Dumating na " Para naman akong nabunutan ng tinik ng marinig ang tugtog at saka ako tumingin sa harapan , para naman akong naubusan ng hininga ng magtama ang mga mata namin ni Eveory.

She was beautiful, a breathtaking.

Ngumiti siya sa akin ng makita ako. Laglag ang puso ko, and that make me out of guard.

Pano kung hindi niya saluhin ang puso ko? Pano kung sa paglipas ng panahon ay makahanap siya ng ipapalit saakin.

Dahil sa inaiisip ko ay napakuyom ako , saka naging isang linya ang lapi ko.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Where stories live. Discover now